Kitkat,
Nag research ako tungkol sa maingay na gusali at Hahahahaha. Ganito na ba talaga ako ka inosente? Sinabi ni manong Kres yong driver namin, kung ano raw yong maaaring trabaho mo dun. Hindi naman na ako magugulat, ang galing mo naman kasing sumayaw. Talented kana ang ganda mo pa. See? Na a-appreciate na kita. Inlove na yata talaga ako sayo.
- C2 =)
"Hoy C2! Wag ka magpapa late bukas hah? First practice natin yun, tandaan mo." - kitkat
Next week na nga pala JS Prom namin. May presentation number kami syempre seniors and since yong pairing ay alphabetical, partner kami =)
"Sus, nagsalita ang laging late!" Ako
"Che! Dyan kana nga uuwi nako, bye!" Kitkat
Malapit na sya sa pintuan ng classroom ng bigla ko syang tinawag
"Oh, ano na naman--" sya
I winked at her.
Hindi ko naman alam na lilingun nga sya kaya sa pagkataranta ko kung ano nga ba ang sasabihin sa kanya kinindatan ko na lang sya.
Nakalimutan kong may iilan ilan pa pala kaming mga classmate na naiwan dito kaya nagulat ako sa biglang ugong ng kantyawan.
"Uy si kitkat nag blush!"
"Yiiiieeeeeee"Ilan lang yan sa mga narinig kong salita ng mga classmate namin na pumailanlang sa ugong ng kantyawan
"Ewan ko nga sa inyo dyan, byeeeeee!" Kitkat
Nag dirty finger pa ito bago tuluyang lumabas ng classroom.
Napailing na lang ako at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Untold Letters
Teen FictionKung bibigyan ka ng dalawang buwan para gawin ang mga bagay na gusto mo kasama ang crush mo, anong unang gagawin mo? Nalilito ka ba sa dami mong naiisip? If you can't say it, write it.