Inis na inis na talaga ako sinabi nang ayaw kong sumali sa play at magpoprops nalang ako pero ayaw nila ako tigilan.Magaling daw kasi ako umarte tch...alam ko naman yun kaya ko ngang umarte na masaya at hindi nasasakatan kapag kaharap ko sila Adi eh ito pa kayang play pero ayaw ko talaga dahil kasama sa mga actors yung magjowa.Sasali sana ako eh kaso hindi ko nagustuhan yung story ang panget eh feeling ko para sa akin yun....gusto nilang gampanan ko yung character na mangaagaw ng boyfriend yung maninira ng relasyon hays ang sarap batukan ng gumawa ng story.
" Sumali kana Dom please dyan ka naman magaling eh diba sa pag-arte."
Hindi ko alam bakit parang may double meaning yung sinabi ni Nayah.Imposible namang malaman niya maingat kami ni Adi kahit sa mga kaibigan niya walang nakakaalam kung anong meron samin.
"Fine sasali na ako." Pagsuko ko dahil alam ko namang hindi nila ako tatantanan.
"Ang kapal ng mukha mong babae ka!!Maninira ka ng relasyon itinuring kitang kaibigan pero bakit mo ko ginago bakit niyo niloko?"
"Hindi ko sinasadya maniwala ka hindi ko napigilan mahulog sa kanya."
Sinampal ako ni Nayah shet ang sakit ah parang totoo talaga yung galit niya.Lahat ng classmate namin tutok na tutok sa panonood ng practice na akala mo nanonood talaga sila ng movie.Pinapractice namin yung scene na kung saan nahuli kami ni Adi tapos pinapapili siya kung ako oh si Nayah.Magkakaharap kaming tatlo.
"Mamili ka ako o yang babae na yan!Sumagot ka!"
"Im sorry.Pero si Mina ang pinipili ko.Sorry Lai."
"No please don't leave me Mark hindi ko kaya wag mo kong iwan please ako nalang kasi ako nalang ang piliin mo gagawin ko lahat please."
Totoong luha na yung iniiyak ko kahit na play lang to hindi ko maiwasang madala kasi naiimagine ko hindi malabong mangyari din sa amin ito.Pinanood ko silang umalis habang nakaluhod.Fuck this tears.
"Cut!!!"
Agad akong tumayo at pinunasan ang luha ko.Tuwang tuwa yung mga classmates ko dahil mukhang maganda daw ang kakalabasan ng play namin.I excused my self at pumuntang CR para mag ayos.
"Ang galing mo talagang umarte Dom grabe parang totoo."
Puri ni Nayah andito pala siya nag aayos din.Nginitian ko siya.
"Parang naranasan mo na yung mga yun ah hahahaha pero I doubt that alam ko namang hindi mo kayang gawin yun.Btw ang galing mo talaga,una na ako."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Hindi kaya naghihinala na siya sa amin ni Adi hayss paranoid lang siguro ako.I need to talk to Adi.
