Inside Cinderella's Shoe
"O, Ate, nandyan ka na pala! "
"Hindi, wala pa! Nagtitinda pa ako ng fishball sa kalye eh ", papilosopong sagot ni Geena sa nakababatang kapatid. Alas otso na ng gabi at naabutan niya itong parang kinikiliti ng duwende sa tabi ng pintuan.Nang tingnan niya kung ano ang ipanagkakaganoon nito, bigla siyang napasimangot.
"Wow Ate, Mr. Assimo lang ang peg?"
Lumapit ito sa kanya at pagkatapos humalik sa kanyang pisngi ay binitbit nito paloob ang mga paraphernaliang gamit niya sa pagtitinda.Sa edad na sweet sixteen ay dalagang-dalaga na ito tingnan bagaman nananatiling childish at spoiled ito pagdating sa kanya. Bakit hindi, eh sila na lang dalawa ang magkasama sa buhay mula ng iwan sila ng kanilang mga magulang.
Tatlong taon na ang nakakaraan ng magkasamang umuwi ng probinsya sa Albay ang kanilang Nanay at Tatay upang dumalo sa paglilibing sa isang kamag-anak na namatay dahil sa katandaan.Malinaw pa sa kanyang alaala nung magpaalam ang mga ito sa kanila matapos mangakong mag-uuwi ang mga ito ng sangkatutak na pili na paborito nilang magkapatid. Sa kasamaang palad, nakasama ang kanilang mga magulang sa isang aksidente na kung saan ay nahulog sa matarik na bangin ang sinasakyan ng mga itong bus papuntang probinsya. Isang linggo rin siyang hindi makausap noon hanggang isang araw ay dumating ang kanyang Tiya Minerva na asawa ng kapatid ng kanilang ina at anak nitong si Chacha upang sila daw ay "damayan" at tulungan uling makabangon. Iyon nga lang, lumipas ang ilang taon ay hindi na umalis sa kanilang poder ang mag-ina at tuluyan ng nakipisan sa kanilang magkapatid. Okay lang naman iyon sana sa kanya dahil may makakatuwang siyang mag-aalaga sa kanyang kapatid habang siya ay ipinagpapatuloy ang negosyo ng kanilang ama.Ang hindi niya lang inaasahan ay ang mga ito pa ata ang magpapaalaga sa kanila dahil naging dependent ang mga ito at kinalaunan ay iniaasa na lang din sa kanya ang mga pangangailangan na dapat ay hindi siya ang pumapasan.
"Hoy Elicia, nakita ko yun, babae ka! "
" Ang lutong naman ng Elicia na yan Ate.Pwede namang Lizzie na lang itawag mo sa akin ".
"Wag mong ibahin ang usapan, Elicia! Huling-huli ko ang paglalandi mo sa kung sinumang Poncio Pilatong ka-text mo! "
Kakamut-kamot na napangiwi ang kanyang kapatid at saka pasimpleng itinago sa bulsa nito ang touch screen My Phone nito.
"Ate, it's Lizzie okay? Saka, tumatawa lang sa text, malandi na agad? Di ba pwedeng natuwa lang sa forwarded joke?"
"Hindi mo ako maloloko Iha! Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Ibang iba ang itsura ng natatawa sa kinikiliti.Aba,pinagdaanan ko rin ang mga ganyang bagay !Baka malaman-laman ko na lang, me pamangkin na ako.Malilintikan ka talaga sa akin! "
"Eh Ate, classmate ko lang iyon, babae. Mahilig kasi mag-forward ng mga jokes iyon eh.."
"Ah ganun, sige! "
Iyong paglapit ni Geena sa kanyang kapatid ay hinablot niya ang cellphone sa bulsa nito na nakalimutan ata nitong i-home screen.
"So tell me dear Sister ,may nagpapangalan na ba ng Biboy sa babae, hah?! "
"Ate talaga, napaka mo..."
"Napaka-pakialamera ? "
"Wala akong sinabi ah! "
"At marunong ka na rin maglagay ng password ah! Gawain lang iyon ng mga taong guilty sa pagtatago ng sikreto."
Napangiwi ang kanyang kapatid at nagmistulang daga na nasukol sa lungga nito.
"Hala, pati ba naman sa pagtulog ko, chini-check mo pa rin ang cellphone ko? Grabehan Ate ah, di ko keri yang invasion of privacy na ginagawa mo.."
