The Lost Wizard Princess.
Written by: AnnePH52
Chapter 5:
(Everielle's POV)
nagulat ako sa babae na yun kahapon. bigla na lang umiiyak tsaka umalis. hindi ko na siya nakita nung pumasok pagkatapos niyang umalis dun. nakakagulat.
maaga akong pumasok ngayon para abangan siya, parang kasi pakiramdam ko ako ang may kasalanan . nakakakonsensya..
nandito ako sa tapat ng gate ngayon, nakaheadset ako kunwari para walang kumausap sa akin. andito ako para syempre iabangan siya..
maya maya natatanaw ko na siya.. pagtapat niya sakin sumabay akong maglakad sa kanya.. naka diritso lang siya ng tingin, mukang malalim yung iniisip niya..
"ahhmm.. lalim ng iniisip natin ahh.."
"h-ha ..?"
yun lang naging sagot niya ng hindi tumitingin sakin. haissst! ayuko pa naman sa mga ganito eh. pano ako makakapag sorry kung lutang tong kausap ko.. hinawakan ko na siya sa braso at dinala sa rooftop.. halata sa kanya na wala siya sa sarili. nagpadala lang siya sakin, wala man lang siyang reaksyon..
"teka.. bakit mo naman ako dinala dito .."
anong nangyare sa babaeng to. ang hina at ang lamya ng boses niya tsaka muka siyang umiiyak ng magdamag. parang hindi siya ang babaeng nakilala ko sa bus! iba siya ngayon..
"a-ah ano kasi.. magsosorry lang sana ako.."
napakamot tuloy ako ng ulo. hindi kasi ganito ang inaasahan ko, akala ko nakasigaw nanaman siya..
"ganun ba? ok na yun sa akin.. sige.. mauna na ako.."
tapos naglakad na siya palabas ng rooftop. kahit sa paglalakad niya halatang wala siya sa sarili..
Dahil kaya sa nangyare kahapon? pero sabi naman niya okay na sa kanya yun. pero bakit ganyan sa kumilos?! haaiissst!! nakakainis naman, nakokonsensya tuloy ako.. >_____<
sinundan ko siya. nasa likod niya lang ako, muka siyang lasing. para siyang matutumba kung maglakad.. Hanggang sa makapasok kami ng room at magsimula ng ang klase nakatulala pa rin siya.. Napuna na rin siya ng teacher namin kung ayos lang ba siya, syempre sabi niya okay lang daw siya..
Ako naman parang aso na nakabuntot sa kanya. Haaaissst! sana pala hindi ko na sinabi ang mga salitang yon, para tuloy akong tanga na nakasunod lagi sa kanya! Uwian na namin ngayon. Ito parin ako, nakasunod sa kanya. Lakad lang siya ng lakad.
Yung mga taong nakakasalubong namin, parang mga nagtataka yung mga tingin.Nakakahiya tuloy .. tamana kaya tong pagsunod ko sakanya.Muka namang okay na siya eh. haist! bahala na! nagsorry naman na ako eh. sapat na siguro yon.
Tumalikod na ako at nag simulang naglakad palayo sa kanya..
bakit nga ba ako nakokonsensya, samantalang masasakit din naman yung mga sinabe niya kahapon ahh. Tama! okay na yun.. patas lang kami..
maya maya, nagulat ako ng may biglang sumigaw..
"AHHH! YUNG BABAE MASASAGASAAN!!"
napalingon ako agad! O___O SHIT! Si Thinity!!
hindi na ako nagdalawang isip na gumamit ng Magic para mapahinto yung truck na paparating pati na rin ang mga nasa paligid ko.. limang sigundo lang ang itatagal ng spell kaya dapat kong bilisan..
tumakbo agad ako !! sana umabot...
1
2
3
4
5
*BEEEEEEEEEEEPPPP!!!!!*
[A/N: Oopss! bitin muna. hihihih ^_^ maililigtas kaya ni Everielle si Thinity o tuluyang mapapahamak siya?? mmmm.ano kaya ang mga susunod na mangyayare? hahahaha! icomment mo ahh. hahahaha :D ABANGAN !! Need ko po vote niyo, salamat :) ]