Isang hakbang, patungo
Sa 'yo, kahit di sigurado
Kung mayroon mang sasalo
Isa, dalawa, tatlo
Susugal ako
Dear Lorenzo Dave,
Alam mo bang unang araw pa lang ng klase natin noon, nakuha mo kaagad ang atensyon ko.
Lalo na kapag ngumingiti ka at kusang lumalabas ang natural mong dimples.
Nakakabighani rin yung mga mata mong singkit.
Natatandaan mo pa ba noong pinilit ko ang sarili na layuan ka pero kahit pala layuan kita, mas lalo kang napapalapit sa puso ko.
Pero syempre hindi mo alam lahat ng 'to, pati na ang nararamdaman ko.
Naalala mo dati, sabi mo sa akin. "Ang cute cute mo!" pero ngumiti lang ako.
Ayoko kasing ipakita sa 'yo na kinilig ako noong sabihin mo iyon.
Habang tumatagal, hindi ko namamalayang mas lalong lumalalim na pala ang pagtingin ko sa'yo.
Hoy!
Alam mo bang gusto kita?
Alam mo bang napapasaya mo 'ko sa mga simpleng ngiti mo lang?
Alam mo bang kapag umiiwas ako sa'yo, mas sinasaktan ko lang ang sarili ko?
At alam mo bang galit ako sa sarili ko?
Kasi pilit ko mang lumayo at kalimutan ka, mas lalo lang tumitindi ang nararamdaman ko sa'yo...
Dahil hindi ko pa rin pala kaya.
Badtrip naman!
Feeling ko, tinatraydor ko ang sarili ko.
Kahit kasi sabihin kong 'ayoko na' yung puso ko naman ay taliwas.
pero dati yun.
Dahil nagbago na ang lahat.
Nakakapagod pala yun no?
Nakakasawa?
At alam mo ba kung ano ang mas naging dahilan ko?
Dahil...
Lalaki ka...
at Lalaki rin ako.
Dahil sa simula pa lang mali na ang lahat, mali nang maramdaman ko ito, mali ako.
mali ako.
At ngayon na masaya kana sa buhay mo, hindi na kita muli pang guguluhin.
At ang nararamdaman kong ito, ay mananatiling isang lihim na kailan man hindi na mabubunyag.
Mula taong lihim na humahanga sa 'yo.
Paalam.
BINABASA MO ANG
Ang LIHIM na LIHAM [One Shot] ✓
Poesie"Isang hakbang, patungo Sa 'yo, kahit 'di sigurado Kung mayroon mang sasalo Isa, dalawa, tatlo Susugal ako" -Maris Racal [Himig Handog]