Nakapamaywang na dinuro niya ang nakababatang kapatid.
"Ako ang bumili niyang cellphone kaya technically, pwede kong gawin ang gusto ko diyan. Ikaw,imbes na pag-aaral ang inaatupag mo, puro panlalalaki na yang pinag-aaksayahan mo ng panahon. Mataas pa naman ang expectations ko sa'yo ngayong graduating ka na. Kapag di ikaw ang naging valedictorian, magbalot-balot ka na, makikita mo.."
Pinaikot lang ni Elicia aka Lizzie ang mga mata nito at saka hinawakan ang tangan niyang cellphone. Bigla kasing tumunog iyon.
"Akin na yan Ate! Nabagok ba ulo mo sa kalye? Hello? Section 3 kaya ako , wala akong kapag-a pag-asa sa pangarap mong valedictory speech noh? "
Exasperated na binitiwan niya ang cellphone na agad naman nitong inilayo sa kanya upang basahin siguro kung kanino galing ang text . Maya-maya'y pangiti-ngiti uli ito.
"Elicia ha! Sinusubukan niyo talaga ng Biboy na yan ang pasensya ko? "
Agad-agad naman nitong itinago muli sa bulsa ang cellphone.Tatawa-tawa pa rin ito ng tawa sa kung anuman ang nabasa nito.
"O siya, siya, ako'y gagawa na ng assignments ko para maging "valedictorian" kahit sa section lang namin, gora na ako sa kwarto, babuu! "
Nakakaistorbo pa ata sa paglalandi ng kapatid ko ang pag-aaral ah! Wag ko na kayang patuntungin sa kolehiyo?
"Sandali lang Lizzie! Asan na si Tiyang at si Chacha? Kumain na kayo? "
"Ako oo, pero yung dalawa hindi pa. Nandun ata si Tiyang kina Aling Pepay, kina-career ang pagbobola ng bingo. Kanina pa wala yun pagdating ko from school.."
"Eh si Chacha? "
"Kaaalis lang. Suot iyong ipinang-rampa mo noong nag-runner up ka sa Binibining Talaba".
Sukat sa sinabi ng kanyang kapatid ay nag-init ang kanyang ulo. Ang kanyang Tiyahin na sana ay gumagabay sa kanilang magkapatid ay hayun na naman sa bingo-han,tila walang pakialam kung may sinaing ba o wala.Ang anak naman nito ay tiyak, nasa isang "party party" dahil hinihiram or rather hinaharbat nito ang mga gamit at pamporma niya kapag may lakad ito kasama ang mga barkada.Natatandaan niya ang gown na tinutukoy ng kanyang kapatid dahil isinuot niya iyon ilang buwan na ang nakakaraan upang sumali sa patimpalak ng pagandahan na ginanap sa piyestahan ng kanilang barangay kung saan ay muntik niyang makuha ang titulo,dangan nga lamang ay nabiktima siya ng isang "lutu-lutuang " kompetisyon.
"Bakit, sasali ba sa pageant ang malditang pinsan mo? "
"Hindi, magsasagala..."
Sinamaan niya ng tingin si Lizzie kaya't agad nitong inayos ang sagot sa tanong niya.
"Pupunta raw sa debut nung isang kaklase niya.Necessity daw kasi kailangan niya raw makakuha ng ideya sa magiging debut niya 5 months from now. As if naman may pera silang mag-nanay noh?! Ilusyunada talaga..."
Hinawakan niya ang kanyang sentido at sinenyasang pumasok na sa kwarto nito ang kanyang kapatid.Nagsimula na rin siyang maghain para sa kanyang sarili habang ang isip ay nasa isang paparating na namang pasanin.
Jusko naman! Ilang araw na lang pala at hihingi na naman ng pang-tuition ang magaling kong baby cousin. Mag-bingo na lang din kaya ako? Daig ko pa ang may anak na dalaga. Nay, Tay, bakit niyo naman itinambak sa buhay namin ang mag-inang iyon? Mapapaaga pa ata ang reunion nating tatlo sa sobrang konsumisyon...tsk, tsk....
.
BINABASA MO ANG
MY NANNY GIRL
RandomHe's the ladies' man. She's the superwoman. A not-so fairytale-ish love story... Ito ang kwento ng isang modernang Cinderella at isang uber charming na Prinsipe ng pinilakang tabing. And yeah. It's not your ordinary AlDub love story...