Prologue

2 2 0
                                    

"Kuya!"halos maputol na ang ugat ko sa leeg dahil sa kasisigaw.

"Tama na please!ako na lang!ako na lang ang saktan mo"bumaling ang lalaking matanda na may kalakihan ang katawan.Halos pigil ang hininga ko ng unti-unti syang humakbang papunta saakin.Napaatras ako sa matinding takot.Nang lilisik ang kaliwa nitong mata,habang kanan nyang mata ay natatakpang ng tela na may bahid ng dugo.

"Huwag kang mag-alala matatapos nadin ang paghihirap nyo.Lalo ka na!"napatingin ako sa dereksyon ni kuya.Halos mang lumo ako sa itsura nya.Nababalutan ang mukha nya ng sariling dugo at may nakatarak na kutsilyo sa hita nya.

"Ano bang nagawa namin sayo?!"pinilit kong patatagin ang loob ko.Kailangan kong maging matapang.Para sa bunso kong kapatid na si Hope at kay kuya.

"Nagawa?!kayo wala.Pero ang p*utanging tatay nyo meron!"halos  manggigil na sya sakin.Kinuha nya ang kutsilyo na nakalapag sa mesa at ginilitan nya ang pisngi ko.

"Ahhh!tama na!"nag-sisigaw ako dahil sa sakit.Napatingin ako kay kuya at bakas sa mukha nya ang matinding pag-aalala.

"Mamamatay tao ang tatay nyo!."galit na sigaw nya saamin.Hindi totoo yun hindi mamamatay tao ang daddy ko.Kilala ko sya.Di nya kayang pumatay ng inosenteng tao.

"Hindi mamamatay tao ang daddy ko!nagsisinungaling ka lang"pigil ang iyak ko.

Bigla naman syang tumawa.Halos magsitayuan ang balahibo ko sa katawan.Nakakapangilabot.

"Kawawang bata.Namuhay na di man lang alam,kung anong klase nga ba ang ama nila!"napailing-iling ito.Tumalikod sya at humarap sa lumang aparador.Kinuha ko ang kutsilyo na nasa paanan ko at ng mahawakan ko ito,unti-unti kong kinikiskis ang kutsilyo sa lubid na naka tali sa kamay ko.

"Pinatay ng tatay nyo ang ang nag-iisa kong anak.Ngayon gusto kong maramdaman din nya kong pano mawalan!"may tumulong luha sa mata nya.Habang pinapasadahan ang litrato ng anak nyang lalaki.Habang abala sya,patuloy ko pa ding inaalis ang tali.At ng maalis ko ito.Mahigpit ang hawak ko sa kutsilyo.

"Kong ano man ang nagawa ng daddy namin,alam kong di nya ginusto yun"si kuya na ang nagsalita.Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni kuya.Awang-awa ako sa kanya.

"Hindi ginusto?Mga hangal!hindi nyo alam kong pano ang mag-isa at maiwan.Tama lang na mamatay kayo!,maipaghiganti ko man lang ang anak ko!"hinarap nya ang kuya ko.Mahigpit ang hawak ko sa kutsilyo.Nang sasaksakin na ng lalaki si kuya naunahan ko na ito.Itinarak ko ang hawak kong kutsilyo sa likod nya.

Nangiginig ang mga kamay kong pinuntahan si kuya at tinulungan syang makatayo.

"Kailangan na nating makaalis dito"nangangatod ang tuhod kong binuksan ang pinto at dali-daling inalalayan si kuya pababa ng hagdan.

Mabilis ang lakad na ginawa namin.Takot na maabutan ng lalaking nababaliw na.Baliw sya dahil sa pinagkakagawa nya.

"Kuya natatakot ako"

"Star,listen, you have to be brave right now okay.Makakaalis tayo ng ligtas dito"napangiti ako.Alam kong natatakot din si kuya sa maaaring mangyari,pero tinatatagan nya ang loob nya,para sakin.

Nakahinga ako ng maluwag ng nasa tapat na kami ng gate.

"Ahhhh"umawang ang bibig ko ng biglang natumba si kuya

"Kuya!"iyak lang ako ng iyak.Halos manghina na sya.May kutsilyong nakasaksak sa tagiliran nya.Pagtingin ko sa likuran.Nakita ko ang lalaki at may hawak ng itak.At nakangiti ito napara bang nagtagumpay sya.

Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shhh! He's ComingWhere stories live. Discover now