PROLOGO

81 16 12
                                    

PROLOGO

Tatlong taon ang na ang lumipas matapos mangyari ang trahedyang iyon,
Ngunit sariwa pa rin sa puso niya ang sakit dulot ng nakaraan..

~~~~~~~~~~~~~~~~

"Posible pa ba siyang magising doc?"
Wika ng isang babaeng nurse na isa sa mga nagbabantay sakanya araw araw sa loob ng tatlong taon niyang pagkakahimlay.

"Tatlong taon na siya dito sa ospital at wala paring progress yung kondisyon niya, nag aalala na po kami doc" dagdag pa ng isang nurse.

Malapit sa kanila ang pasyente kahit na hindi man nila ito kailanman nakausap. Inalagaan nila ito, pinapalitan ng damit at kung anu-ano pa.
Napabuntong hininga ang doktor. Mahirap sabihin sa kanyang, kung hindi pa magigising ang babae sa mga panahong ito ay tuluyan na itong bawian ng buhay.

"Kaunti lang ang pag asang magising siya. Kung magigising man siya ay siguradong magkaka amnesia ang babaeng ito. Kung mangyari man yan, ang Diyos ang gumagawa ng himala para sa kanya"

Napayuko ang doktor sa sinabi niya. Natahimik ang buong silid kung saan nakapalibot ang mga nurse na siyang napalapit sa pasyente at nag aalaga sa kanya. Ramdam mula sa loob ang mabigat na tensyon dulot ng posibleng kahihinatnan ng babaeng nakahiga sa harapan nila na tanging ang mga makina na lamang ang nagbibigay sakanya ng buhay sa mga sandaling ito.

"Kailangan nalang nating tanggapin na mamamatay siya sa oras na di siya magising sa oras na ito" wika ng doktor habang tulalang nakatingin sa babaeng tatlong taon nang nag aagaw buhay.

Unti unti nang humagulhol ang nakababatang nurse at pilit na pinapatahan ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Buong kalungkutan at pagkasawi ang mararamdaman ng loob buong silid habang nakapalibot ang maraming nurse sa babae. Nalulungkot ang mga ito sa pinagdaraanan ng babae kung paano ito nakipag laban upang mabuhay.

Minsan nang nawala ang pulso nito na inakala nilang namatay na ngunit laking gulat nila nang biglang bumalik sa normal na pagpitik ng kanyang pulso maging ang kanyang paghinga ay bumalik din sa normal.

Nagdaan ang ilang araw at hindi pa rin ito nagising. Normal pa rin ang tibok ng kanyang puso ngunit kumpara sa nagdaang araw ay mas humihina ang kanyang paghinga at senyales ito ng lubusang pagbigay ng kanyang katawan.

Dapit hapon, dinalaw siya ng pinakabatang nurse at dinalhan ng sariwang prutas at bulaklak. Masakit mang tignan sakanya ang babaeng nag aagaw buhay ngunit naroon pa rin sa isip niya ang pagkagulo kung bakit wala ni isang nagparamdam sa ospital na mga kamag anak ng babaeng ito. Sa loob ng tatlong taon nitong pananatili, unti unti itong pumapayat at pumuputla sanhi ng hindi pagkain ng masusustansyang pagkain at tanging dextrose lang ang nagbibigay sa kanya ng lakas at ang makina na nagbibigay ng buhay sa kanya.

Sa isang lumang paaralan natagpuan ang duguang katawan ng babae at ang kanyang ulo ay tila hinampas sa matigas na pader. Wala pang kalahating oras ay natagpuan ito ng mga awtoridad na palaging rumoronda sa abandonadong paaralan tuwing gabi.

Base sa imbestigasyon, dapit alas sais na nang mangyari ang krimen at maswerte ang babae sa oras na iyon dahil maagang rumonda ang awtoridad sa nasabing abandonadong paaralan at nadala agad ang babaeng ito sa ospital.

Bygone Echoes (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon