Chapter 9

33 2 0
                                    

Irrational 

Habang naglalakad ako palabas na ng campus ay nararamdaman ko padin ang panginginig mga kamay ko dahil sa galit na nararamdaman ko , galit na inaalagaan ko , galit na gustong gusto kumawala sa kalooban ko at galit na gustong gusto ko iparamdam sa nagiisang taong nagbigay sakin at lumikha ng pakiramdam na iyon sa pagkatao ko 

pagka dating ko sa parking lot ay nadatnan ko siya na nakasandal sa hood ng kotse niya habang nagyoyosi at maluwag na ang neck tie na halatang kinalas niya sa pagkakaayos napalingon siya sa gawi ko kaya iniiwas ko ang tingin ko tsaka naglakad palampas ng parking lot para magabang ng taxi kaso wala halos dumadaan kung meron man may sakay damn 

" Bihira ang taxi sa ganitong oras wala kang masasakyan diyan" aniya sa likod ko na diko manlang naramdaman na lumapit di ako kumibo at nagbaka sakali padin na mayroong dadaan 

" Tch! asan na yung nagsundo sayo di ka manlang ba ihahatid din " aniya kaya lumingon nako 

" Pwede ba? wala kang pakielam may klase siya naiintindihan mo at kung wala malamang kanina pa yun nandito sa harapan ko at di sana ikaw ang kausap ko ngayon! " inis na sambit ko 

di na siya kumibo tsaka suminghap lang tsaka tumango tango sakin 

" Okay come I'll take you home " aniya 

" no " ani ko tsaka tumingin muli sa daan  nagbabakasali sa kahit isang taxi manlang naiinis nako sa pambwibwiset ng lalaking to sakin at mas nabadtrip pako ng tumingala ako at nakita ang nagbabadyang ulan talagang napaka gandang first day no? kingina lang

" Kleyr please let's go paulan na mababasa ka " pagsusumamo niya kaya nilingon kona siya 

" So what? magkasakit man ako kumbolsyonin pako sa harap mo wala kanang pakielam don naiintindihan mo!? pwede ba get off my sight napaka sakit mo sa mata masyado kanang nakakairita !" sarkastikong singhal ko tsaka humarap muli sa harapan kahit pa umaambon na 

naramdaman kong umalis na siya sa likod ko diko alam kung matutuwa bako don oo maiinis seriously? kilala kopaba ang sarili ko? damn it malamang dapat matuwa ako diba? kase titigil na siya kakagulo sa araw ko nakakairita na siya masyado mula pa kaninang umaga 

ilang minuto langa ay naramdaman ko ang paglagay ng makapal na jacket sa balikat ko tsaka ang paglapat ng tela ng isang bonnet sa ulo ko dafuc?

nang humarap ako ay inayos niya ang magkakasuot sakin ng jacket binutones niya ang bandang itaas para di malaglag sa pagkakasuot sakin tsaka inayos ang pagkakasuot sakin ng bonnet taka padin akong nakatingin sa kaniya hanggang sa matapos siya hanggang sa napatingin ako sa jacket at bonnet na pinasuot niya sakin at agad rumehistro sakin na sakin galing to ito yung binigay ko sa kaniya noon ano sinusoli niya na sakin ganoon ba? nakakainsulto 

kaya sa inis ko ay hinubad ko lahat yun kahit mas lumalakas pa ang ulan tsaka pabatong binigay sa kaniya tsaka ako pumunta sa kotse niya nilabas ko ang pocket knife na naka attached kasama ng susi ng kotse ko at susi ng bahay tsaka ko tinusok ang gulong ng Aventador roadster niya hanggang sa nabutas nga at unti unting nawalan ng hangin iyon 

" Kleyr what the fuck? " aniya sa likod ko lumingon ako nakita ko ang walang emosyon niyang mga mata 

" Ano? magagalit ka? magalit kana all you fcking want wala akong pakielam sa nararamdaman mo !" ani ko tsaka bumuhos ang napaka lakas na ulan pero nakatayo padin siya sa harapan ko at tinitingnan lang ako nang kikilos na sana ako ay tsaka siya suminghap at hinila ako  

" Bitawan moko !" inis na ani ko pero di siya nakinig hinahatak niya padin ako hanggang sa iginiya niya ko sa isang kotse sa back seat niya ko pinapasok at pagkapasok ko tsaka ko lang narealized na grab to nagbook siya? 

Shattered ( Lincoln Academy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon