🌸Learn to let those people go na pakiramdam mo sasaktan ka, sinsaktan ka at sinaktan na
When I say "sinaktan" pwedeng in physical maaari ring emotional. Maaaring jowa, kamag anakan, kaibigan o pamilya.
Alin ang mas masakit? Yung pasa at sugat na nakikita ng mga mata o yung sugat na tanging ikaw lang ang nakakaramdam at nakakakita?
Maraming dahilan kung bakit hinahayaan natin ang mga taong ganito na saktan tayo.
Pwedeng Mahal mo. Naaawa ka. Nirerespeto mo.
Ang tanong ko, mahal ka ba?Naaawa ba sila sayo?Nirerespeto ka ba nila?
Kapag ang sagot mo sa mga tanong na ito ay HINDI maging masaya ka.
Ibig sabihin natauhan ka. Nabagok o nauntog na ang ulo at narealize mo na I DESERVE BETTER THAN THIS.
Remember, hindi mali ang piliin ang sarili. Hindi mali ang piliin ang kaligayahan mo. Hindi mali and pahalagahan ang sarili mo.
Saktan ka man ng mga taong nakapaligid sayo, may iisang 'ikaw' na laging kakampi mo.
YOU ARE READING
Sarili Muna
RandomA motivational flashes of ideas I wanted to share so you could love your self more. Many of our young generations now are 'less' loving their self anymore. Yung tipong naghahanap ng validation sa ibang tao para maging masaya. I want you to know tha...