Chapter 3

683 39 12
                                    

Leon's POV

Nandito na ako sa loob ng eroplano at nakadungaw sa bintana nito habang tinitignan ang malacotton na kulay na mga ulap.

I am having my flight from State to Philippines. Yes I am going back in the place where I first grew up. Napunta lang ako sa States noong sampung taong gulang ako kasama sina Lolo at Lola, my Dad's family.

And now that I am already 23 years old and graduated, I need to take over the company, kasi ako lang naman ang pwedeng magpatakbo ng kumpanya dahil bata pa ang mga kapatid ko na dito sa Pilipinas lumaki.

    "Sir, within 10 minutes. The plane will land in NAIA's airport" pagbibigay-alam sa akin ng isang babaeng flight attendant.

Tinanguan ko lang ito at inalis na ang tingin dito. Nakasakay kasi ako sa isang private plane na pagmamay-ari ng pamilya namin.

Makalipas ang sampung minuto, nakalapag na nga ang eroplano sa sinabing lugar. I took my luggage, and wait for the plane's door to open. Hanggang sa magbukas na ito at bumungad sa akin ang maliwanag na sikat ng araw.

Sinuot ko ang sunglasses ko para hindi masilaw sa sinag ng araw. Bago ako bumaba sa private plane na sinakyan ko. Kukunin na sana ng isang flight attendant ang maleta ko nang ilayo ko ito sa kaniya.

    "I can manage" I said with my cold voice. Napapahiya naman itong ngumiti sa akin at lumayo. Kaya pinagpatuloy ko na ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa exit ng airport.

Marami akong nakitang mga taong nakaabang sa pamilya nilang papalabas ng airport.

    "KUYA!" isang sigaw na nakakuha ng pansin ko kaya nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. And there I saw my two younger sibling, running on my direction.

Ngumiti ako at binitawan ang maletang hawak ko bago ibinuka ang mga braso wari'y naghihintay na mayakap. At nang makita nila ito, dali dali nila akong niyakap pagkalapit. I chuckled because of them and kissed them both on their head.

    "Miss me?" Tanong ko kaya tiningala nila ako at nakangiting tumango tango. Lumapit na rin sa amin si Papa, at kinuha ang maleta ko.

    "Welcome Back Son" bati nito sa akin kaya niyakap ko siya. Shit I really missed them.

    "I'm back" i whispered as I feel him hug me back. Yumakap rin ang makukulit na bata kaya natatawang napakalas kami ng yakap ni Papa at nag-aya nang umuwi dahil nandoon daw si Dad may tinatapos about work.

Nandito na kami sa loob ng sasakyan, katabi ako ni Papa sa harap ng sasakyan habang nasa likod naman ang dalawang bata. Hindi rin natigil ang mga ito sa pagkukuwento sakin tungkol sa pag-aaral nila.

Oh I forgot to introduce myself, I am Leon Charles Anderson, 23 years old. I was born through surogacy with the use of my Papa's sperm. Kaya nakuha ko ang kulay ng mata niya na Brown while physical appearance kay Dad naman.

Yes, we have two Dads. Actually they are a gay married couple. Nabuhay rin ang dalawang kapatid ko through surogacy gamit naman ang sperm ni Dad. Like mine, nakuha nila ang mata ni Dad pero sa mukha si Papa naman.

They are twins, a fraternal twins. Zephanie Nicole Anderson, the first born and Zean Alexis Anderson, the second born. They are 9 years old.

And do you want to know who are my two dads?,
Meet Alec Santos-Anderson, my Papa and George Anderson, my Dad.

    "We're here" Papa said, lumabas na ito ng kotse na sinundan ko naman. Nagsilabas ang mga trabahador nila Papa sa bahay at binati ako. Pero sa iisang tao lang ako nakatingin, my Nanny Sephie.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Fake Boyfriend (BL)Where stories live. Discover now