When I Was Your Man(One Shot Story)

8.3K 252 46
                                    

This is a work of Fiction.

Read at your own risk.

*******************

"Where are you going?" Tanong ko sa kanya nung nakita kong nakabihis siya at dumaan sa harapan ko.Nasa sala kasi ako.

"None of your business." Matatalim na tingin ang ipinukol niya sa akin at saka tumalikod na.

Gusto ko siyang pigilan.Pero may karapatan ba ako?Wala.Bigtime!

Sino lang ba ako sa buhay niya?Isang decoration,isang asawa sa papel, isang props.Sobrang sakit kapag ganito ang turing ng sarili mong asawa sayo. Oo, asawa ko siya for more than two years.Siya si Hazel Nepumuceno-Gabriel.

At sa mahigit na dalawang taon naming pagsasama ay isang taon niya lang ako pinagsilbihan bilang asawa.Pero wala yung bagay na gawain dapat ng mag-asawa.Ang gago ko lang kasi eh.

Hindi ko siya masisi kung bakit nagsawa at umiba ang pakikitungo niya sa akin.Bagay na pinagsisihan ko ng lubusan.

Sana maibalik ko ang mga panahong mahal pa niya ako.Napapasinghap na lang ako sa tuwing maaalala ko ang kagaguhang ginawa ko noon sa kanya.

At the age of 21 ay ikinasal kaming dalawa.At yun ay dahil sa pinagkasundo kami ng mga magulang namin.

Simula pa lang ay ipinaramdam na niya sa akin na mahal niya ako.Araw-araw ay di niya pinapalampas ang magsabi sa akin ng I love you. Bagay na kinaiinisan ko sa tuwing maririnig ko galing sa mga bibig niya.Pakiramdam ko kasi noon,sinadya niyang itali ako sa kanya.

Hindi ko matanggap na kasal na ako sa kanya.Kaya sa halip na mahalin ko siya ay lalo ko pa siyang sinaktan.Oo, sinaktan ko siya ng sobra. Nambabae ako,binalewala ko siya. At higit sa lahat hindi ko siya tinuring na asawa.

May mga pagkakataon noon na kahit nandiyan siya ay kung sinu-sinong babae ang kalandian ko.Ginawa ko siyang tanga.Pero never siyang sumuko.Hindi niya ako hiniwalayan.

Kung hindi lang talaga dahil sa mamanahin ko,ay hinding-hindi ko siya papakasalan.Dahil hindi ko naman talaga siya mahal. Kahit halik o paghawak ng kamay niya ay di ko ginawa yan sa kanya. Date,regalo,sweet words ay hindi ko ginawa ang mga bagay na yan.Pero nanatili pa rin siya sa tabi ko.Ewan ko ba kung manhid lang siya o talagang mahal niya lang ako.Ni hindi ko nga narinig na nagreklamo siya.Hindi siya napapagod na pakisamahan ako.Naging martyr siya sa isang taon na pagsasama namin.

Akala ko hindi siya susuko,akala ko mananatili siyang ganyan sa akin.Pero mali pala. Napagod na rin siya siguro.Kung kailan pa na natutunan ko na siyang mahalin.

Kung hindi lang dahil sa nagawa kong malaking kasalanan,baka naayos pa namin. Kung naging maingat lang sana ako,siguro ngayon ay ok na kami.Hindi sana hahantong pa sa ganito.Yung aabot sa ganito na parang ako naman ngayon ang ginagawa niyang tanga.

Tulad ng sinabi ko,kasalanan ko ang lahat.

Biglang nag-ring ang phone ko.Kaya napahinto ako sa pag-iisip.Inis kong sinagot ito ng makita kung sino ang tumatawag.Ang taong ito ang sumira sa nais kong magbagong buhay sana kasama ng asawa ko.

Pagkatapos kong sagutin ang tawag niya ay agad na akong nagbihis at umalis.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Pagkauwi ko sa bahay ay wala pa rin ang asawa ko.Palagi siyang ganyan.Palaging gabi na kapag umuwi.Hindi ko alam kung yung tagahatid sundo niyang si Henry ay manliligaw niya o talagang boyfriend niya na.

Ang sakit no?Yung makikita mo na ang asawa mo ay mayroong boyfriend o manliligaw.

Ng marinig kong may sasakyang dumating,sinilip ko ito sa bintana.Alam kong siya ang dumating.

When I Was your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon