I love you Goodbye

318 5 3
                                    

Hindi ko naman inaasahan na magiging tayo e. tanda ko nung 3rd year tayo, kuntento na ako na makita ka lang na dumaan sa harap ko, kuntento na ko na makita kang nakangiti kahit hindi ako yung dahilan. Kinikilig na ko makita pa lang kita. nakakatuwa nga e kase ang daming may gusto sayo. ewan nakakakilig lang talaga yung aura mo e kase naman lagi kang nakangiti, kaya siguro kita nagustuhan. alam mo ba hindi pa kita nakikitang nakasimangot. nakakatuwa ka ng sobra. kaya siguro mahal kita.

tanda ko nung unang nagtext ka sakin. wala pa kong masyadong feelings sayo non kase may KaM.U ako non. tawag mo pa nga sakin 'crush' kinilig ako non nasa kusina ako non nagluluto ng pancit canton, muntik ko na ngang maihulog yung cp sa mainit na tubig gawa nung text mo. nagkatext tayo pero hindi ganon katagal kase di ka nagloload madalas. bigla kang nawala. wala akong pakielam non kase may iba pa ko non.

I love you GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon