Chapter 5

4 0 0
                                    

Naabutan ko si Zara na palakad-lakad na parang hindi mapakali nang makarating ako sa eskwelahan. Nandito kami ngayon sa tambayan namin. Ito ang unang pagkakataon na nauna siya sa aking dumating dito. Palagi kasi ako ang nauunang dumating sa aming tatlo kaya nakapanibago na masyado siyang maaga ngayon.

Nang makita niya ako ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Tinanong ko naman agad siya kung ano ang nangyari.

"Mom and dad are not in good terms. Nalaman kasi ni mommy kung ano ang nangyari kahapon."

Sagot niya at umupo na kami sa upuan.

"I swear, wala talaga kaming alam na pamilyado na pala si dad. Wala rin naman kasing binanggit si Issa kung ano ang hitsura ng dad niya, diba?"

Naiiyak niyang sambit at tumango naman ako para mapakalma siya. Hindi naman kasalanan ni Zara ang lahat kaya hindi siya dapat mangamba. Alam ko namang maiintindihan din ni Issa ang lahat. Magagalit siguro siya sa ngayon pero alam kong hinding hindi iyon aabot sa away.

Sinubukan kong habulin si Issa kahapon pero hindi ko na siya naabutan at sakto namang dumating ang aking sundo kaya hindi ko na alam kung ano ang nangyari matapos no'n.

"I'm scared na baka maghiwalay sila. I don't want to be selfish pero gayon ko lang mararanasan how is it like to have a father. Huwag naman sana ipagkait sa akin."

Umiyak na ng tuluyan si Zara kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'm also scared of Issa. I don't want her to be mad at me."

Humikbi si Zara kaya pinahiran ko ang kanyang luha. Mahal na mahal kasi namin ang isa't isa kaya ayaw naming may alitan o hindi pagkakaunawaan sa pagitan naming tatlo.

"Para sa akin, hindi natin maiiwasan na ganoon ang maging reaksyon ni Issa. Ilang taon ding hindi naging madali ang buhay nila mula no'ng iwan sila ng tatay nila. Pero sigurado akong hindi iyon galit sa iyo o kung galit man, hindi iyon magtatagal. Intindihin na lang muna natin."

Payo ko sa kanya at tumango naman siya. Ngumiti naman ako sa ginawa niya. Masaya akong malaman na naiintindihan niya ang payo ko. Totoo naman kasi na hindi madali kay Issa ang lahat. Ilang taon siyang naghanap sa ama niya, ilang taon niyang nami-miss ito, ilang taon niyang hinanap ang aruga ng isang ama tapos ngayon, malalaman niya na may iba na palang pamilya ito. Masakit iyon para sa kanya. Iniisip ko pa lang, ang sikip na sa dibdib paano pa kaya sa posisyon mismo ni Issa. Pero hindi ko naman masisisi si Zara na mangarap na sana huwag ipagkait ang pagkakataong maranasan ang pagmamahal ng isang ama. Lumaki rin kasi siyang wala nito.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko dahil sa mga iniisip. Napakahirap ng sitwasyon nilang dalawa ngunit hindi ko talaga alam kung ano ang dapat gawin. Nandito lang talaga ako para magbigay ng payo at suportahan kung ano man desisyon nila basta huwag lang sila magkasakitan.

Inayos na niya ang kanyang sarili para presentable siyang tingnan pagpasok. Kahit na nahahalata na kakagaling niya lang sa pag-iyak, makikita mo naman na mas umaliwalas na ang mukha niya ngayon kaysa kanina.

Tiningnan ko ang relo ko at nakitang konting oras na lang ay magsisimula na ang aming klase ngunit wala pa rin si Issa. Tiningnan ko si Zara at naabutan kong nakatingin din siya sa akin, tila ba alam niya kung ano ang iniisip ko.

"Let's wait a little bit more."

Sabi niya sabay iwas ng tingin kaya sinunod ko naman siya pero sigurado akong hindi na iyon papasok. Nahuhuli iyon sa aming makarating dito pero hindi iyon umaabot ng ganitong oras. Maiitindihan ko rin naman kung bakit hindi siya makakapasok ngayon. Nalaman kaya ni tita na papakasalan ni tito Renato ang mommy ni Zara?

Matapos ang sampung minuto ay hindi pa rin siya dumating kaya napagpasyahan na naming pumasok na dahil mahuhuli na kami sa klase.

Nang nasa labas na kami ng room ay nakita naming nasa pintuan si Issa habang umiinom ng softdrinks. Nandito na pala siya?

"Issa!"

Tawag ni Zara sa kanya pero hindi niya ito pinansin bagkus, lumapit lang siya sa trash can na nasa tapat ko at itinapon ang plastic. Nang naramdaman ni Zara na hindi siya papansinin ni Issa ay hinila niya ako papasok pero sinenyasan ko siya na mauna na lang siya. Kailangan kong kausapin si Issa sa inasta niya.

Tinawag ko si Issa nang makapasok na si Zara at lumuwag naman ang dibdib ko nang nginitian niya ako. Akala ko kasi galit siya sa akin.

"Good morning. Nauna na ako kasi kinausap ko pa si ma'am kung paano makakabawi sa grades ko."

Paliwanag niya nang matapos niya akong yakapin. Akala ko hindi niya ako papansinin kagaya nang ginawa niya kay Zara. Naglakad siya papasok sa loob ng silid aralan kaya naglakad na rin ako.

"Bakit hindi mo pinansin si Zara?"

Tanong ko pero hindi niya ako pinansin.

"Issa"

Tawag ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin. Sineryoso ko ang mukha ko at nakita kong napatuwid naman ng tayo si Issa.

"Bakit hindi mo pinansin si Zara? Tinatawag ka niya pero hindi mo man lang siya tiningnan."

Makatotohanang sambit ko. Umiwas naman siya ng tingin.

"Tinawag niya pala ako?"

Tanong niya at napansin kong bumagal ang lakad niya kaya sinabayan ko siya.

"Oo, nasa tapat mo pa nga siya."

Nakita kong yumuko siya.

"Ah, hindi ko kasi narinig. Ang ingay kasi."

Sambit niya sabay tingin sa akin. Ngayon ko lang napansin na namamaga ang mata niya na parang magdamag siyang umiyak. Ngayon ko lang nakita sa malapitan. Siguro hindi ko na lang muna siya pipiliting pansinin si Zara. Mahirap ito sa kanya. Napaka-insensitive ko naman yata.

"Anong oras ka dumating?"

Tanong ko para malihis ang usapan at nagkibit siya ng balikat.

"Mga 6:00 A.M? Maaga talaga ako kanina. Sinadya ko. Feeling ko napakalaking achievement na napaaga ako."

Nakangiting sambit niya at umiwas na naman ng tingin. Alam kong malungkot talaga siya pero tinatago niya lang iyon. Pag-iintindi lang talaga ang kailangan para maging maayos siya.

Pumunta na siya sa upuan niya nang makapasok kami. Dumiretso naman ako sa upuan ko pero nakatingin pa rin ako kay Issa. Hindi ko alam kung napansin ba niya pero ako, may napansin ako sa ginawa niya. Kung hindi ako namamalik-mata, nakita kong inirapan niya si Zara bago umupo.

Sinubok ng Panahon [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon