Part II

22 3 4
                                    

"Gusto rin kita" yan yung text na naka attach sa picture ninya. Hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko ngayon na parang gusto kong sumigaw sa sobrang saya, gusto kong lumabas ng kwarto para lang magpasampal kila mama baka kasi nanaginip lang ako.

Nanginginig pa ako habang nagta-type para tanungin siya kung alam ba ninya yung sinabi ninya tapos sumagot siya ng "oo" yun daw ang lumabas sa Google translator. Sa wakas may tao rin akong nagustuhan na gusto din ako.

Humaba pa yung usapan namin ni Clea kaso bigla akong nakaramdam ng lungkot nung sinabi ninyang hindi siya nakikipag date online, medyo nakaramdam ako ng kirot sa dib-dib dahil ayaw ninya pala ng Ldr pero hindi daw ibig sabihin nun ay hindi nako pwedeng mag I Love You sa kanya. Siguro nga daw kung nakatira lang daw kami sa iisang City may chance na daw na maging kami at panigurado daw na hindi na kami maghihiwalay pa kasi alam daw ninyang hinding-hindi ko siya sasaktan.

Sa sumunod na mga araw na magkausap kami ni Clea madaming nag iba at nag bago sakin. Alam ninyo yung pakiramdam na kahit wala kayong Label alam mo sa sarili mong siya lang, ipinaparamdam mo sa kanya araw-araw na mahal mo siya at yun yung ginagawa ko ngayon kay Clea at lagi kong ipinaparamdam sa kanya na wala nakong balak mag hanap ng iba. lalo ko pang ginalingan sa Work Immersion ko hanghang sa napili akong best in Work Immersion, Ginalingan ko din sa mga Title Defense namin dahil gusto kong mapapabilib sakin yung mga panelist, sumali rin ako sa contest sa school about sa ICT, lahat ng best ko ginagawa ko para lang maging proud sakin si Clea.

Araw-araw bago ako matulog at pagkagising ko ginagawan ko siya ng LSM, nag aral akong mag sulat ng mga tula para sa kanya, pati pag gigitara inaral ko narin para sa kanya para may mga video ako na maiisend sa kanya dahil hindi naman kami nag vi-video call, sinubukan ko na rin mag aral ng ibang instrument sa Church para kay Lord syempre at para kay Clea.

Nung minsan stress na stress si Clea sa school kaya para mapasaya siya nakaisip ako ng paraan nung nakita ko yung kapatid kong bunso na nagti-tiktok. Oo, inaral ko yung tiktok, sumayaw ako at nagpa cute para lang mapangiti yung taong mahal ko. Ganun naman talaga diba, handa kang magmukhang tanga mapasaya lang yung taong dahilan ng iyong ligaya

Lahat ginagawa ko kahit na alam kong una palang sinabi na ninya hindi siya nakikipag Ldr Dahil umaasa parin ako na baka dumating yung araw na pwede ng maging kami kahit pa sobrang layo namin sa isa't-isa. Oo, wala akong pake kahit sobrang layo namin dahil simula nung araw na narealize kong mahal ko na siya yun narin yung araw na nangako ako sa sarili kong mag-aaral akong mabuti para makapagtapos at makapagtrabaho sa ibang bansa, sisikapin kong makakuha ng trabaho sa Europe kung nasaan ang taong pinapangarap ko. Nangako rin ako sa kanya na balang araw magkikita kami kahit anong mangyari at mas lalo akong nagtyaga nung unang beses na nag I love you back sakin si Clea, dinaig ko pa yung babae kung kiligin. Sa tangkad kong to at sa laki ng katawan ko isang I love you lang ninya tumitiklop at nanlalambot nako. Ang sarap pala sa pakiram na sabihin ka ng I love you ng taong mahal mo. Sa sobrang kilig ko iniiscreenshot ko pa yung mga message ninyang sobrang nagpapakilig sa akin.

Lagi akong dumadating sa puntong gustong gusto ko siyang puntahan at yakapin, lagi akong nagcre-crave sa kanya dinaig ko pa yung buntis kapag may gustong-gustong makain. Sa sobrang kagustuhan kong makita siya umabot nako sa imagination, minsan nag iimagine nako na nanalo ako sa lotto tapos yumaman at pwede nakong pumunta at manirahan sa Europe o maging kapit bahay ng babaeng mahal ko, minsan naman nag iimagine ako na may kamag anak kaming taga Europe na aalukin akong mag-aral dun o kaya sila Clea yung pupunta dito sa Pilipinas basta kung ano-anong eksena ang pumapasok sa isip ko at naiimagine ko na pwedeng maging way para magkita at magkasama lang kami ni Clea.

Umabot na kami ng February at bago mag Valentines nag isip nako ng mga gagawin ko para kay Clea mga pakulo ko dahil syempre ito unang beses na magiging special sakin ang Valentines, ito yung unang beses na magpla-plano ako sa Araw ng mga puso para sa taong mahal ko. Dinrawing ko si Clea tapos nilagay ko sa Picture frame na malaki, gumawa rin ako ng ilang tiktok videos dahil sobrang nagustuhan ni Clea yung mga pinadala ko nung video ko sa Tiktok. Nag compose ako ng maikling kanta na nilapatan ko ng giatara para sa kanya at gumawa ng isang napakahabang letter na siguro morethan 4000 word, sa Essay writting namin hirap na hirap nakong makagawa 200 words pero pag para pala sa taong mahal mo makakagawa ka ng ganun kahaba. Lahat na ng pwede kong gawin ginawa ko para lang maipakita at maiparamdam ko kay Clea kung gaano ko siya kamahal at gaano ka special ang Valentines Day sa akin dahil sa kanya at gusto kong tumatak sa kanya yung araw na yun. Gusto ko ring malaman ninya na hindi hadlang ang distansya para sa akin kaya gagawin ko lahat pa lang makita ninya yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Luck and PromiseWhere stories live. Discover now