CHAPTER 10

372 8 5
                                    

MITCH POV

"Tara laro tayo ng ML" sabi sakin ni Justin habang hawak hawak yung cellphone niya

Si justin yung kateam ko sa ML

Andito kasi ako ngayon sa bahay nila Justin kasama ko din yung mga kateam ko sa ML na sina  valerie at miko

Nakilala ko sila dahil sa ML sila yung kateam ko sa lahat ng competetion na sinasalihan namin

"Guys mamaya pala hindi na muna ako sasama sa inyo magdedate pa kasi kami ng babe ko" sabi ni justin na kinikilig pa yung itsura

Lalabas kasi kami mamaya ng mga tropa ko kasi nanalo kami kahapon sa tournament ng ML kaya magcecelebrate kami hahahaha!

Sa katunayan hindi pa nga alam nila francine at shellana about dito sa mga kateam mates ko hindi ko pa sila napakilala sa kanila pero alam ng mga tropa ko sa ML na barkada ko sina shellana at francine

"Sige mag enjoy kayo SS sa inyo ah!" biglang sabat ni Miko bitter talaga hahahah!

"Sus! inggit ka lang bakit break na ba kayo ng jowa mo?" singit naman ni valerie na nakangisi pa

"Hindi noh! wala na akong pakialam sa babaeng yon noh! hayaan niyo na nga siya! at wag na wag niyong babanggitin yung pangalan niya" naiinis na sabi ni Miko

Tumawa nalang kami na nakatingin sa kanya

"Eh! ikaw mitch may jowa ka na ba o crush manlang?" biglang tanong sakin ni Justin

"Ba't ako na yung nasali dyan nanahimik yung tao dito eh!" sabat ko naman

"Wag mo na kasing itago sabihin mo na kasi" pamimilit sa akin ni justin

"Sabihin mo na kasi!" biglang sabat ni valerie

"Sasabihin mo o sasabihin mo yan lang yung choices mo!"nakangiting sabat naman ni miko

"Ano ba kayo! wala nga akong crush jowa pa kaya! tigilan niyo na nga ako!" naiinis na sabi ko sa kanila

"O kaya isa sa mga bestfriend mo magaganda din kaya sila posibleng magkakagusto ka din sa kanila" sabi ni miko na nakangiting nakatingin sakin

"Wala noh! ba't ko naman sila magugustuhan kaibigan lang ang tingin ko sa kanila kaya wag niyong bigyan ng malisya"seryoso kong sabi sa kanila

"Kaibigan ba talaga o KA ibigan"biglang sabat ni valerie

Grabe naman tong mga toh! -_-

"Ayaw mo lang sabihin eh! pero meron yan malalaman din namin yan hindi ngayon pero sa susunod hahahah!" nakangising sabi ni justin

"Ewan ko sa inyo bahala kayo dyan"sabi ko at tumutok nalang sa cellphone ko

'Mama's Calling'

"Hello Ma?" sabi ko sa kabilang linya

"Hello Mitch asan ka umuwi ka muna dito hinahanap ka ng papa mo umuwi na siya may sorpresa daw siya sayo" sabi ni mama na nasa kabilang linya

"Andito po ako ngayon sa tropa ko sige po ma uuwi na ko"sabi ko at ibinababa na yung cp ko

"Guys uuwi na ako ah! umuwi na kasi si papa hinahanap na niya ko"

"Sige kita nalang tayo mamaya"
sabi ni miko

"Baka may pasalubong papa mo bigyan mo naman kami" biglang sabat ni justin

"Sige ingat ka
mamaya ah!" sabi ni valerie

"Sige guys bye!" sabi ko at umalis na agad

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi kanina nila justin sakin

IM INLOVE WITH MY TUTORWhere stories live. Discover now