One: Meet up
"You know what, Din? Ayaw ko pang pumasok bukas. Tinatamad pa ko. I just want to go to the mall. Watching movie, buying cute clothes and especially boy hunting. Hihi." Nadine rolled her eyes. Kahit busy siya sa pagtatype ng schedule niya sa may laptop rinig na rinig niya ang sinasabi ng kakambal.
"You dont need to go to school if you don't want to. You're just wasting your time and effort." Walang ka emosyon emosyong sabi niya.
"Hmp. Mean mo. Gusto ko lang ishare ang nasa isip ko. You know we're twins."
"Alam mo namang wala akong hilig sa mga gusto mo."
"I know pero hindi nga Din? Hindi ka nagsasawa sa buhay mo?" Sinamaan niya ito ng tingin. Madalas itong itanong sa kanya ni Kath.
Hindi na lang niya sinagot. Inayos niya ang kanyang salamin sa mata at nagfocus na ulit sa tinatype.
Lumapit si Kath sa kanya. Nabigla siya ng kunin nito ang salamin niya.
"Hindi ka rin ba nagsasawa sa salaming to? Mukhang kapanahunan pa ito ni Lapu-Lapu at Magellan." Napangiwi si Kath habang pinagmamasdan ang napaka laki at sagradong salamin ng kapatid.
"Akin na nga yan. Napaka dami mong reklamo. Ako naman ang nagsusuot at hindi ikaw." Sinuot ulit ni Nadine ang salamin at nagfocus ulit sa ginagawa.
"Fine, nag-aalala lang naman ako sayo. Bakit hindi mo ienjoy ang life?" Sumalampak ng higa sa kama si Kathryn.
"I'm enjoying it."
"Psh. Kailan pa naging enjoy ang magbasa ng magbasa ng libro. Okay lang sana magbasa ang kaso dyan na lang ata sa mga libro mauubos ang buhay mo. Kaya ka rin siguro nagkakroon ng pimples dahil sa kabusyhan mo sa libro. Nakakalimutan mo na sarili mo." Napairap na lang si Nadine. Hindi na siya tinigilan ng makulit na babaeng ito.
"Pwede ba, Kath. Leave me alone kung yan ng yan na lang ang sasabihin mo. "
"Fine. Ano ba yang tinatype mo?" Iniba na lang ni Kath ang topic. Hindi niya mapaliwanagan ang isip ng kakambal niyang pinakasalan na ata ang mga libro dahil hindi nito maiwan iwan.
"My schedule."
"Wag mo na kaya gawin yan. Tara sa mall, libre ko. Pero ako pipili ng mga damit na bibilhin." Bumangon siya at excited na tumingin sa kakambal. Pinasigla niya pa ang boses, baka sakaling pumayag ito at magkahimala.
Tumaas lang naman ang kilay ni Nadine.
"No thanks. Madami pa kong damit. Ibili mo na lang ako ng libro." Napangiwi si Kath. Bagsak ang balikat na humiga ulit. Na isip niya na lang. Wala talagang himala. Suko na siya. Suko na siya para sa araw na ito.
.
.
.
.
"Hey, Bro. Kamusta? Balita ko your family is staying for good here in the Philippines." Bungad ni James sa pinsang nag giguitara.
"Yeah. And I will study on our school kung saan ka napasok." Nginitian ni Daniel ang pinsang si James.
"That's great but please wag kang gagawa ng kalokohan." Banta ni James. Siya kasi ang president ng Student Council.
"Hahaha. I can't promise. Kilala mo ko."
"Well, good luck hindi ko palalampasin ang mga kalokohan mo. Lagot ka sakin." Nagtawanan na lamang sila.
Napangiti na lang si Daniel pagkatapos. Nag iisip ng mga kalokohan na pwede niyang gawin. Para sa kanya boring kapag hindi siya nam bubully.
BINABASA MO ANG
Twin Sisters(Jadine and Kathniel)
Teen FictionNadine and Kathryn Annenberg. They are twins. Opposite sa pananamit, ugali, at iba pang bagay. Pero nagkakasundo sila. They are bestfriends. Walang inililihim sa isat-isa. And Just in one day nabago ang buhay nila dahil sa dalawang lalaking papasok...