Two: The Trouble

224 7 0
                                    

Two: The Trouble

Nadine

"Let's start." Pinagsalikop niya ang dalawang kamay niyang nakapatong sa mesa.

Palihim akong umirap. Kanina pa kaya kami nag-iistart. Inayos ko ang salamin ko sa mata at inayos ang pag-upo ko.

"*ehem* Unahin natin ang kasalanan mo sakin last school year." Napa angat ata ako sa upuan dahil sa mga sinabi niya.

"Kasalanan?" Hindi makapaniwalang  sabi ko.

Tumango muna siya bago magsalita muli. "We don't have our secretary and treasure in student council. And it is your FAULT!" Napatayo ako dahil sa pambibintang niya. Ako, ako talaga ang sinisisi niya! Bakit kaya hindi niya sisihin ang sarili niya!?

"Excuse me lang! Why me?!" Tinuro ko pa ang sarili ko.

"Take a seat, Ms. Annennerg. Please calm down." Calm down niya mukha niya! Paano ako hihinahon kung ako sinisisi niya!

Umupo naman ako at  inis na tiningnan siya.

"Kasalanan mo dahil sa mga maling paratang na isinulat mo sa gazette ng MHU." Seryosong nakatitig siya sakin.
"Mr. President, hindi po iyon paratang. It's my opinion po about what happened." Note the sarcasm!

"I read it and I think it is statement Ms. Annenberg. Nanghuhusga kana. Nang dahil sa article na sinulat mo. Pangit na ang nagiging image ng student council."

"Sa tingin ko rin hindi ko kasalanan na may mga officer na malikot ang kamay na kinuha ang fund ng org. niyo, Mr. President."

I admit na  ako  ang nagsulat ng article tungkol sa kanila. I am  sure na dapat malaman ng bawat students ng MHU ang nangyari. And as a representative ng mga estudyante na walang kapangyarihan magsalita. I did the honor to show what's my opinion on what happened.

"Ms. Annenberg, my point is you doesn't need to broadcast your bad impression on what happened. Ginagawa namin lahat para hindi na lumabas ang nangyari at ma'settle ang lahat but look what you've done!" Tumaas ng konti ang boses niya.

"So kasalanan ko! Why don't you blame yourself!? Ikaw ang president pero nakalusot sayo ang ganoong bagay!" Napasigaw na rin ako dahil sa inis. Nakita ko ang paggalaw ng panga niya dahil sa galit.

"I know I am the president pero hindi ibig sabihin lahat magagawa ko! Hindi tamang sisihin mo ko."

"Hindi rin tama na ako ang sisihin mo!"

Biglang nagbukas ang pinto kaya napa-tingin kami sa nagbukas nito.

Mukhang nagulat ang babae ng makita kami. Pero mas tamang sabihin na mukha siyang natakot.

"U-Uhh. Excuse me." Bigla niya ulit sinarado ang pinto. Isa siguro siya sa office ng student council.

Napatuon ulit ang atensyon ko kay James Huxley ng marinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. Nakapikit ito habang minamasahe ng isang kamay ang kanyang noo. Mukhang nagpapakalma.

Ngayon ko lang narealize na nagsisigawan na pala kami kanina. Napangiwi ako. Bumuntong hininga rin ako at inayos ang salamin ko sa mata. Nabalot kami ng katahimikan.

"Ms. Annenberg. Sorry if I scold at you a while ago." Mahinahon niyang sabi maya-maya.

"Sorry din." Sincere na sabi ko.
"And by the way, you need to pay the things that you've done. From now on you will be the treasurer and the secretary of Student Council."

"WHAT!?" Kung gaano kahinahon ang pagkakasabi niya ganoon naman ka-intense ang pagsigaw ko. Bumalik ang inis ko sa kanya.

"You heard it right. Well, kung hindi ka papayag asahan mo na ipapatawag ka para sa ka-clumsy'hang ginawa mo kanina." Ipinakita niya sakin ung mga files na nabasa kanina.

Twin Sisters(Jadine and Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon