Chapter 1

11 0 0
                                    

"Hello, Vivian. Anong gusto mong dalhin ko?"

Maligayang bungad ni Issa nang tumawag ako sa kanya.

"Wala basta pumunta ka lang dito. I miss you."

Sambit ko habang nakangiti.

"Oo sige, papunta na ako. I miss you too."

Sagot niya at ibinaba na ang tawag. Tinawagan ko naman ang isa ko pang kaibigan.

"Yes, hello? I'm coming."

Sambit ni Zara nang masagot na niya tawag ko.

"Oo sige, take care."

Sabi ko nalang at ibinaba na ang tawag. Kilala ko kasi iyon. Sa aming tatlo, siya ang madaling mairita at mainip pero siya ang madaling nakakaintindi ng sitwasyon at nararamdaman namin. Sana nga lang hindi siya binago ng panahon.

Tinulungan ko sina yaya maghanda ng mga pagkain. Napagdesisyunan ko kasing papuntahin sina Zara at Issa rito sa bahay para sa salo-salo. Dalawang taon na rin kaming hindi nagkasama-sama simula nang lumipat sila ng ibang eskwelahan. Wala naman ang mga magulang ko rito para sa kanilang business trip. Simula nang elementary kami ay kami nang tatlo ang magkakasama kaya hindi basta-basta dapat kinakalimutan ang aming pinagsamahan kahit na ilang taon nang lumipas kami hindi nagkita. Hindi ko maiwasang kabahan at ma-excite dahil sa wakas makikita ko na sila. Nakakausap ko naman sila through social media pero iba pa rin talaga pag sama-sama kami. Ano na kaya ang itsura nila? Tiyak kong mas lalo na silang gumanda. Tiyak ko rin marami na silang manliligaw lalo na si Zara. Siya rin kasi ang pinakamaganda sa grupo namin. Napangiti naman ako habang iniisip iyon.

Nang matapos kong tulungan sina yaya ay saka naman tumunog ang doorbell hudyat na dumating na ang isa sa aking mga bisita.

Lumabas na ako sa bahay at binuksan ang gate at bumungad sa akin si Zara.

"Hello, Vivian! I missed you!"

Masayang bati ni Zara sa akin at sinunggaban ako ng yakap kaya niyakap ko rin siya pabalik. Natuwa naman ako sa reaksyon niya. Akala ko maiinis siya sa akin kasi masyado akong makulit sa pag-imbita sa kanya rito ngayon kahit wala namang okasyon. Sa totoo lang, marami siyang dapat gawain ngayon kahit na Christmas break kaya isang malaking bagay ang pagpayag niya ngayon.

"Na-miss rin kita."

Natatawang sabi ko at iginiya siya sa papasok papuntang dining area. Palingon lingon siya habang naglalakad at napapangiti pa minsan. Na-miss rin niya sigurong pumunta rito. Palagi kasi siyang pumupunta rito noon pero nang lumipat na siya ng ibang school, hindi na siya pumupunta rito. Na-miss ko rin 'yong panahon na pumupunta siya rito. Pagkatapos nito, sana naman maresolba na ang dapat maresolba.

"Wala ba sina tito? I also miss them."

Tanong niya nang makaupo na sa upuan na siya ring ginawa ko.

"May business trip sila."

Tumango naman siya at inilibot ang paningin.

"Hindi ba sila rito magpapasko?"

Kuryosong tanong niya na sinagot ko naman ng kibit-balikat. Hindi ko kasi alam kung dito ba sila magpapasko o magtatagal pa sila ng ilang araw sa Singapore. They've always been like this. Nasanay na ako na sina yaya ang palagi kong kasama at minsan sina Zara. Close nila sina mom and dad dahil nga palagi silang pumupunta rito noon.

Kinabahan ako nang kumunot ang noo niya nang makita ang mga pagkaing nakahanda. Marahil ay nagtataka kung sino pa ang kasamang kakain dahil sa dami ng pagkaing inihanda sa lamesa gayong ang alam niya lang ay movie marathon lang ang gagawin namin. Sana hindi mabulilyaso ito.

"Vivian, nandito ka pala!"

Rinig kong boses sa likuran ko kaya tumingin ako banda roon at doon ko nakita si Issa na nakangiti at kasabay no'n ay ang pagyakap niya sa'kin ng mahigpit.

"Pumasok na ako kasi nakabukas ang gate."

Paliwanag niya at natigilan nang makita si Zara. Tinignan ko si Zara at nakita kong nakaawang ang kanyang bibig.

"Larissa"

Sambit niya sa buong pangalan ni Issa habang malamig ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Zara?"

Kunot noong tanong ni Issa. Halata sa mukha niya na nagtataka siya kung bakit nandito si Zara. Anong gagawin ko?

"What is she doing here?"

Tanong ni Zara na ikinaba ko pa lalo. Halata sa tono niya na naiirita na siya

"Inimbita niya ako. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"

Hinawakan ko ang braso ni Issa nang umiba ang tono ng kanyang pananalita.

"Seriously? Inimbita niya rin ako."

Sagot niya at tiningnan ako ng mataman na tila nagtatanong kung ano ang nangyayari at kung ano ang pakay ko para sa tanghaling 'to. Tinitingnan niya ako pero yumuko lang ako. Nagi-guilty ako.

"I'm out."

Biglang sambit ni Zara at tumayo kaya agad ko siyang sinundan kahit kabadong kabado ako.

"Sorry na, Zara. Gusto ko lang naman na maibalik tayo sa dati sa kabila ng nangyari."

Tumigil siya sa paglalakad at marahas na humarap sa akin dahil sa sinabi ko. Nagpaliwanag pa rin ako kahit na may hinuha na ako na alam niya ang gusto kong mangyari.

"We will never be the same, Vivian."

Huling salita niya at saka umalis. Hindi ko na siya napigilan pa kahit nakahawak ako sa kanya. Basta basta niya lang itong iwinaksi at naglakad palabas ng bahay. Naramdaman kong papalapit si Issa sa akin. Sana hindi rin siya galit.

"Seryoso? Ginawa mo iyon para magkaayos kami?"

Tanong niya kaya nilingon ko siya at sinagot ng isang tango. Bumuntong hininga naman siya sa sagot ko.

"Tama siya. Hindi na tayo mababalik sa dati simula nang hindi niya tinanggap ang paghingi ko ng tawad."

Puno ng sakit at pagsisisi ang boses niya nang sinabi ang mga katagang iyon. Ramdam kong nasaktan siya sa sinabi ni Zara. Alam kong sa kaloob-looban niya, gusto niya pa ring magkaayos silang dalawa.

"Tanggapin na lang natin, Vi."

Malungkot na sambit ni Issa sabay hagod ng braso ko bilang comfort sa akin. Paano ko matatanggap? I want to give this friendship a shot.

"Tayo na lang kumain nito."

Pag-iiba niya sa topic at pumunta na sa dining area. Talaga bang imposible ang gusto kong magkaayos kami? Kasi ako, hindi ko talaga matanggap na dahil lang sa pagkakamali noon, mahahantong kami sa ganito kaya hangga't maaari, kikilos ako para magkaayos kami. Sa totoo lang, gustong gusto ko nang bumalik na kami sa dati dahil nami-miss ko na sila. Nami-miss ko na ang dating kami. Nami-miss ko na ang asaran, kulitan, at sa mga munting away na nauuwi rin sa tawanan. Kaya ginagawa ko ito ngayon dahil ito ang dahilan ko. Wala naman akong masamang intensyon pero bakit parang ang bigat pa rin sa pakiramdam? Hanggang alaala na lang ba talaga ang lahat? Hindi na ba talaga kami maibabalik sa dati?

Sinubok ng Panahon [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon