College

97 2 1
                                    

ilang bwan na ba ang nakalipas simula nung huli ko syang nakausap? medyo nalilimutan ko na nga sya e.


nakuha akong model ng isang fashion designer. natuwa ako syempre, kung kelan kasi ako gagraduate tyaka naman naglitawan ang mga blessings, isinali ako sa contest sa school MR AND MS ENGLISH CAMP 2015 first pageant na sasalian ko, medyo kinabahan ako kase di naman ako babaeng gumalaw. tapos kinabukasan naman nung araw na yun ay nakuha naman akong model ni Sir Allan, mas kinabahan ako pero masaya syempre. nakasalubong ko sya "balita ko kasali ka sa contest ah, naks babae na." bungad nya sakin. tinaasan ko lang sya ng kilay sabay nilagpasan sya. ang balita ko nagkakalabuan na sila ng gf nya kase daw magpinsan yung dalawa, kaya siguro nagpapapansin nanaman sakin, hahaha!


nakalipas ang ilang araw sobrang pagod ako pano ba naman practice sa contest tapos pagkatapos nun magpapractice naman kami para sa modelling. ugh


"medyo ituwid mo yung lakad mo" turo sakin ni ate franz. ginawa ko naman yung sinabi nya, stand straight, chin up, then walk.


"may problema ba sa heels mo? ano ba yan, kaimbyerna" sabay irap pa nya, e malay ko naman kasing magmodel diba. nakakahiya tuloy kasi naman CAT ng volounteers tapos makikita pa nila na ganon. nagtinginan sakin yung mga classmate ni ex kaya naman lalo akong nahiya, nagmodel ulit ako tapos pagpose ko bigla syang tumigil sa harap ko, sino pa ba edi sya. "model ka? model ka? hahaha" bigla na lang may sumakit sa dibdib ko. naiiyak tuloy ako. nung break time namin dun ako umiyak ng todo, sobrang stress na ko at sobrang pagod na yung katawan ko "akala mo kung sino syang gwapo bwiset" sabi ko habang naiyak, ikinwento ko sa mga co models ko yung nangyari. nainis din sila


e sino ba naman kasi sya para ganunin ako diba? ang kapal nya, lumipas yung araw kinabukasan contest na. nagready na ko, hindi ko kase sinabi kay mommy yung tungkol dun ayaw kasi nya na magsasali ako sa mga ganun.


lumaban na kami tapos naka1st runner up ako. *clap clap* after nung pageant nakahinga ako ng maluwag after ng pagmomodel ko siguro naman pwede na ulit akong maging ako, haha i mean maging boyish na ulit xD


malapit na din kaming grumaduate. tuwing magkakasalubong kami aasarin nya ako, ako naman patuloy ang pangdedeadma sa kanya. kahit na gusto ko syang kausapin di na pwede kase naiwas na ako sa sakit.


grumaduate na kami, sobrang saya ko, medyo malapit na ako sa totoong buhay.


"by yung ex mo kanina pa tingin ng tingin sakin" text sakin ni Endhee, sabi ko hayaan na lang nya. ang sama nga daw makatingi nung pinipicturan ako. oh well kahit may paki ako deadma na lang muna.


lumipas yung ilang araw, nagtext nanaman sya sakin, nangangamusta at gustong makipag balikan, umayaw naman ako sabi ko friendship na lang ang maiooffer ko sa kanya, pero gusto daw nyang bumawi, dahil siguro sa mga ginawa nya sakin kaya ayaw ko na syang tanggapin, nahingi sya ng last chance pero ayoko na talaga.


nangungulit pa din sya until now pero di ko na sya pinapansin, magcocollege na kami siguro magseseryoso na muna ako sa pagaaral ko at sa mga iba ko pang responsibilidad.


may mga pangyayari sa buhay natin na akala natin ay yun na talaga, pero syempre hindi mo malalaman ang isang bagay kung yun na kung walang problemang dadating, minsan akala natin masaya na ang lahat pero kinabukasan pala may lungkot. sana maging handa tayong lahat sa mga pagsubok na darating satin. wag natin ibigay ang lahat lahat sa taong hindi pa sigurado satin, matuto kang maglet go kung sobrang sakit na kase makakayanan mo naman na wala sya, kung sa umpisa pa lang e hindi na naman sya kasama sa buhay mo at bigla na lang dumating.


at yun ang gagawin ko.

I love you GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon