Entry #1

9 3 0
                                    

Kitkat,

         Ganito pala pakiramdam ng may crush? Mag-iisang taon na tayong magkaklase bat ngayon ko lang to naramdaman sayo?

                                              - C2 =)

May crush ako. Oh bakit? Babae lang ba dapat umamin na may nagugustuhan sila? Basta lalaki ako at may crush ako, tapos. Bakit ngayon ko lang nasabing may gusto pala ako sa kanya? Ganito kase yan...

"Hoy C2! Tangina mo, bat ngayon ka lang? Alam mong report natin ngayon!!!" - Kitkat

See? Isa lang naman syang balahurang babae.

"Bat ka nag mumura ang aga aga. Ang traffic kaya samin. Nasira yong kabilang daan, may gulo naman sa eskinita na pang shortcut"

"Eh ano naman ngayon? Dapat madaling araw kang bumyahe, halika na nga dito!"

Isa lang naman syang 4Ms'. Hindi yong Matandang Mayaman Madaling Mamatay. I mean

Maingay

Magulo

Makulit at

Ma.. Mag.. Maga.. Magan.. Joke!

Manggigiba ng araw mo. Madaming alam na kalokohan sa buhay, kaya 'di ko lubos maisip kung bakit ako nagkagusto sa babaeng 'yon.

Ako na yata ang pinakamalas sa buong mundo. Nagkagusto ako sa magulong babae.

Goodluck sa buhay ko!

Untold LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon