"Firefighters in the Florida Panhandle continued battling an erratic fire Thursday that had scorched thousands of acres of woods, razed dozens of homes and forced some 1,600 people to evacuate from their neighborhoods."Saad ng nag babalita sa tv.
"Jesus is coming soon! people! repent from your sins!"
Napatingin ako sa gawi ng matandang lalaki na kanina pa sigaw ng sigaw dahil mas nangingibabaw pa ata ang boses nito kaysa sa volume ng tv sa bus.Ang mga tao naman sa bus ay nakatingin lamang dito,ang iba ay tinatawanan lamang sya at sinasabing baliw daw ang taong ito habang ang iba naman ay walang pakialam.
"Jesus is coming soon!"sigaw nyang muli saka may kung ano ano pang sinasabi.Naka suot ito ng puting parang barong habang naka itim naman na parang pantalon ang pang ibaba nito at may hawak din itong isang maliit na bibliya.
Huminto ang bus at ang mga tao ay nag sibabaan na habang ang lalaki naman na nag sasalita kanina ay patuloy paring nangangaral kahit na halata namang walang pakialam ang mga tao sa paligid nya.
Ako nalang ang huling pasahero sa bus kaya ng baba na sana ako ay may kung sinong humawak sa braso ko.
"Repent..."Aniya ng lalaki saka tinignan ako sa mata at nakaramdam ako ng kilabot sa mga sinabi nya sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.Tumango nalamang ako dito.
Pagka baba ko sa bus tumambad sakin ang mga nag kalat na papel ng mga nag hahanap ng trabaho.Ang iba sa mga papel ay nakadikit sa poste habang ang iba naman ay nililipad ng hangin at dinadala sa kung saan.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.Napagawi ang tingin ko sa dalawang lalaking nag aaway sa hindi kalayuan.Walang pakialam ang mga tao sa paligid dahil tila normal nalamang sa mga ito ang ganung eksena.
Umagaw din sa atensyon ko ang matandang babaeng nanlilimos sa gilid ng kalsada.May pasan pasan itong maliit na bata sa balikat nya at tanging maliit na karton lamang ang sapin nito sa kinauupuan niya.
Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng sigawan sa hindi kalayuan.Lumipad ang tingin ko sa mga taong nag tatakbuhan kasabay nun ay ang pag babanggaan ng mga sasakyan sa kalsada.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bus na sinakyan ko kanina na nabangga ng isa ding bus sa kabilang kalye.Nakakasiguro akong yun ang bus na nasakyan ko dahil sa plaka nitong Jhn316
Ilang segundo lang ang lumipas isang nakakabinging tunong ang tila nagmumula sa kalangitan ang narinig ng lahat.Napaupo ako sa sahig ng kalye at napatakip ng tainga dahil sa tunong na iyon.
Matapos ang nakabibinging tunog na iyon.Napagawi muli ang tingin ko sa bus na sinakyan ko.Sugatan ang driver ng bus at wala itong malay habang ang matandang lalaki naman na nangangaral kanina ay nag lahong parang bula.Tanging puting barong at itim na pambaba nalamang nito ang nakita ko sa sahig pati ang maliit na bibliyang hawak nito kanina.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.Kapansin pansin ang mga nag kalat na damit sa sahig ng kalye at ang mga tao naman sa paligid ay normal na ulit na nag lalakad sa kalsada na animoy walang nangyari.
Napagawi din ang tingin ko sa puwesto ng matandang babaeng nanlilimos kanina.Wala na din ang matandang babae pati ang batang kasama nito dahil tanging damit nalamang ang naiwan sa lugar.
Lumipad ang tingin ako sa tv ng tindahan na kakabukas lang.Madami ang nababalitang nawawala ayon sa news caster.
Ilang saglit pa unti unti ng naging malabo ang lahat.
"Firefighters in the Florida Panhandle continued battling an erratic fire Thursday that had scorched thousands of acres of woods, razed dozens of homes and forced some 1,600 people to evacuate from their neighborhoods."Saad ng nag babalita sa tv.
"Jesus is coming soon! people! repent from your sins!"
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko ng magising ako dahil sa boses ng matandang lalaki na kanina pa sigaw ng sigaw at mas nangingi babaw pa ang boses kaysa sa volume ng tv sa bus.
Binuksan ko ang selpon ko para tignan ang oras.3:16 Pm na at dahil sa haba ng byahe hindi ko namalayang nakatulog pala ko.
"Panaginip lang pala."Bulong ko sa sarili.Huminto ang bus at nag sibabaan na ang mga pasahero nito at ako ang huling bababa ng may humawak sa braso ko.
"Repent.."Wika ng matandang lalaki dahilan para mag tayuan ang balihibo ko.Tumango nalamang ako dito.
Nang makababa na ako muli kong sinulyapan ang bus na sinakyan ko kanina.May plaka itong Jhn316.
Nakaramdam ako ng kilabot."He is coming soon."Bulong ko sa sarili kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin.
"The Middle Ages or the medieval period of European history between the fall of the Roman Empire and the beginning of the Renaissance, are sometimes referred to as the Dark Ages."Aniya ng History teacher namin pero hindi ko masyadong naiintindihan ang sinasabi nya dahil sa hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko ang lalaki kanina pati narin ang kilabot sa mga sinasabi nya.
"Ms,Valdez!"Sigaw ng teacher ko pero hindi ko ito napansin dahil sa matagal na pagkatulala ko.
"Ms,Valdez!"Napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin sakin pati narin ang teacher ko habang magkasalubong naman ang kilay nito."
"Are you listening to me?"Napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Ah..Y-yes ma'am?"
"Late ka na nga pumasok hindi ka pa nakikinig! sit down!"Sigaw nya saka ipinag patuloy ang pag tuturo nya habang ang mga kaklase ko naman ay palihim na nag sisitawanan.
Pagkatapos mag turo ng teacher namin ay namigay ito ng papel at sabi pa nya ay may long quiz daw kami.
Nilapag nito ang papel sa desk ko at napakamot ako ng ulo ko saka bumuntong hininga.
Alam nyo ba yung feeling na unang tingin mo palang sa test paper alam mong hindi ka na papasa?

BINABASA MO ANG
Harpazo
Historical FictionThe master of that servant will come on a day when he does not expect him and at an hour he is not aware of.