*JC'S POV*
"Oh ano na?" Tanong ni Yunah na kanina pa tingin ng tingin sakin at hinihintay ako nitong mag salita.
Matapos ko kasing kumuha kanina ng makakain ay hindi na ako tinantanan ng mga tanong nya. Kanina pa sya nagmamadali na mag kwento ako.
"Oo na ito na" umayos ako ng upo at lumapit sa kanya.
*FLASHBACK*
Matapos ang klase kahapon ay naiwan ako sa room para ayusin yung mga paper sa math na ipapasa ko kay sir. Nang tumayo ako at napatingin sa upuan ni Ambril ay may naalala akong tanongin. Nagmamadali akong pumunta sa teacher's lounge para iwan ang mga papel namin.
Nang matapos kong iwan sa table ni sir ay nag madali akong lumabas ng building at hinanap si Ambril. Ngunit sa kalagitnaan ng paghahanap ko ay si Kailore ang nakita ko.
Kasama sya nina Justine, Jasper at Alex. At sa tingin ko ay may hindi magandang mangyayari. Mina manmanan ko lamang sila dito sa likod ng malaking puno at hindi rin ako kapansin pansin sa kanila.
Dinig ko pa rin naman ang magiging usapan nila dahil medyo malapit ako sa kanila at kitang kita lahat ng mga magiging galaw nila dito sakin.
Tumayo si Alex at tinulak si Kailore sa pader. Sigurado akong masakit yun pero sa kaso ni Kailore na alam ko naman kung ano sya ay parang wala lng sa kanya ang pag tulak ni Alex.
"Ikaw na lalaki ka, iniiwasan mo ba ako?" Duro duro sya ni Alex. Ngunit tiningnan lamang sya ni Kailore ng walang emosyong makikita sa muka nito.
"Hindi, hindi kita iniiwasan" sagot ni Kailore at parang sinusuri nya si Alex base sa galaw ng ulo nya.
Tinulak muli sya ni Alex at tiningnan sya ng gigil na gigil at galit na galit
Hmm... Ano kaya ang problema ni Alex sa kanya? Dahil ba ito sa kanina? Yung nangyari ba sa PE?...
"May death wish ka ba?! Ha?!" Hahampasin nya na sana si Kailore ngunit humarang agad si Ambril at wala akong idea kung san sya galing.
Wala kang makikitang takot o kaba sa kanya. Matalim nyang tiningnan si Alex sa mata. Walang expression ang buong muka nya pero ang mata nya nagsisigaw sa galit. Para rin syang si Kailore. She's awesome!
Ayon ngaz hindi nagtuloy ang paghampas ni Alex dahil humarang agad si Ambril pero hindi naman sya natamaan dahil napigilan ni Alex ang kamay nya. Nagulat rin sya siguro sa biglang pag sulpot ni Ambril.
Ngunit makikita sa mga mata at muka ni Alex ang pagtataka kung bakit humarang sya sa harap ni Kailore.
"Anong ginagawa mo? Ha? Ambril Ashlere?" Tanong ni Alex na may halong galit kay Ambril sabay baba ng kamay nya.
"Tara na" sabi ni Ambril at hinawakan sa braso si Kailore ngunit nasa kay Alex pa rin ang paningin nya.
Aalis na sana sila ngunit hinawakan ni Alex sa braso si Ambril upang pigilan.
"Hindi kayo pweding umalis" matigas na sabi ni Alex.
"Bitiwan mo ako!" Matigas rin na sabi ni Ambril at tinampal ang kamay ni Alex na nakahawak sa kanya.
Hahablutin na sana ni Alex sa balikat si Ambril ngunit naunahang hinawakan ni Kailore ang pulsuhan ni Alex.
"Hey! Anong ginagawa mo ha? Kailore?" Tiningnan lamang sya ni Kailore ng walang reaksyon.
"What the fvck!?" Singhal sa kanya ni Alex
Hindi ko na pinatagal pa ang pakikinig sa kanila at lumapit na ako doon. Sigurado akong nagtataka kayo kung bakit walang sumusuway sa kanila, nasa tagong lugar kasi kami ng school na to.
YOU ARE READING
I'm Not Just A Robot
Dla nastolatkówA typical high school life, a noisy hall, students chitchatting everywhere, a messy classroom, talking here and there, playing around, chairs and tables are not on it's proper place. These people act like they are close but in reality they're Not! W...