4- Let's do it Again

5 0 0
                                    


"Masusuka na ako, dahan dahan, boy!" Sigaw ko dahil sa pagmamaneho ni Jerick. Hayop na ito, atat na atat ba naman kasing makahabol sa promo ng bar, hinarurot itong sasakyan ko!

"Tara na mga ulupong!" Patakbo niyang sabi pag ka park. Inayos ko ang damit na gusot dahil nag seatbelt ako, hayop talaga.

Hindi ko na siya pahahawakin sa manibela, ilang beating the red light din iyon!

I wipe my sweat, fuck it, pawis na pawis ako. He's too excited about this promo. Dahil buy one tower and a bucket of beer, free ang second tower.

Plus, dumayo pa kami. Ubos nanaman ang gas ko. But whatever, siya naman ang may ambag sa lahat.

"Sayang, wala si Seth!" Puna niya at tinuro ang tatlong bar na magkakatabi. "Kita mo iyan, diyan ako umiinom noong highschool."

I cam see that he's like a celebrity here. Binabati siya ng mga bartender at ibang umiinom. Not bad, huh, maganda ang vibes dah tabi lang ng kalsada ang mga bar at malawak ang sakop.

"Hindi pa nga ito ang paborito ko, e! Mamaya dadalhin kitang Melos!" Akbay sa akin ni Jerick. Andito kasi kami sa D'Mamshie something.

"Dito ako lumaki, bro. Ayos diba? Affordable, madaming chics, mostly nga lang highschool pero damn, son! Madaming magaganda sa La Salle, lalo na diyan sa HSI!"

Ah, I noticed. Madaming naka uniform pa from La Salle Dasma. And some are medical students from HSI. This is how they party? Rektahan? Wow, iba talaga ang kabitenyo.

"Iyong promo ha!" Sabi ni Jerick. He got us a good table with the whole view of the bars. Malakas din ang music at katabi lang ang mga nagbebenta ng sigarilyo.

I put one between my lips at saka humigop ng hangin. The familiar sensation of nicotine never fails to wake me up! Dahil din sa stress kaya napapayosi ako, hindi araw araw.

We start drinking our beer. Some ladies are looking our way and Jerick whispers to me.

"Malamang, ikaw ang tinitignan."

"Humble mo naman." Asar ko sakanya. "Sa iyo gwapong gwapo oh!"

"Gagu! Ano, kung i-score ka, aba sabihan mo ako ha? Baka mamaya magulat nalang ako naki pag one night stand ka nanaman tapos baka pangalan ko naman ngayon ang gamitin mo---"

"Gago! Tarantado ka!" Hampas ko sakanya, hindi niya talaga matikom ang bibig niya. He laugh out loud at para akong kinakain sa hiya. "That was one time! Hindi na mauulit iyon!"

"Talaga, bro?" Asar pa niya.

"Oo, inamo, manahimik ka na."

Inubos ko kaagad ang alak ko sa baso at saka nagsalin. Now that Jerick mentioned it, inisip ko nanaman si Sophie.

Kaya lang naman ako pumayag na dumayo, to see if she's here! Damn it. I really need to talk to her. Nag aalala rin naman kasi ako. What if she's pregnant?

Hindi ko naman siya hahayaan, I want a family on my own. At kasalanan ko iyon dahil....I came inside her! Responsibilidad ko siya, sila, kapag nagkataon.

"Lalim iniisip ah, hindi pwedeng masisid?"

"Puta ka talaga, Jerick." Tawa ko dahil tinatamaan na kaagad ako after drinking four Stallion bottles. Wala naman kasi akong dinner. "Saan ang pulutan?"

"Boss, sisig nga, tsaka tokwa't baboy." Paalala ni Jerick doon sa kakilala niya. "Huwag mo kalimutan promo ko ah!"

I take the fifth shot of Wengweng at manhid na sumandal sa kinauupuan ko. It's already nine p.m at ngayong tinatamaan na talaga ako ay sinimulan ko na ding magmasid sa paligid.

SCHNADENFREUDE: Rockstars and RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon