Chapter 3Nagising ako ng maaga para makapag-exercise. May mini-gym naman sa bahay namin kaya hindi ko na kailangan pang pumunta sa labas para lang mag-gym. Hassle lang pag lalabas pa ako. Tumakbo ako sa treadmill and do my usual workout routine. Nang mapagod ay umupo muna ako sa mat at uminom ng tubig. Chineck ko ang oras at 7: 51 a.m. na. Mahigit isang oras na pala akong nagwowork-out.
Lumabas ako sa mini-gym at dumiretso sa kuwarto ko para makaligo na rin at makapag-ayos.
I decided to wear a maroon fitted v-neck shirt and a dolphin shorts. Hindi rin naman ako lalabas so what's the sense of dressing up fashionably. Bumaba na ako at pumunta sa kusina. I saw mom and dad talking when I entered our kitchen. I thought naka-alis na si dad pero hindi pa pala. Lumabas din ako sa kitchen and went to our living room. They didn't even notice me standing at the entrance of our kitchen pero okay lang kasi mukhang importante yung usapan nila mom and dad. I know na it's about our business that's why I didn't bother to barge in to their conversation because mom would only push me away.
Nanood na lang ako ng tv habang hinihintay na tawagin ni mom for breakfast. I know she would call me because ako lang naman ang magbubukas ng t.v. maliban sa kanilang dalawa ni daddy. Remember, pinauwi ni mommy yung mga katulong.
I want to watch the news for today kaya naman nilipat ko yung channel sa CNN. Advertisement pa kaya hinintay ko na lang. Kumukuha ako ng throwpillow sa kabilang sofa ng marinig ko ang news reporter na banggitin ang pangalan ni Zachary. I quickly take a seat and focus on the television.
'Infamous bachelor, Zachary Buenaventura is dating the Vice President's daughter, Georgina Altagracia.'
Nang mabasa ko ang headline ay parang may maliliit na insekto ang bigla na lang nagwala sa tiyan ko. Para silang galit at kinukurot-kurot pa ang puso ko.
Mas lalo silang nagwala sa loob ng tiyan ko ng magsimula ng magpakita ng mga pictures na magkasama si Zach at si Georgina.
Hindi ko alam pero pati ako ay nainis sa balitang yon. Hindi lang yung mga insekto kundi pati ako na rin.
Pinatay ko ang t.v. at nilapag ang remote sa tabi ko. Pilit kong inaalis sa isip ang masamang balitang napanood ko.
I was back to my senses nang tinawag na ako ni mommy para kumain ng breakfast.
Siguro epekto lang ng gutom yung mga insekto sa loob ng tiyan ko kaya dapat lang na kumain na ako. Tumayo na ako at dumiretso na sa dining. Naghugas na ako ng kamay at dumiretso na sa lamesa para kumain.
My mood lighten up nang makita ko ang bacon at hotdog. Pareho kong paborito ang dalawang yun, that's why mom cooked it for me. Meron ding steak at iba pa pero nothing can change my mind. Hotdog at bacon pa rin.
Kumuha na ako ng kanin at kumuha na rin ako ng bacon at hotdog. Nanahimik na ako at nagsimulang kumain. Nilantakan ko talaga yung hotdog at bacon. Hindi ako makakapayag na hindi maubos yun.
I looked at mom and dad when I noticed that the both of them were giggling. Hindi na nila napigilan and they burst out, laughing. Why? What's wrong bakit ba sila tumatawa?
"Loraine dahan-dahan lang. Mahina ang kalaban." Dad laughed after he said that statement. Sumimangot na lang ako and continue to eat. Napatigil ako ng tumayo si daddy.
"Aalis ka na dad?" I asked.
"Yes sweetie, I need to go to the office now." Dad said and went near me and kissed my forehead. He waved goodbye and then leave our kitchen.
Mom and I finished our breakfast quietly. Nagprisinta na ako para maghugas ng pinggan and then mom went out of the kitchen para magdilig ng halaman sa garden.
BINABASA MO ANG
Ms. CEO
RomanceA work of fiction : ) (Gonna write better description after writing the whole story)