Chapter 3

16 7 1
                                    

#UTRChapter3

**

Good day! I'm Callista Xenon and I'm going to be your personal campus tour guide. May I know when will you be available? Thank you!

Binasa ko yung cinompose kong text para isend sa pamangkin ni Vice Chancellor.

Parang masyadong formal?

Pero kasi pamangkin siya ng school head eh...

Mismo, pamangkin lang. Di naman sya yung Vice Chancellor. Parang tangang katwiran ko din sa sarili ko.

*delete delete*

Hi, I'm Calli! Ako yung magiging tour guide mo. Kailan ka pwede? 🙂

Parang too friendly? Baka isipin nya feeling close ako.

Ihhh hayaan na nga. Malay mo maging close talaga kami? Pamangkin pa naman sya ni Vice Chancellor Punzalan. Baka kapag may kailangan ako sa future pwede ko syang mapakiusapan.

Grabe, parang ang user ko naman pakinggan non.

*Send*

"Callista, right?" napaangat ang tingin ko mula sa cellphone.

Tumango ako sa babaeng kaharap ko. S'ya ung kaklase kong mabilis magsagot sa move exam namin kahapon.

Nasa classroom kasi ako ngayon. Wala pa yung prof namin, madalas talaga pumapasok yon ng 20 minutes after time. Ayaw nya daw kasing nakakakita ng studyanteng late, kaya s'ya na lang daw yung nagpapahuling pumasok. Hindi ko alam kung anong logic non.

"Ah, oo. May kailangan ka ba?"

"Martine" bored na sabi nito.

Nilahad ko yung kamay ko, pero tinignan nya lang iyon. O-kay. Nginitian ko na lang sya.

"Sabi ni Prof. Mendioro sayo ko daw kunin yung syllabus sa Bio 170?"

Bio 170? Nagaadvance din ba s'ya kagaya ko?

Next year pa kasi kami required na itake yung subject na yon. Pero balak ko na s'yang kunin next sem. Gusto ko na mabawasan yung load ko sa 4th year.

Lately kasi naiisip ko yung first love ko. Yung dahilan talaga kung bakit bs bio yung kinuha kong course ngayon. Matagal ko nang kinalimutan yung pangarap kong yon dahil alam ko naman na imposible sa hirap ng buhay. Pero baka lang pwede? Baka kayanin? Gusto ko lang subukan...

May balak akong pumasok sa med school after ko makuha yung undergrad degree ko. At magiging posible lang 'yon, kung magwoworking student ako. Kailangan kong makapag-ipon. Kaya as much as possible, kukuhanin ko na lahat ng mahihirap na subjects next sem.

Alam ko hindi ko maiipon sa isang taon lang ang tuition para sa medical school. But it's a start, right? All I need is something I can start my dreams with.

Hindi ko pa sinasabi kay mama yung balak ko. Hindi ko alam, natatakot lang ako na marinig yung opinyon nya...

Siguro kasi at the back of my mind, alam ko na suntok sa buwan yung pag-abot ko sa pangarap kong maging doktor. May mga kapatid pa kong dapat tulungan at pag-aralin. At pakiramdam ko, kapag nakausap ko si mama? Tuluyan nakong magigising sa realidad. Na ang pangarap madalas para lang sa mga may kaya sa buhay. Na minsan kahit ano pang pagsisipag ang gawin mo, hindi mo pa rin makukuha kung ano talaga yung gusto mo. Kasi kapag pinilit mo, sarili mo lang yung iniisip mo. Paano yung iba? Paano yung mga umaasa sa'yo?

Ayoko pang magising. Hindi pa ko handang magising sa realidad. Hahayaan ko muna yung sarili kong mangarap.

Napabalik ang atensyon ko sa babae sa harap ko ng tinawag nya ulit ang pangalan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under The RainWhere stories live. Discover now