First Part

25 3 1
                                    


Kagagaling ko lang ulit sa heart break at dating gawi everytime na broken hearted ako nagkukulong lang ako sa kwarto at nawawalan ng gana sa lahat kahit pa sa ML na kainakaidikan ko.

Hindi ko alam bakit lagi nalang yung mga taong nagugustuhan ko ay may ibang gusto, o kaya hindi ako gusto. ganun ba talaga ako ka malas pag dating sa love life?. Mabait daw ako, talented, sweet, ma effort, ideal guy daw at perfect maging boyfriend kaya nga lahat sila naka abang na sa magiging girlfriend ko pero bakit ganun I always end up like this. Lagi akong narereject or nabababusted ng mga nagugutuhan at nilliligawan ko tapos dumadami pa kaibigan ko. Yup most of my friends right now ay nagustuhan ko dati.

A few weeks ago habang nag iiscroll ako sa Facebook bigla akong kay nakitang Dating app, na link at hindi ko alam kung bakit ko siya pinindot tapos biglang napunta sa play store at lumabas yung install button. Ayun pinindot ko yung install button.

Lalaki ako pero never akong nakipag dating app kaya wala akong alam kung ano meron dito. Kahit nga omeggle hindi ko nasubukan nung naging uso, saka yung Near group sa Fb kahit na dumating ako sa punto nuon na gusto kong magka Girlfriend never akong nakipag chat online o sumubok sa dating App na yan.

After mong mainstall yung app gagawa ka pala ng account so gumawa ako pero hindi ko totoong pangalan yung niregister ko, yung picture syempre sakin panloloko na tawag dun pag iba nilagay mo sa profile picture. Pagkatapos nun pwede ng mag start, Ang daming picture ng mga babae at aminado akong may mga magaganda at sakto lang naman yung iba hindi ko alam kung sila ba talaga yun, uso din kaya poser dito. inislide ko lang ng inislide pa right para makita yung ibang picture hanggang sa madiskubre kong mali pala ginaw ko dahil yung pag slide pa right gusto mo silang maka match o maka chat. Medyo bobo ko sa part na yun napaghahalataang ignorante sa dating app at huli na dahil madami ng mag match at may mga nagcha-chat na so syempre hindi naman ako yung klase ng lalaki na hindi nagrereply kaso pano, pano ko sila rereplayan lahat eh diba parang pangloloko yun kasi ang dami mong ka chat. Kaya pumili lang ako ng isang rereplayan tapos ayun hanggang sa Hi, Hello, How are you at Goodbye at nawawala rin sila. I found out na most of the people here are not looking for a relationship gusto lang pala nila ng mga makakausap at hanggang sa narealize ko yung rason bakit ako nag stay dito dahil gusto ko lang din pala ng makakausap at para maka experience ng bago.

One day balak ko na sana siyang i-uninstall kaso may biglang nag pop up sa screen ko na message na hi ang content kaya ayun nireplayan ko. International dating app pala to kaya pala may mga taga ibang bansa din na nadidito at yung nag hi taga ibang bansa siya. Buti nalang kahit papaano marunong ako mag english wrong grammar lang talaga minsan pero naiintindihan naman.

Taga Europe siya at Clealice yung real ninya pero Clea nalang daw ang itawag ko sa kanya kaya sinabi ko narin na Harvy ang real name ko. Nasa dating app siya dahil bore lang daw siya kaya gusto ninya ng makakausap at yun ang nagdala sa kanya sa dating app saka out of curiousity narin daw. same lang kami kaya siguro agad kaming nagkasundo.

Itinuloy namin yung convo namin sa Instagram dahil wala siyang facebook account kaya dun kami laging nag uusap sa pamamagitan ng DM.
Sa tuwing naglalaron ako ng ML at biglang nag di-DM (Direct Message) si Clea ine-exit ko yung game, hindi kasi gaya ng IG ang messenger na may chat head kaya pwede kang mag reply kahit may iba kang ginagawa sa phone mo. Hanggang sa lagi akong narereport kahit rank game ine-exit ko yung game tapos nabawasan ng nabawansan yung credit score at star ko at umabot na sa pag iinstall dahil ramdam ko narin sakin yung galit ng mga tao dun. Isa pa may bago narin naman nakong maa paboritong gawin ngayon yun ay ang makusap si Clea, for me hindi lang siya libangan o pangpalipas oras gaya ng ML.

Nagtuloy-tiuloy yung convo namin hanggang umabot narin ng Christmas Break. Every Christmas break umuuwi kami sa province dahil tradition na ng family namin na umuwi sa Cebu para dun mag celebrate, nagkaroon ng iba't-ibang gatherings at family reunion pero tuloy parin kami sa pag uusap. Last year ako laging nauuna bumabad sa swimming pool kapag nasa resort kami pero iba ngayon dahil nandito ako sa upuan naka swim trunks pero naka upo at sa cellphone nakakababad.

Luck and PromiseWhere stories live. Discover now