"Mom, p-please don't leave me!" hagulgol ng isang batang babae, begging for her Mom to not leave her.
"I-I'm sorry hija, I don't w-want to l-leave you but I need to. B-babalikan kita, anak." naluluhang sambit ng ina
"Why Mommy? Why?" obliviously asked the child
"I n-need to do this, anak. You won't understand r-right now, but soon y-you will. I love you."
"M-Mom! Mommy!"
Napabalikwas ako mula sa pagkakahimbing ng may naramdaman akong marahan na yumuyugyog sa aking katawan habang tinatawag ang pangalan ko.
"Trin, wake up! Trin!" I slowly open my eyes to know who keeps on calling my name. Nararamdaman ko ang pagkirot ng ulo ko.
Unang bumungad sa akin ang presensya ni Dria sa tabi ng aking higaan habang pinagmamasdan ako ng may alala sa kanyang mga mata.
"Are you having a weird dream again?" she asked samantala ay napatulala naman ako sa kawalan.
Naupo siya sa aking gilid at tinitigan ako.
"N-no! I'm fine." sambit ko ng mahagilap ang boses para magsalita.
"Really?" she said sarcastically, tila tinatantya kung dapat ba niyang paniwalaan ang naging sagot ko. I'm certain that she's not gonna buy it.
"I said I'm fine, Dria." pangungumbinsi ko, baka sakaling gumana.
"Okay." she simply said while her eyes were still on me- convinced that I just told her a lie. I knew it.
"I'll just... take a bath." still observing me while walking towards the bathroom, then closes it.
This isn't the first time that I had a weird dream, may iilang pagkakataon na rin na nangyari ito. I once told Dria about the other weird dreams that I had, maybe the reason why she didn't believe when I denied it.
Nilibot ko ang aking paningin sa silid kung nasaan ako. The room is clean and elegant, with its minimal decorations and furniture that matches its theme. Wall frames, some plants to make the room looks alive, twin bed- wherein maybe Dria's, and the other one is mine. We must be in a hotel.
Tumayo ako at nagtungo sa balkonahe ng silid, hinawi ko ang mga kurtina at agad kong natanaw ang unti-unting pagsikat ng araw mula sa kalangitan. Natanaw ko rin sa malayong gilid ang malinaw na kulay asul na tubigdagat at ang pino at puting buhangin nito.
Nanatili akong nakasilay sa tanawin hanggang tuluyan nang nagliwanag ang paligid. Lumipas ang humigit-kumulang tatlumpong minuto ay bumukas ang pinto ng banyo at iniluwal nito si Dria. Agad naman itong dumiretso sa kinaroroonan ko.
"Mag-ayos ka na rin, we'll have our breakfast on the hotel's restaurant later pagkatapos mo. And maybe we could ask for some meds for your hangover." mahabang litanya niya.
Hangover? Shit. Ganon ba kadami nainom ko? Did I pass out? What about Gio? My gosh. Ngunit bago ko tuluyang maproseso ang mga iniisip ko ay agaran ang pagdugtong niya.
"-and oh, I'm glad you're safe. Buti nalang you were saved kagabi."
Saved? From what? What the hell just happened? Shit. I can't remember. Side effect ba ito ng hangover? O hindi lang talaga maproseso ng utak ko. Pagkalito ang mababakas sa aking mukha. Nagtataka naman akong tiningnan ni Dria at natantong wala akong maalala.
"You don't remember?!" she said hysterically
"My gosh Trin! How can you not?! I was so worried sayo kagabi because y-you fell in the middle of the freaking s-sea! You almost got d-d-drowned!" mangiyak-ngiyak na sambit niya na tila sumabog sa pinipigilang emosyon.