PROLOGUE

18 1 0
                                    

--

"Kai, nandito na tayo." Sabi ni ate na sumama dahil gusto niya ulit daw makita ang itsura ng plankton na 'yon at ng masapak niya daw, pero alam ko naman ang tunay na dahilan kung bakit siya sumama.

Gusto lang no'n ng free drinks dahil lugmok na lugmok na sa bahay, nahiya pa umamin. 

Bago siya lumabas ng kotse, binigay niya sa'kin ang susi ng kotse at 'tsaka siya dumiretso papunta sa loob ng party.

At bago din ako lumabas inayos ko ang aking naka-bun na buhok at ang itim na shades pati na rin ang nakasukbit na itim na coat sa aking mga balikat. Sinuri ko din kung madumi ba ang aking itim na turtle neck at ang itim na skirt.

Huminga ako ng malalim at pinaalala sa sarili na dapat hindi na ako dapat magpaepekto sakanya.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at lumantad saakin ang itsura ng lugar kung saan ko siya makikita ulit pagkatapos ng ilang taon.

Binalita kasi saakin kahapon ng kaibigan ko na si Cat na umuwi na daw siya "for good," at may pa-welcome party pa ito at ang lahat ay pwedeng pumunta.

Wala naman na talaga akong pake sakanya, kahit i-ngudngod pa ako nila Cat at Fe sakanya, pero ayaw nila maniwala kaya papatunayan ko sakanila ngayon na wala na talaga akong pake. Batiin ko pa siya eh.

Lumabas na nga ako sa kotse at itinapak sa sahig ang aking itim na Louboutin pumps at nagsimula ng maglakad papasok ng party.

Sumalubong saakin ang malakas na tugtog at 'di gaanong kadami na taong sumasayaw sa dancefloor.

Dumiretso ako sa paglalakad, walang nangahas na bumati sa gulat na pumunta ako, sinundan lang nila ako ng tingin at inaabangan kung saan ako tutungo.

Hinahanap ko kung nasaan na sila Fe kaso lang masyadong madaming tao.

Ite-text ko na sana si Fe o Cat pero biglang may pamilyar na boses na nag-salita.

"Kai,"  banggit ng isang pamilyar na boses sa pangalan ko.

Umangat ang tingin ko sakanya at nung nakita ko siya parang bumalik lahat ng alaala, masaya man o masakit.

Gustong-gusto ko siyang sampalin ngayon pero ayaw ko gumawa ng eskandalo lalo na dito.

I stiffened and started to look at him straight to his dark and expressive eyes.

My heart started to beat so fast that i felt that i was going to explode in that very exact moment!

Nakita ko na parang tinatantya niya ang nararamdaman ko tulad ng ginagawa ko sakanya ngayon.

Hindi ko na pinatagal ang titigan namin at nag-salita na kahit nanga ngamba ako na baka manginig ang boses ko at baka makita niya ang mga nagbabadyang mga luha sa aking mga mata.

"Welcome back, Kylo." Matapang na sabi ko at 'tsaka naglakad ng mabilis papalayo sakanya at nag-simula nang tumulo ang mga luha ko. May sasabihin pa sana siya kaso 'di ko na siya hinantay.

Wala na dapat siyang sabihin. Sarado na ang tenga at isip ko para makinig sakanya.

Dahil tapos na ang lahat. Tinapos niya na dati pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost in the Summer (Four Seasons Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon