*AMBRIL'S POV*
Kakatapos lng ng klase namin ngayong araw. Papunta ako sa jnitors closet para kunin ang mga gamit panlinis. Dalawa lng kami ng kaklase kong babae ang naatasan ngayong araw para mag linis ng room.
Matapos kong kunin ang mop ay naglakad na ako pabalik sa room. Wala namang masyadong nangyari ngayong araw. Typical high scholol days.
Minsan matapos ang klase namin ay magkasama kaming umuwi ni Kailore, pero minsan naman nauuna ito dahil madami pa daw syang gagawin sa bahay o di kaya ay mag gogrocery pa daw sya.
Ganyan lng naman yung mga routine namin nitong mga nagdaang araw. Katulad ngayon, nauna naman syang umuwi dahil may mga gagawin pa daw sya.
Hindi ko na muna inisip ang mga seryosong bagay na nangyari nitong mga nakaraang araw. Yung tungkol kay Kailore at sa mga nalaman ni JC. Hindi na ako nag banggit pa alinman doon sa nangyari.
Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sakin kung paano nalaman ni JC yung tungkol sa pagiging robot ni Kailore. Nang tanungin ko sya tungkol dun, ngiti lng ang sagot nya sakin. Hinayaan ko na lng, malalaman ko rin naman yun pagdating ng araw.
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Saika, malapit lng ako sa hagdan at sa tingin ko doon sya nag iingay. Lakas pa naman ng boses nya.
"Tara na kasi" boses ni Saika at sa tingin ko may kasama pa itong pag padyak, anlakas eh.
"No! Ayoko sa amusement park" boses yun ni... Yunah? Sinilip ko sila at tama nga ako. Magkasama sila ni Saika.
Ano pa kaya ang ginagaw nila dito? Uwian na ah? Saan naman kaya ang gala nitong dalawang to?
Nagpupumilit si Saika na pumunta sa amusement park? Kasama si Yunah?
"Sigi na Yunah, please" sabay hawak ni Saika sa kamay ni Yunah.
"Masaya kaya doon! Marami tayong lalaruin at sasakyan. Napaka exciting kaya doon. Kaya sigi na! Sumama ka na please!" Pagpupumilit pa nya.
Alam nyo, sana ako na lng si Yunah. Paano pa rin sya magawang magustuhan kahit na direkta sya sa punto kung mag salita? At masakit rin syang mang turn down ng offer ng kaibigan.
"Sabi ko naman sayo diba? Ayaw ko sa maraming tao. If you are looking for something fun, pwedi naman tayong pumunta sa PC Cafe" direktang sagot ni Yunah.
"Okay then! You're out! Hahanap na lng ako ng ibang makakasama. You're so mean talaga Yunah!" Pagmamaktol ni Saika na parang bata.
Hindi ko na pinatagal pa ang pakikinig sa kanila. Agad akong dumeretcho na lng sa room para linisin ang mga kalat at mga dumi. Gusto ko na ring umuwi at magpahinga.
Papasok na sana ako ng room ngunit sumalubong palabas ang kaklase ko na kasama ko sa paglilinis ngayon.
"Uy Ambril, sorry. Kelangan ko munang mauna. May private lesson kasi ako ngayon. I'm so sorry Ambril" paliwanag nya at ngumiti.
"We are suppose to be the cleaners, for today."
Yan sana an gusto kong sabihin pero hindi na ako nag abala pa na sabihin.
"Thanks, Ambril" at nagmadali itong lumabas ng room.
Sinundan ko naman sya ng tingin at napa buntong hininga.
Ano kaya ang gagawin ni Yunah sa mga ganitong sitwasyon? Bakit ang lahat parang madali lng sa kanya? At bakit sakin ay hindi?
Napabuntong hininga na lng ako at sinimulan na ang pag mo-mop ng room. Binilisan ko ang paglinis dahil baka abutin ako dito ng gabi.
Akala ko marami na ang magbabago sakin, simula nung nangyari doon sa math assignment namin.
YOU ARE READING
I'm Not Just A Robot
Teen FictionA typical high school life, a noisy hall, students chitchatting everywhere, a messy classroom, talking here and there, playing around, chairs and tables are not on it's proper place. These people act like they are close but in reality they're Not! W...