Chapter 3 - Cup of Tea

28 7 31
                                    

Chapter 3 - Cup of Tea

Chapter 3 - Cup of Tea

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiko

It was another Friday night of working. Minasahe ko ang aking braso at nag-unat unat bago lumabas sa employee's area. Damn! Nakakapagod talaga kapag gabi. Parang ang sarap na lang humilata sa kama...

Schedule na ni Risse sa puwesto ko kaya naman nagpahinga muna ako. I was done listing the scheduled deliveries for next week, usually na ginagawa niya. Tapos na ang working hours ko kaya naman nagpahinga na ako.

Luckily, it's Saturday tomorrow! A rest day for everyone here!

It's already 7 in the evening, isang oras na lang at malapit na mag-close ang shop. Marami pa rin ang tao sa coffee area kahit gabi na.

Naupo muna ako, pinatong ko ang mga siko sa mesa sa harapan. I have my backpack and my brown coat with me too.

Pinagmasdan ko ang labas mula sa glass window. Madilim na at tanging mga post lights at ilaw sa mga bahay bahay lang ang nagsisilbing liwanag. Marami pa ring tao sa labas kahit na gano'n. I guess, people are busy even at nights...

My phone vibrated. I smiled upon seeing Chase's name on my phone screen.

From: Chase
Got home from work! Be safe :)

To: Chase:
Take a rest na. Maya maya pa ako hehe.

From: Chase
Yes, Ma'am! Ikaw din.

Binalik ko ang tingin sa loob ng shop. The inside of the shop is brightened with the ceiling lamps. Mayroon ding floor lamp malapit sa mga bookshelves. Ang cozy talaga rito! Minsan gusto ko na lang dito tumira. I really dislike going home.

I decided to sat on the bar stool, sa tapat ng counter. Sayang naman ang seat sa puwesto ko kanina, e. Binati ko ang barista na si Dave. Matanda siya sa akin ng dalawang taon.

"Kaya pa ba, Aiko?"

"Naman! Antok lang," I responded.

Kinamusta ko siya saglit. Pagkatapos ay nagtrabaho na siya ulit.

Aside from being nice, people here are hardworking. Close sila sa isa't isa pero hindi 'yon naging hadlang sa oras ng pagtatrabaho. Walang oras na pinagalitan kami ni Miss Lily. They also helped me with the things I'm unfamiliar with.

Ramdam ko ang pagod ng katawan. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko. I started to feel the stingy feeling on my eyes like it was telling me to just sleep.

We had more than 50 arrangements of personalized orders earlier. Hassle dahil marami at iba't iba ang mga gusto nila. Hay, customer's different preferences... Ang pinaka in-demand talaga ay ang mga bouquet. Pero kung tutuusin, ayos na rin 'yon dahil kapag in demand ang mga products, malaki ang sasahurin namin.

Nakasubsob ako sa table sa may counter, unti-unting dinadalaw ng antok. I was half asleep when I felt someone poked my cheeks. It took one poke to wake my senses.

SayonaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon