"Ok class your graduation will be postponed" lahat kaming mga estudyante ay nanghina, minsan na nga lang kami makakagraduate na postponed pa, naman kasi nananahimik yung paniki.
Anayways wala na tayong magagawa, uuwi nalang ako. Pero five days nalang graduation na namin tapos bukas grad ball, pano yan?
"Pero sir paano po yung mga damit namin for graduation ball?" Nagbulungan ang mga chismosa kong kaklase.
"Sis magkano ba renta mo ng dress mo?"
"2.5k lang sis, ikaw ba?"
"Lam niyo sa palengke madami first user nga ako e"
"Magkano?"
"1.5k lang"
"Gosh ang mura, baka kolambo na yan ha"
Ew seriously? Maka apply ng kylie na make up ang kapal tapos 2.5k lang yung damit? So cheap naman.
"Let us all wait nalang sa announcement ni ma'am principal, ok?"
"Friendship may damit ka na ba?" tanong sakin ng kaibigan kong si Cyrel
"Wala pa e, at tsaka baka di na ako aattend" sabi ko.
"Pano ba naman kasi, walang may magkakasiyang damit sa'yo" sigaw ng kaklase kong lalaki sa kabilang row.
Napuno ng hiyawan ang loob ng gym at sinabayan pa ng funny sound effects, bwesit na operator.
Gusto ko ng umuwi tatlong oras na kaming nakaupo dito, natuyo na yung lalamunan ko kakaawit ng graduation song kanina di naman pala matutuloy.
"Guys just relax, hihintayin nalang natin yung confirmation ni ma'am principal" sabi ng baklang teacher namin.
So ayun na nga postponed talaga, di pa kasi agad sinabi.
"O Kirsten uuwi ka na?" tanong ni Cyrel sakin.
"Mauna ka na may dadaanan lang ako"
Bago ako uuwi dadaan muna ako dito sa lugar kung saan bawal ang mga estudyanteng kagaya ko, prohibited itong lugar ngunit dahil sa rule breaker ako ay madalas akong tumatambay dito.
Pumunta ako sa likorang bahagi ng senior high building, sira yung lock kaya malaya akong makakaakyat ng fire exit papuntang rooftop at ako lang ang nakakaalam nito.
"Shuta ang dumi-dumi na naman dito" kinuha ko ang lumang walis sa gilid, umulan kasi kahapon yung mga dahon nagkalat.
Exactly four natapos ako sa pagwawalis, papalubog na ang araw at ito na ang hinihintay ko ang oras kung saan lumulubog ang araw. Lahat ng mga estudyante dito sa paaralan gustong makita ang nakikita ko ngayon.
Too bad di nila alam na sira yung lock sa likod.
"Ang ganda!"
Hindi ko na hinintay na tuluyang lumubog ang araw at bumaba na ako dahil isasauli ko pa yung hiniram kong research hardbound sa faculty at baka di ako tuluyang makakagraduate.
"Yes Kirsten? May kaikangan ka?" tanong ng academic coordinator namin.
"A sir ibabalik ko lang po yung research hardbound na hiniram ko"
"Lagay mo lang diyan"
Tulad ng kaniyang sinabi nilagay ko sa cabinet yung hardbound at tsaka umalis, sa lobby nalang ako dadaan pero nagsisisi ako ngayon, yung tatlong kaklase kong chismosa nandito.
BINABASA MO ANG
Kwaranfling (Quaranfling)
Teen Fiction[Qua-ran-fling]- nabuong landian sa kalagitanaan ng pandemya. No. 1 rule Maaari itong ma-extend ngunit bawal ma-enhanced. 05/15/20 **/**/**