Chapter 2
I've been working so hard for 3 days now. Napakademanding ng mga client namin this past few days pero syempre kailangang kayanin. Pagkabalik na pagkabalik ko pa lang sa trabaho ay tambak na agad ang gagawin ko. My schedule is also full. Buong araw akong may meeting at kung may free time naman ay kailangan ko namang pumirma ng mga papeles dito sa opisina. Promise it is so exhausting. I went home ng 2:30 a.m. and went to office ng 5:00 a.m. Darn! Puyat na puyat ako. Hindi ko pa nakakausap sina mom and dad because of my hectic schedule.
"Ms. Loraine may meeting po tayo with the new client at 3:10 p.m. sa conference room. May 10 minutes pa po bago magsimula ang meeting." Napabuntong hininga na lang ako at tumango sa secretary ko. Ang sakit na ng ulo ko pero pinipilit ko pa rin. I have to work hard to be on the top. Kailangan kong maungusan ang mga Buenaventura kahit pa magkandarapa ako sa kakatrabaho. I need a break but my fate pushes me to work and to don't take some break. Saka na lang ako magbabakasyon if we are on the number 1 spot.
Tinignan ko ang wrist watch ko at 3:05 p.m. na. 5 minutes na lang bago magsimula ang meeting. I've been preparing for this day for about 3 days now. Kailangan kong makuha ang loob nila because our new client is a big one. Hindi lang sila basta-bastang kliyente because they are making deals all over the world. Magkakaroon ng great impact sa company namin kung sakali mang magkaroon kami ng deal with this big business tycoon.
Lumakad na ako papunta sa conference room kasama ang secretary ko. Hindi pa ako nakakapaglunch pero okay lang. Pumasok na ako sa conference room at umupo sa may pinakaunang upuan. Hinihintay na lamang namin ang client. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo pero di ko ito pinansin dahil any moment ay dadating na ang kliyente namin.
"Sorry for being late" Napatingin kami lahat sa may pinto ng may magsalita. Isa itong lalaki na mukhang mas matanda sa akin ng 2-3 years. Matangkad rin siya at nagtataglay ng mapupungay na itim na mga mata. In short, gwapo siya.
Tumayo ako sa gitna at inayos na ang projector. Kumpleto na ang lahat kung kaya't napagpasyahan ko ng magsimula.
Nasa kaligitnaan na ako ng presentation ng muli na naman akong makaramdam ng pagkahilo. I just continue the presentation at hindi pinansin ang pagkahilo. Hilong-hilo na ako pero pinagpapatuloy ko pa rin ang presentation.
Natigil ako sa pagsasalita at pinakiramdaman ko ang sarili ko. Naririnig ko pa ang nag-aalalang boses ng mga tao sa loob ng conference room pero bigla na lang nandilim ang paningin ko at naramdaman ko na lang ang malamig na sahig sa aking likuran bago ako mawalan ng malay.
I open my eyes and all I can see is a room that is full of a color white paint. I am not dumb to not know this place. Hospital. Nasa ospital ako ngayon. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuoan ng kwarto at nakita ko sina mom and dad na nakaupo sa may sofa. Napansin naman ni mommy na gising na ako that's why she came near me.
"Thanks God, you're awake." Mom said. Niyakap ako ni mommy and I can see na talaga namang nag-aalala siya. Lumapit na rin si daddy sa amin at tumabi kay mommy.
"You shouldn't stress yourself that much, kumain ka naman ng lunch. Huwag na huwag kang magpapalipas ng gutom. Yung ilalim ng mata mo sobrang itim na. Sweetie, I understand na workaholic ka pero you should know how to take care of yourself." Pangaral sa akin ni mommy. Tumango naman ako kay mommy at nagsorry. Alam ko namang over the limit na yung ginagawa ko. Masyado na akong abusado sa sarili, na kahit kumain lang ng tanghalian ay di ko pa magawa.
Napalingon kami sa may pintuan ng bumukas iyon. I didn't expect na bibisita ito sa akin. Lumapit ito sa kamang hinihigaan ko at ipinatong ang mga prutas na dala nito sa lamesang katabi lamang ng aking kama.
"Good afternoon Ms. Forteza. Nahimatay ka kanina habang nagpepresent ka that's why I decided to visit you here LOR." Nanlaki ang mata ko ng marealize ko kung anong tinawag niya sa akin. He even emphasize the nickname he called me. He called me Lor at isang tao lang ang alam kong tumatawag sa akin ng ganoon. Una, nagulat ako dahil bumisita siya dito hindi ko naman siya friend or somewhat he's just my client at Pangalawa, mas lalo akong nagulat sa tinawag niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ms. CEO
Roman d'amourA work of fiction : ) (Gonna write better description after writing the whole story)