Repent from your sins....
[And it shall come to pass in the last days, saith God, I will pour out of my Spirit upon all flesh: and your sons and your daughters shall prophesy, and your young men shall see visions, and your old men shall dream dreams: ]
Acts 2:17
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang sarili kong nakaharap sa salamin habang naka suot ng isang puting bistida....
"Iha bilisan mo at mahuhuli na tayo sa misa"Saad ni mama dahilan para bilisan ko.
Maraming tao ang nasa paligid ko ang iba sa kanila ay nasa loob at ang iba naman ay nakatayo lamang sa labas dahil sa sobrang dami na ng tao ay hindi na kasya sa loob ng isang tila malaking gusali habang may isang tao naman na nag sasalita sa unahan.Malayo sya pero naririnig ng mga taong malapit sa kanya ang sinasabi nya habang para naman sa mga tao sa labas ay tila echo nalamang ang maririnig sa boses nito.
Hindi ko lubos maintindihan ang mga pangyayari sa totoo lang dahil sa echo nalamang ng boses nito ang naririnig ko pero napansin kong tila sumasang ayon naman ang mga tao sa sinasabi nya kahit na ang iba ay hindi naman nauunawaan ang mga pinag sasasabi nya. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid ko habang may ngiting nakaukit sa mga labi nila.
[And Jesus answered and said unto them, Take heed that no man deceive you.
For many shall come in my name, saying, I am Christ; and shall deceive many.]Matthew 24:4-5
Maya maya pa ay tila nag bago ang paligid sa isang iglap....
[And ye shall hear of wars and rumours of wars: see that ye be not troubled: for all these things must come to pass, but the end is not yet. ]
(Matthew 24:6)
Hindi ko alam kung asan ako sa oras na ito pero nananatili akong naka tayo sa gitna ng kalsada kung saan andaming taong nag sisitakbuhan.Tila iisa lang ang sinisigaw nilang lahat at yun ay sigaw ng pag hihirap, kalungkutan, at pag dadalamhati.
"Papa! wag mo ko iiwan papa!"Sigaw ng batang babae habang inaalog ang kanyang ama na duguang naka handusay sa kalye.Nangingilid ang mga luha nito.
Maya maya pa ay isang malakas na pag sabog ang narinig ko na sinusundan ng sunod sunod na putok ng baril dahilan para mas lalong mag sigawan ang mga tao.Kitang kita sa mga mata nila ang takot at pangamba sa bawat lumilipas na segundo.
"Nasaan ba ako?..."
Maya maya pa unti unting lumalabo ang paligid ko hanggang sa naging madilim na ang lahat.
May kung anong malakas na boses ang naririnig ko habang naka upo naman ang papa ko sa isang mahabang upuan at nakatuon ang pansin sa tv na napakalakas kaya natuon dun ang pansin ko.
"MANILA: An earthquake with a magnitude of 5.3 jolted Luzon of the Philippines on Sunday morning, the US Geological Survey said."Aniya ng isang babaeng nasa tv.
Napa upo ako sa sahig at saka napakapit sa pader na nasa gilid ko ng may malakas na pagyanig na nag mumula sa sahig at nakita ko ang unti unting pagbuka ng lupa dahil sa lakas nito at saka dumilim...
Muli kong minulat ang mga mata ko at sa pagdilat ko ay maayos naman ang lahat at napaka layo ng nakita ko ilang segundo lang ang nakalipas sa nakikita ko ngayon.
Napabuntong hininga nalamang ako saka muling pumikit at pag dilat ko ay nasa silid ko parin ako.Inilibot ko ang mata ko saka tumayo at lumapit sa salamin.
"He's coming soon........"Bulong ko sa sarili habang tinitignan ang repleksyon ko.

BINABASA MO ANG
Harpazo
Fiction HistoriqueThe master of that servant will come on a day when he does not expect him and at an hour he is not aware of.