"Where's your sister?" Bungad na tanong ni mommy pag kapasok ko ng pintuan.
"School." Sabi ko at hinubad ang sapatos ko.
"Bakit hindi kayo sabay?" Tinaasan niya ako ng kilay. Eto nanaman kami.
"Mom, 18 na kami. We can take care of ourselves. Hindi niya kailangan dumipende saakin." Mahinahon kong tugon.
Ganyan si mommy saamin. Lalo na sa kakambal ko. Ewan ko, is this even fair?
"Maski na Iannah! Alam mo naman diba? Alam mo ang rason. Sana kahit konti mag karoon ka ng pakialam sa kapatid mo. Baka nakakalimutan mong---"
"Bakit kayo ba may pakialam saakin? Napapansin niyo ba ako? Kailangan lahat tayo dito may pakialam sakaniya? Ako nalang ang may care sa sarili ko ibibigay ko pa sa iba? Ganda ng bati mo mommy. Thanks for the dinner ha? Akyat nako." Sarkastiko 'kong tugon at tumayo na.
"Wala kang konsensiya." Sabi ni mommy pero nagpatuloy padin ako sa pag akyat sa hagdan.
Pag pasok ko ng pinto ng kuwarto, naguunahang bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. I respect my parents so much pero parang isang normal na tao lang tingin nila saakin. Na parang hindi nila ako kadugo. Tama ba 'yon? Para namang kasalanan ko lahat yung nangyari years ago. Parang bitbit ko lahat.
Right. I'm the one who achieves a lot. I have tons of medals and certificate. Para saan ba yung mga 'yon? Kasi, even if I'm the top achiever, Iarrah is still the one who gets the recognition by our parents.
Napangiti nalang ako ng mapakla.
Yes, I'm just Iannah Cervantes.
Hindi ako lumabas ng kwarto ko buong araw dahil ayoko muna makasalubong si mommy. Nagtatanong din si Iarrah kung bakit ako nag kakaganito pero hindi ko nalang siya sinagot.
Maaga ako umalis ng bahay para pumasok sa school. Usually bumabangon sila ng 6 am kaya umalis na ako ng bahay around 5:30. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil 8am pa ang klase namin at gusto ko lang naman makaiwas sa mga tao sa bahay. Sarado pa marahil ang school dahil maaga pa.
Wala akong mapuntahan. Si Sophia sana kaso may pasok din siya at magkaiba ang schedule namin dahil hindi na kami pareho ng school. Naisip kong pumunta nalang sa convenience store malapit sa school nalang tumambay.
Nag stay ako dun until I saw our Vice President na halatang papasok na. I looked at my wrist watch pero 7 A.M palang. Ang aga naman niya pumasok. Tumayo na ako at lumabas upang sundan siya.
I was about to call him nung maalala ko yung nangyari nung nakaraan.
I still followed him hanggang makarating kami sa council room. Nagulat siya na makitang kasunod lang niya ako pero hindi siya nag salita at pumasok lang doon. Pumasok nadin ako at lumapit sa table ko. Okay na 'to. Atleast andito na ako sa loob ng room.
"Nag breakfast kana?" Tanong ni Axel.
Nagulat ako sa biglang pagkausap niya saakin pero right, professional.
"I had a coffee." Sagot ko lang at binalik yung tingin ko sa notebook ko. Wala naman talaga akong binabasa, wala lang akong magawa kaya tinitignan ko sulat ko. Weird right?
"Tara sa canteen." Aya niya at lumabas na ng pinto.
Eh?
Sumunod nalang din ako sakaniya at sumabay sa pag lalakad niya. We talked about the upcoming events. Lahat ng related sa trabaho namin bilang ssg officer.
Umorder siya at inorderan din niya ako ng toast bread kahit sabi ko huwag na. Inaya daw niya ako kaya dapat sagot niya. Napatingin naman ako ng matagal sakaniya. We are not this close enough para ayain niya ako ng breakfast.
YOU ARE READING
INEFFABLE: Lost And Found
Teen FictionIneffable; adj. - Too great to express in words. Iannah Cervantes. A type of girl that is strong and independent. Perfection. Lahat ng gawin niya, wala kang mahuhusga. Mataray at matapang. She claimed it. She's confident and always on top...