°•Chapter 22•°

3.8K 56 4
                                    

"What! Bakit di mo agad sinabi sa amin" sigaw ni Papa sa gulat napasinghap naman yung iba iba

"Sorry natakot lang ako" nakayuko kong sabi

"Hanggang ngayon wala ka paring natanggap kahit tawag o text man lang galing kay Clinton iha" tanong ni Tito Robert at umiling lang ako

"Robert pagsabihan mo nga yang anak mo, di nga pumunta dito kahit saglit lang. Halos mapahamak na ang mga anak niya at di man lang ito nagpakita" galit na sabi ni Tita

"Pagpasensyahan mo yun iha , yung bata na yun talaga nagagalit dahil yun lang dahilan, pasalamat nga kami at sinabi mo parin ang totoo kahit natatakot ka sa pwedeng mangyari" inis na sabi ni Tito

"Chloe wag ka munang pumasok sa trabaho mo baka kung may pinaplano naman yung Stephanie na yun" Mama said

"Mama kailangan kong pumasok at tsaka sayang naman yung mangga at spaghetti sauce na naiwan ko doon. May mga bodyguards naman eh" nakasimangot kong sabi , ayaw ko ding manatili dito mababagot lang ako

"Kumakain ka ng mangga?" gulat na tanong ni Mama

"Opo , ang sarap nga eh" nakangiti kong sabi, nagkatingian  naman sila

"May dapat ba kaming malaman tungkol sayo Chloe" seryusong tanong ni Papa, ay oo nga pala sasabihin ko sa kanila about sa pagbubuntis ko

"I'm pregnant" sabi ko, napa singhap naman sila

"Anak ng— alam ba ni Clinton ito" nagpigil sa galit si Papa, alam kong galit na galit sila kanina pero mas lalo pa silang ngayon

"Hindi pa po, pero sasabihin ko sa kanya pag nagkita kami"

"Teka nga, ba't wala na yung sing-sing na binigay ni Clinton sayo" tangkang tanong ni Mama

"Ikakasal kayo?" tanong din ni Tita

"Yes but I cancelled it. He's with Stephanie right now at nakita ko silang naghahalikan sa loob ng bar" I exclaimed

"Anak ng tinapa naman oh, bumalik sya kay Stephanie dahil lang dun sa simpleng pagkakamali mo. Alam nyang  may pinaplano si Stephanie na masama sayo tapos bumalik pa sya sa bruhang yun"

"Kailangan nating mag doble ang ingat mahirap na baka kung ano naman ang susunod na gawin ni Stephanie sa atin. Napaka desperadang babae."

"Don't worry iha ako na ang bahala kay Clinton, pagsasabihan ko yung bata na yun"

"May hiling lang sana ako, wag nyo pong sabihin kay Clinton about sa pagbubuntis ko, ako na po ang bahala magsabi sa kanya" paki usap ko, kahit di kami magka-ayos ay sasabihin ko parin sa kanya. Wala na akong paki kung  ano ang sasabihin nya, ang importante sakin ngayon ay panatiliing maging ligtas ang aking pamilya at ang mga anak ko

"It's okay, basta sabihin mo sa kanya baka mahimasmasan yung utak nung batang yun" inis na sabi ni Tito

"Magpahinga kana iha, makakasama yan sa bata. Wag mong i-stress ang sarili at tsaka kami na muna ang bahala dito. We need to hire more bodyguards to protect us" then I nodded

"Okay po, magpahinga lang muna ako"  sabi ko, tumango lang naman sila bilang tugon

Pumunta agad ako sa kwarto upang magpahinga. Narito parin ang takot ko, first time na may nangyaring ganung trahedya sa buhay ko.

At yung lalaking nangako sa akin na poprotektahan nya kami sa lahat ng makakaya ay wala na. Starting now I believe that promises meant to be broken.

He broke his promises because of his anger. He cheat, bumalik sya sa taong minahal niya ng una, ang taong naging dahilan sa mga pangyayari ngayon.

Siguro sobrang mahal nya si Clinton para magawa nya sa amin to. She did everything para lang bumalik si Clinton sa kanya. At siguro baka mahal pa sya ni Clinton hanggang ngayon. Bumalik sya sa kanya at wala na akong magagawa.

Maybe sila talaga ang nakatadhana sa isa't-isa at ako naman yung sumira sa love story nila. Siguro napilitan lang si Clinton sa akin dahil may anak sya sakin.

Ipaubaya ko na sya sa kanya, pero sa oras na gagawa parin ng kalokohan si Stephanie sa aking pamilya, di ako magdadalawang isip na kalabanin sya.

I received a call from unregister number and I think it's Stephanie.

"Stephanie" I said

"Oh, yes my dear it's me Chloe, di ko alam na manghuhula kana pala ngayon"

"Stephanie tigilan mo  kami, bumalik naman si Clinton sayo diba. Tigilan mo na kami ng pamilya ko" sabi ko

"You begging me, but it's a big NO. Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Clinton kaya hinding-hindi ko kayo titigilan kahit nasa akin na si Clinton" so yun lang ang dahilan niya, pwedeng naman silang magpakasal ah. Baliw na itong babae na to.

"Kung hindi mo kami titigilan ay kakalabanin kita" saad ko, pwes kung ayaw nya kami tigilan ede kakalabanin ko sya. Hindi ko hahayaan na may masamang pang mangyayari sa amin.

"Then do it" she said then may narinig akong ibang boses sa kabilang linya

"Babe sino yang kausap mo" boses iyon ni Clinton

"Just a friend of mine babe, aghh ano ba babe nakikiliti ako"

"Babe I want you now"

"What about Chloe" Stephanie asked, kaya kumalabog naman ang puso ko

"I don't care about her anymore, wala syang tiwala sa akin. Di nya ako pinagkatiwalaan, kaya wala na akong paki pa sa kanya" oh shit!

"What about your son and daughter and I thought engage na kayo" the fuck , sinadya ba talaga to ni Stephanie na parinigan ako

"I can take my responsibility for them and about that fucking engagement, I cancel it. I don't want to marry her, never again. I don't want to marry someone who don't trust me"

"What about us"

"Let's get married again"

"Really"

"Yes"

"Ohh I love you so much babe"

"I love you too, I really want you now"

"Okay, pero mauna ka muna dun sa kwarto, susunod lang ako, may kakausapin lang ako saglit"

"Okay" so yun na yun, dahil lang sa isang pagkakamali ko ay ganun nalang sya ka galit sa akin samantala noon ay kahit gaano pa kalaki ang kasalanang nagawa nya ay napapatawad ko pa sya.

Ganito ba talaga ako ka soft hearted at sya ganun ka heartless.

"Chloe are you still there, narinig mo naman ang mga sinabi nya diba. Kawawa ka naman Chloe, super kawawa ka talaga. Pano bayan imbes na kayo ang ikasal ay naging kami. So just ready yourself Chloe dahil baka mismo ang nararamdaman mo ang papatay sayo but wait there's more, always be careful dahil hindi pa ako tapos sayo" mahaba niyang lintaya at tsaka niya pinatay ang tawag

Kung yun ang gusto nila pwes pagbibigyan ko sila. Nangako ako sa sarili ko noon na hinding-hindi na ako magpapa-api pa kahit kailan kaya naman lalabanan ko sya.

At kay Clinton naman, wala na akong paki pa sa kanya. Ayaw na nya sa akin dahil lang sa isang pahkakamali ko ede dun sya kay Stephanie. Magsama sila, di ko din kailangan ng taong di marunong umanawa umanawa sa nararamdaman ko.

Magsama sila kung saan nila gusto, gawin nila kung ano ang gusto nila at magpapakasal sila kahit kailan nila gusto o ilang beses pa yan. WALA NA AKONG PAKI SA KANILA dahil  di na ako ang Chloe na nakilala nila noon, di na ako ang Chloe na nagpakatanga, di na ako ang Chloe na desperadang mahalin pabalik ni Clinton at di na ako ang Chloe na mahinhin. Ibahin na nila ito ngayon.


TO BE CONTINUE...

The CEO's Ex-Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon