"Uy guys wala pa ba kayo balak umuwi mag a-ala una na oh." Nag aalalang sabi niya
"Ano ka ba Denise wag ka mag alala iuuwi ka naman naming safe dont worry" paninigurado ko.
"At tsaka wag kang KJ aalis na ako bukas makalawa di mo man lang ba ako mamimiss?" Pag aarte ko.
"Mamimiss kita sobra" pambabawi niya.
Ngumiti ako sa kanya at nagdrive na ulit balak ko sila dalhin sa Makati para sa last memory.
"Teka saan mo ba kami dadalhin ha? Baka kung ano gawin mo sa amin ha? Nako ikaw Howie sinasabihan kita kung ano balak mo sa amin itigil mo yan"
"HAHAHAH ano ba dadalhin ko lang kayo sa Ayala Triangle Gardens" sabi ko
Bigla sila natahimik kaya nagfocus na ako sa pagdrive pero bigla ko naliko yung manubela dahil sa sigawan nila.
"Ano ba! Gusto niyo ba mamatay ha?! Sabihin niyo lang att ibubunggo ko to doon sa puno." Inis na sabi ko
"Howiieee!!! Huhu salamatt omg na eexcite na akooo"
Hinayaan ko nalang sila ma excite sa likod at nagdrive na ako.
Nang marating namin ang Ayala nag unahan magsibabaan ang dalawang babae naiwan si Chloe.
Humarap siya sa akin at biglang nagsalita.
"Mamimiss kita sobra Howie hindi ka na ba talaga namin mapipigilan? Pwede ka namang mag unwind dito eh kasama kami."
Naluluha na siya kaya bigla na rin nagtubig ang mga mata ko.
"Sorry chloe pero kasi mas binabangungot lang ako dito babalik naman ako dito eh."
"Kailan Howie?! Kung kailan ba na wala ka na? Akala mo ba di ko alam na balak mo pumunta sa Switzerland para magsuicide! Akala mo di ko alam!" Sigaw niya sa akin
Marinig iyon mula sa kanya bumuhos na ang luhang nakaraan ko pa kinikimkim.
"Ano ba naman Howie?! Idadahilan mo sa amin para mag unwind? Unwind nga ba ha?! Sila Denise walang ka alam alam sa gagawin mo. Howie hindi ko kaya na pati ikaw mawawala na rin sa akin. Please Howie"
Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan kamay ko.
"Howie please stay wag mo gawin yun please nandito kami oh." Pagmamakaawa niya
Naiyak ako at lumevel sa kanya at niyakap siya.
"Sorry Chloe mahal na mahal ko kayo sobra. Pero kasi ang nangyari sa mahal ko? Hindi ko mapapatawad sarili ko. Kinikimkim ko lahat ng sakit Chloe pero di talaga eh. Kahit anong kimkim at tanggap ko na wala na siya hindi matanggap ng utak ko. Kaya i enjoy nalang natin tong last roadtrip natin i-kwento mo ko sa magiging anak mo ha na may tita siyang binabantayan siya mula sa heaven."
Napahagulgol ng iyak si Chloe.
"Ano ba howie. Wag please wag." Pag susumano niya.
"Mahal na mahal ko kayo at masaya ako na pumasok kayo sa buhay ko at naging parte kayo maraming sa lahat Chloe. Sabihin mo na sa kanila kapag umalis na ako. Maraming salamat." Nakangiti kong sabi
"Howie"
"Sshh tara na wag ka na umiyak i eenjoy na natin tong huli kong sandali atleast bago ako lumisan sa mundong ito kayo huli ko nakasama" nakangiti ko ulit na sabi
Tumayo na kami at lumapit kila Denise nagtaka pa sila bat natagalan kami at bakit mugto mata namin pero sabi namin ay nagbubugbugan lang kami.
Inenjoy na namin yung huli naming pagkikita at niyakap ko sila at sinabing mamimiss ko at mahal na mahal ko sila.
Nagpasalamat ako sa kanila sa pagsama sa aking huling Roadtrip na kasama sila.
-THE END-