Janice POV
"Oh bakit tulala ka yata diyan? Ano na naman ang iniisip mo diyan ha na babae ka?" Sunod-sunod na tanong ng matalik kong kaibigan na si Maine.
Bumuntong hininga ako, "Inaalala ko lang yung mga pinagdaanan ko di ko akalain na malalampasan ko ang lahat ng iyon. Akala ko di ko na kakayanin pero heto ako at buhay pa." Di madali ang pinagdaanan ko sa buhay.
Namatay ang mga magulang ko noong katorse anyos pa lang ako, namatay sila nang mabangga ang sinasakyan nilang jeep sa isang wheeler truck pauwi na dapat sila nun dala dala ang cake na binili nila dahil kaarawan ko pero nauwi sa isang masamang panaginip nang dahil sa nangyari sa kanila.
Nasa second year high school ako that time kaya nagsikap ako para buhayin ang sarili ko at makapagtapos ng pag-aaral at sa awa ng diyos nakapagtapos naman ako sa kursong Accounting and Bookkeeping. Nagtataka kayo kung paanno ako nakatungtong ng kolehiyo simple lang naman matalino ako kaya nakapasok ako sa isang pribadong paaralan at free tuition ako pwera na lang sa mga miscellaneous dahil ako na ang sasagot nun. Part time naman ako after ng klase ko kaya nakapagtapos ako.
At ngayon nagtatrabaho na ako bilang Accountant sa isang pinakatanyag na kumpanya ang LDD Empire na pagmamay-ari ng isang banyaga. Marami ang nagsasabi na gwapo daw ang CEO ng LDD Empire pero ni minsan di ko pa siya nakikita kaya di ko masabi if totoo o hindi ang mga tsismis about sa kanya. Saka sabi sabi din na strict at arogante daw yun di marunong ngumiti isang maling galaw mo lang tanggal ka agad sa trabaho mo. Sana naman wag ko na siyang makita tutal naman minsan lang siya makita ng mga empleyado niya dito so it means palagi siyang wala sa office niya.
Sabagay sobrang yaman niya, di lang dito sa pinas siya may negosyo pati sa ibang bansa din saka ang dami niyang negosyo like hotel and restaurants, real estate, air lines at malls wala na akong masabi plus the fact na prinsipe siya sa greece. Swerte ng mapapangasawa niya nasa kanya na lahat.
"Earth to Janice!" Si Maine magkasama din kami sa trabaho swerte na rin na pareho kaming natanggap sa trabaho ng mag-apply kami pareho kaya magkasama kami nagyon dito sa accounting department.
"Bakit? Ang ingay mo magtrabaho ka na nga lang diyan. Sayang ang binabayad sayo." Tinalikuran ko siya at hinarap ko ang computer ko para magtrabaho na.
Akala ko tatahimik na siya. "Girl alam mo na ba yung balita?" Pang tsi-tsika na naman niya sa akin. Ewan ko bat napagtiyagaan ko yang kadaldalan niya di na yata siya mabubuhay ng di dumadaldal.
"Anong balita na naman yan? Dalian mo at marami pa akong kailangan na tapusin next na ang deadline nito." Sabi ko na di tumitingin sa kanya.
"Andito ngayon ang CEO natin!" Kinikilig na sabi niya.
"Eh ano ngayon kung andito siya?" Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
Hinampas naman niya ako sa braso.
"Aray ko kung makahampas naman kala mo papel ako. Aang sakit kaya lalo pa at bakal yang kamay mo!" Singhal ko sa kanya pero biro lang yun.
"Hmp! Arte mo! Di ka man lang kinilig na andito yung Fafa-CEO-licious natin?" Tanong niya.
Bakit naman ako kikiligin eh wala naman akong gusto dun sa tao saka isa pa mas gugustuhin ko pang magtrabaho at kumita kaysa mag aksaya ng panahon sa mga taong di ko naman gaanong kilala, oo nga boss ko siya di ko naman siya nakikita at nakakasalamuha.
"Baka ma inlove ka sa boss natin kunyari walang pakialam. Asus may gusto ka ano?" Pangungulit niya.
"Ewan ko sayo magtrabaho ka na diyan mamaya makita ka pa ng head natin sige ka papagalitan ka na naman nun." Pananakot ko sa kanya na mukhang gumana naman dahil bumalik na siya sa trabaho niya at di na muling nagsalita ganon din ang ginawa ko focus sa ginagawa dahil baka di ako umabot sa deadline at masabon pa ako.
A/N: Yung nasa taas siya po si Janice. Vote and comment, love you guys!
BINABASA MO ANG
You are mine
RomanceWhat will you gonna do if he is crazy madly in love with you the first time he laid his eyes on you? "You are mine now!" Lawrence said to her.