CHAPTER 56

163 6 4
                                    


Iniwan ako ni kiara. Tinalikuran niya ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat ko gawin. Hindi ko na kayang mawala siyang muli saakin. Siya lang ang mahal ko. Handa akong gawin ang lahat para sakanya.

Pumasok ako ng hotel at nadatnan si andre at lou. Hinagod nila ang likuran ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak sa harap nila.

"Nabigla lang si kiara. Hayaan mo muna siya" saad ni lou

"Bro pahinga ka muna. Kailangan mong ipahinga yan" dagdag ni andre

"Paano kung hindi na siya bumalik sakin? Ano ng gagawin ko?" tugon ko at humagolgol na sa pagiyak.

"Ako na bahala gino. Kakausapin ko si kiara. Tska may naisip na kaming plano ni andre na siguradong makakapag pabalik kay kiara sayo" saad ni lou.

Tinignan ko siya ng may pagtataka.

"Mauna na muna ako. Puntahan ko si kiara. Kausapin ko muna" dagdag pa ni lou

Inihatid naman siya ni andre. Tumungo na ako sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Hindi ko na nagawang magbihis. Iniisip ko ang pwedeng mangyari at kung ano pa ang dapat kong gawin.

Hindi ko hahayaang mawala si kiara saakin ng ganun ganun nalang. Isusugal ko ang lahat makuha lamang siya uli.

Hindi ko na namalayan at nakatulog na ako.

---------

Kinabukasan.

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Siguro ay dahil sa sobrang pagiyak ko kagabi. Tutungo na sana ako sa cr para makapag ayos ng makarinig ako ng pagtawag mula sa labas. Agad ko namang pinagbuksan ng pintuan.

"Kiara"

"Ano na naman lou? Diba sinabe ko na sayo na tigilan na natin to. Bakit mo ginawa yun?"

"Gusto ko lang na makapagusap kayo kiara. Gusto ko na pakinggan mo si gino"

"Pinakinggan ko na siya masaya na kayo?"

"Kiara bakit ka ba nagkakaganyan? Kung makita mo lang si gino!! Nakakaawa siya. Araw araw ang tanong niya sayo. Araw araw niya akong tinatawagan para tanungin kung anong ginagawa mo. Bumalik siya dito para kausapin ka at ayusin ang lahat. Bakit ba ang hirap mong magpatawad? Tapos na sila ni stella matagal na. Sa totoo nga pinarinig niya pa saamin ang paguusap nila sa telepono. At kung maririnig mo lang kung ganu siya kagalit kay stella. Halos murahin niya na ito sa sobrang galit niya!

"At naniwala ka naman dun? Saakin lou hindi ka ba naaawa. Imbis na andito ka sa tabi ko para damayan ako mas tinutulungan mo pa si gino!"

"Kiara, kaya ko nga siya tinutulungan para din sayo! Gusto ko magkaayos kayo!!"

"Hindi na lou! Okay na ako. Tinapos  ko na din naman ang lahat saamin. Ayaw ko ng makipaglaban. Pagod na ako." hindi ko na napigilan ng mapaluha.

Lumapit naman si lou at niyakap ako.

"Kiara I'm sorry! Pero gusto ko lamang na mapasaya ka."

"Thank you lou! Pero alam ko na magiging okay din ako."

Hinagod hagod lamang ni lou ang likuran ko.

Bigla naman ang dating ni ate hasna na may dalang cupcakes at bulaklak.

"Kia pinapabigay ni gino, umalis na din siya kaagad" inilapag ni ate hasna ang dala at umalis na din kaagad.

Kinuha ko ang letter na nasa itaas ng bulaklak.

"I'm sorry mylove, sana bigyan mo pa. Ako ng isa pang pagkakataon! Mahal na mahal kita kiara" yan ang nakalagay sa sulat. Inilapag ko na ang bulaklak at nahiga uli.

"Iwan na muna kita kia. Magpahinga ka muna!" hinalikan ang ulo ko sabay alis na din si lou.

Hindi ko kinain ang ipinadala niya. Buo na ang desisyon ko na kalimutan siya.

---------

Tatlong araw na ang nakalipas. Araw araw akong pinapadalhan ni gino ng mga bagong bulaklak at mga pagkain. Ipinamimigay ko lamang ito sa mga empleyado ko. Ang mga bulaklak ay naiipon sa table ko.

Gabi na ng lumabas ako ng kwarto ko. Bumati ang mga empleyado saakin. Lumabas muna ako para maglakad lakad. Naupo ako sa gilid ng dagat. Pinagmasdan ang buwan at pinapakinggan ang alon ng dagat.

May tumabi saakin. Nang tignan ko ito isang lalaking nakayuko.

"Kiara can I talk to you?"

Tatayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Kiara, last na ito. After this hindi na kita guguluhin. Hindi mo na ako makikita kahit na kelan basta pakinggan mo lang ako ngayun" dagdag pa nito

Umupo ako uli. Tumingin sa malayo at inaantay na magsalita ang nasa tabi ko. Ngunit tanging paghikbi lamang ang naririnig ko. Tinignan ko siya at nakayuko ito.

"Gino"

"Kiara, Maniwala ka man at sa hindi wala na kami ni stella. Matagal na kaming wala. Secretarya palang kita ay tinapos ko na ang relasyon namin dahil niloko niya ako. Kinukulit niya ako na balikan ko siya. Palagi siyang tumatawag at nagpupunta pa minsan sa opisina at sa bahay. Pero wala na sakin yun. Hinahayaan ko nalang siya kasi alam kong hindi siya titigil. "

Nagpunas siya ng luha at muling nagsalita

" Nung araw na umuwe kami sa manila. Kaagad ko siyang kinausap. Miski ang magulang niya ay kinausap ko na para lang tigilan niya ako. Nagpalit na din ako ng simcard at tinanggal ko na siya sa lahat ng social media ko."

Yumuko ito at muling nagsalita

"Ikaw ang mahal ko kiara. Sayo ko lang naramdaman ang ganito kasaya! Araw araw simula ng iwan moko para akong mababaliw. Pero siguro nga hindi mo na ako pakikinggan at buo na ang desisyon mo."

Tumigil siya. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi na nagsalita muli. Kinuha niya ang isang kamay ko. Pinaubaya ko ito.

" Mahal, kahit masakit! Kahit ayaw ko. Pero dahil alam kong nahihirapan ka din sa sitwasyon natin ako na magpaparaya. Siguro kakayanin ko din ito. Hindi sa ngayun pero alam kong darating ang araw na magiging okay din ako. Patawarin mo ako kiara." hinagkan niya ang kamay ko bago tumayo. Itinayo niya rin ako at niyakap ng napakahigpit.

"Ito na ang huling beses na makikita mo ko mahal. Pangako hindi na kita guguluhin kahit kelan. Pero tandaan mo kiara mahal na mahal kita" humiwalay siya saakin at hinalikan ang noo ko. "Paalam mahal ko" dagdag nito at tumalikod na.

Tinignan ko lamang siya habang papalayo siya saakin. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gusto ko siyang habulin pero nanghihina ako. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko, hanggang sa hindi na siya matanaw ng mga mata ko.

Napabagsak na lamang ako sa lupa at nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Napakasakit pala na sukuan ka ng mahal mo. Hindi ko pinakinggan si gino. Mas inuna ko ang sarili ko. Ngayun iniwan na niya ako at hindi na siya babalik. Hindi ko na maibabalik ang masasayang araw na kasama ko siya.

PAALAM MAHAL KO........

You and Me Against the worldWhere stories live. Discover now