CHAPTER 59

193 10 3
                                    


Nanatili kaming nakaupo ni gino sa buhanginan, pinapanood ang mga bituin sa kalangitan at pinapakinggan ang mga alon sa dagat. Nakaupo siya sa likuran ko. Nakayakap siya saakin. Nakasandal naman ako sakanya.

"Ano iniisip mo mahal?" tanong niya

"Wala lang, masaya lang ako ngayun! Sobrang saya" sagot ko na deretso padin ang tingin sa malayo

"Alis na kami bukas love" may lungkot sa mga boses ni gino. Humarap ako sakanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi

"It's okay love, pwede naman facetime and text nalang. Madalas nalang ako tatawag pag di ako busy" sagot ko habang hawak hawak parin ang mukha niya. Inilapit niya ang ulo niya at pinagdikit ang mga noo namin

"Mamimiss kita mahal, ayaw mo ba sumama sakin sa manila? Kahit isang linggo lang" pagmamakaawa niya saakin

"Love, diba napagusapan na natin to. Hindi ko pwedeng iwan ang resort." hiniwalay ko ang ulo ko at tinitigan siya.

"Haaay. Ang hirap naman. Para akong may asawa at anak na iiwan at kailangan mangibang bansa" napatawa naman ako sa sinabe ni gino at niyakap ko ito.

"Asawa kaagad? Baka nakakalimutan mo Mr. Roque kanina lang naging tayo" at napatawa ako ng malakas.

"Ayaw mo ba akong maging asawa?" seryosong tanong nito. Tinitigan ko siya at napakunot ang noo ko. "Just kidding love, baka mabigla kita eh" ngumisi pa ito

Ilang minuto din kaming tahimik ng magdesisyon kaming umuwe na. Naglakad kami ng hawak kamay.

"Love, sabihin na ba natin sa daddy mo na tayo na?" biglang tanong ni gino. Naalala ko na naman ang itsura ni daddy kanina at napatigil ako sa paglalakad.

"Siguro sa susunod nalang love. Kasi parang may kakaiba kay daddy ngayun" sagot ko. Napakunot naman ang noo ni gino na halata sa mukha ang pagtataka.

"Why? What's wrong?"

"Kasi kanina bago mo ako sunduin, dumaan siya sa room ko. Nagulat ako kasi hindi naman madalas magpunta si dad sa resort at gabi pa. I ask him kung anong problema pero ngumiti lang siya at umalis"

"Gusto mo ba puntahan natin siya bukas bago ako umalis?"

"Hindi na love, ako na bahala. Malayo pa ang byahe niyo. Halika na at ng makapagpahinga ka" tugon ko. Hinapit niya ang bewang ko at magkaharap na kami ngayun.

"Basta andito lang ako mahal, ngayun kasama mo na ako sa kahit na anong problema mo ha. Don't worry hindi kita pababayaan." tumango lamang ako. Ipinalupot ko ang mga kamay ko sa braso niya at naglakad kami uli

Ilang sandali lang ay narating na namin ang kwarto ko.

" Pasok ka muna! Gusto mo magcoffee? "

" Hindi na love, para makapag pahinga ka na. "

Pumasok ako sa kwarto ko at naupo sa kama. Sumunod naman si gino.

"I have to go! Take some rest"

"Ay wait. Yung para sa key mo." tumayo ako at gumawi sa closet ko. Inilabas ko ang isang box na may padlock

"Open mo nalang pag nasa manila ka na para hindi mo ako masyado mamiss. Kukuha ka lang ng isa everytime na namimiss moko or sad ka." dagdag ko.

"Eh pano kung araw araw kitang namimiss. Baka maubos naman kaagad"

"100 lang yan kaya dapat hindi mo ako mamiss kasi mauubos yan bahala ka" lumapit siya saakin at kinuha ang mga kamay ko.

"Can I stay here love? Please" parang bata naman na nanghihingi ng candy

You and Me Against the worldWhere stories live. Discover now