13- Premonitions

1 0 0
                                    


Tahimik akong umupo sa kahoy na sofa dito sa bahay ng grandparents ni Sophie. They're eyeing me intensely, they think I'm going to convince Sophie para alisin si Boris dito.

We just want to visit, nothing more. Pero mukhang ayaw nila at magkakagulo pa.

"Pinakulong mo na nga ang amain mo, tapos iyong bata dadalhin mo."

"Isang araw lang naman." Hindi maitago ni Sophie ang inis sa boses niya.

"Hindi nga pwede! Hindi naman ikaw ang magulang!"

"Asan ba ang magulang niyan?" Singhal niya sa kanyang Lola. "Nakakulong, diba? Ako ang nagpalaki diyan simula baby iyan, hindi kayo."

"Bastos talaga iyang apo mo." Bulong ng Lolo niya at gusto na talaga kaming paalisin but Sophie's tough, she won't back down. Ayaw kasing ipakita sa amin si Boris.

"Saglit lang! Ibabalik din naman namin! Nagkaroon tayo ng usapan, ah?!" There, she's mad. "Na pwede kong bisitahin, oh e bakit ngayon ayaw niyo ipakita?"

"Kalma, baby---"Awat ko but she stands up to face them.

"Ay! Oo nga pala!" She sarcastically claps her hand at galit na tumingin sa grandparents niya. "Hindi niyo ipapakita sa akin iyong kapatid ko kapag walang sustento, ano po?! Ganoon na talaga ang panahon ngayon? Sustento muna bago niyo ipakita sa akin? Wala nga akong trabaho! Estidyante lang din ako!"

"Sumasagot ka, putragis kang bata ka!" Her grandmother is really giving me the witch vibe dahil sa kulot na buhok nito at nunal malapit sa labi. Hindi din welcoming ang aura niya, malayong malayo sa ibang mga Lola na nakikilala ko.

"Gusto niyo kasi ng pera! Puro pera nalang palagi!"

"Umalis ka dito!" Her Lolo shouts to her at humawak na sa tungkod, I immediately stop them. Ayokong may masaktan, gusto lang talaga naming makita si Boris.

"Baby, please, get in the car." Hawak ko sa magkabilang balikat niya para tigilan na din niya ang pagsigaw. Dinuduro din kasi siya ng Lola niya kaya siya inis na pumipiglas.

"Susunod ako, I'll just talk to your grandparents."

When Sophie's finally out, I sit back down again to talk. Alam ko, money is what they want. Typical na iyon, may ganoon talagang mga tao.

"Magkano ho ba ang sustentong hinihingi niyo sa apo ninyo? Sophie is still a student, hindi naman siya working---"

"Tatlong libo. Ipinakulong niya ang anak namin, ama niya iyon. Wala siyang utang na loob. Pinakulong ninyo!" Putol sa akin ng Lola niya.

"Bibigyan ko kayo ng tatlong libo, maipasyal lang namin si Boris today." Mahinahon kong sabi, I make sure Sophie's not here to hear this.

"Hindi niyo pwedeng iuwi ang bata, dito na sa amin titira iyon. Kung gusto niyo ipasyal, mag sustento kayo ng tatlong libo!"

"Okay, that will be our deal. Pero next time, pwede naman ho sigurong hindi na humantong sa masasakit na salitaan----"

Hindi na ako kinibo ng Lola niya at malakas na sumigaw para tawagin si Boris. Nang hindi ito pumunta ay inis siyang umalis at may tinaway mula sa kwarto.

Boris comes out crying but as soon as he sees me ay tumakbo na siya sa akin. Aktong nagsusumbong.

I give them the money, walang kaso sa akin iyon. I just want Sophie and Boris to spend the day peacefully. Maaayos din namin ito, if both sides are willing to cooperate.

Kinarga ko si Boris at hindi na sinayang ang oras. I open the passenger seat door at umiiyak si Sophie but as she looks up, nagmadali siyang lumabas para yakapin ang kapatid.

SCHNADENFREUDE: Rockstars and RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon