Chapter 7

134 4 0
                                    

Lux

Pagkatapos ng mahaba at nakakapamulang pisnging gitgitan, nagtuloy kaking lahat sa backstage.

Umupo kami sa  may couch na nanduon, magkatabi kami in Shine, habang ang mga boys naman  ay nasa kabilang panig.

Di lang kami ang nanduon, dahil nanduon din ang ilang banda ng ibat ibang school, at syempre ang sikat na bandang Rubberband ng school na St. Morris.

Nagpapractise silang lahat samantalang kami ay nakaupo lang sa may couch.

Ang sabi kasi ni Shine na wag na raw kaming magpractise dahil nagpractise naman na daw kami bago pa kami nagpunta dito, mas mainam daw na nasa kundisyon ang aming katawan at complete ang aming energy.

Kung gaano kahaba ang pag eexplaine ni Shine, ganon din kahaba ang pagtitig ko kay Faust, at ganuon din ang haba ng di paglingon o pagsulyap manlang sa akin ni Faust.

Di ko alam kung ano ba ang iniisip nya, basta nakaupo lang sya sa couch nakataas ang ulo na nakasandal sa couch na nakapikit, at nakataas din ang sulok ng kanyang labi,di ko lang alam kung naaalala nya ba yung nangyari sa amin kanina o alam nyang nakatingin ako sa kanya, medyo nadistract lang ako ng may biglang nagsalita.

"Varsity".

"Frank !".ani Faust.

"Goodluck sa inyo tol." sabi nung Frank.

Lahat kami napatingin sa nagsalita, at lahat din kami ay tumayo at si Faust naman ay nakipagshake hand.

"Frank , salamat pare". ani Faust, pagkatapos abutin ang kamay into.

Pinakilala kaming lahat dito , syempre sino ba naman ang di nakakakilala dito, sya lang naman ang vocalist ng bandang Rubber band.

Kababata daw nito sila Faust at Shine, sa parehong village lang daw sila dati nakatira, lumipat lang daw ang family nila Frank sa ibang subdivision dahil na rin sa trabaho ng ama into.

Lahat din kami ay nakipagshake hand sa kanya, pero di ko maintindihan kung bakit sa akin lang yata tumagal ang pakikipagshakehand into, kase hanggang ngayon hawak pa rin nito ang kamay ko.

Di ko rin mabasa kung ano ang iniisip nito, dahil habang nakatingin sya sa akin nakataas din ang sulok ng kanyang labi di ko mabasa ang kilos nya.

Frank wear blue T-shirt na pinatungan ng white coat, kung nasa girl mode ako ngayon baka kiligin na ako sa ginagawa nya ngayon pero kailangan kung pigilan ito dahil nasa guy mode ako, at saka nasa harapan na rin namin si Faust, kahit di nya alam na ako ang future wife nito ayoko paring maramdaman ito dahil feeling ko pinagtataksilan ko sya.

Kung si Frank ay bumagay sa kanya ang simpleng suot, kami naman ay talagang simple lang na t-shirt na may print lang sa harap na bold letter na Varsity, simple lang di ba?.

Di ko na alam kung gaano na katagal kaming magkahawak kamay ni Frank, lahat din ng mga kasamahan ko sa kamay namin nakatingin, at lalo na si Faust dahil nakakunot na ang noo nito at ang sama na din ang tingin nya sa kamay namin.

"Ehem."ani Faust, lahat ng atensyo na nasa kamay namin kanina, ngayon, lahat ay nakay Faust na,"Baka ngawit na kayo tol?." sabay hawak sa kamay namin at sya na din mismo ang nag alis sa pagkakahawak ni Frank sa kamay ko, oo hawak nya dahil kanina ng aalisin ko na dapat ay mas lalo nya lang hinigpitan ang pagkakahawak dito.

"Sorry na carried away lang ako,ang cute kase ng kasama nyo, alam nyo na mahilig kase ako sa mga cute, anyway good luck sa inyo and specially too you". ani Frank sabay pindot sa aking ilong, sa reaksyon ni Faust halatang nagulat ito sa ginawa ni Frank, kung nagulat ito ano pa kaya ako, anong karapatan nitong hawakan ang ilong ko, kung di ko lang napigil ang sarili ko nasuntok ko na itong mahangin naito, pasalamat ka at ayoko makakuha ng atensyon ng iba baka magkagulo lang.

Nakipag shake hand ulit ito kay Faust at sa iba pa, pero ng sa akin na ay si Faust pa rin ang sumalo ng kamay nito na para sa akin, nawwierduhan man si Frank sa naging kilos ni Faust ay nagkibit balikat na lang ito at nginitian lang naman sya ni Faust, pagkatapos ng shake hand ay nagpaalam na rin ito.

At kami naman ay nagsipagbalikan na sa aming dating puwesto, at pati ang pagtitig ko kay Faust ay ibinalik ko din.

At alam ko din na nawwierduhan na rin ang mga kasamahan namin sa amin ni Faust ngayon, dahil palipat lipat ang tingin nila sa amin ni Faust, pero kahit isa man sa kanila ay walang nagsasalita,nakikiramdam lang tulad ni Shine na nasa aking tabi.

Ewan ko ba kung bakit di ko sya malapitan, gusto ko lang namang magsorry at kamustahin ang lagay nya, pero nagdadalawang isip ako dahil pagtinitingnan ko sya nagiging abnormal ang tibok ng puso ko at naaalala ko yung kiss.

Pero ng napagdisisyonan ko ng lapitan sya, saka naman kami tinawag para mag perform ,double na tuloy ang kaba sa dibdib ko lalo na ng nakapanik na kami sa stage.

"Okay Varsity, good luck".pahabol ni Shine.

The heart throb drummer is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon