Habang nasa byahe ay hindi mapawi Ang ngiti sa mukha ko. Pagbaba ko sa jeep ay masigla kong nilakad Ang kanto namin pauwi sa bahay namin.Kinuha ko ang susi sa bulsa at binuksan Ang gate. Tumunog ang phone ko at sinagot ko ito.
Ante Calling...
Ante: "Nak, nakauwi ka na ba?"
Ako: "Opo ante, kakauwi lang. Kayo po nasaan?"
Ante: "Nasa byahe ako ngayon papuntang ospital, eh kakagaling ko lang ng store at nag-ayos doon. Pwede bang kumuha ka ng damit ni tito mo? Nasa laundry pa kasi lahat ng damit na dinala ko last week."
Ako: "Walang problema ante."
Ante: " Paniguradong hindi pa nalilinis yung yito mo, matigas ulo non."
Ako: " Haynaku! Si tito talaga. Kamusta na pala siya?"
Ante : "Eh ayun, sa awa ng diyos may recovery na. Ilang araw nalang makakauwi na siya"
Ako: "Mabuti naman po."
Ante: "Yung bag nasa ibabaw aparador ng tito mo, 'dun mo lagay yung mga damit. Tsaka bukas na'ko makakauwi, bahala ka na d'yan sa bahay ah."
Ako: "Opo ante, noted."
Pinatay ko na ang tawag at naglinis na ng sarili.
Pagkatapos kong magpalit at kumain ay pumunta na ako sa kwarto nila tito. Minsan lang ako nakakapasok sa kwarto nila kapag natataon na may "Girl talk" kami ni ante sa gabi. Kung tutuusin off limits ako sa lugar na'to. Hindi ko alam kung bakit.
Simple lang ang disensyo ng kwarto. White and brown ang theme. Maaliwalas at payapa ang ambiance nito.
Kinuha ko ang brown duffle bag sa tuktok ng mataas na aparador. Pagkakuha ko ay binuksan ko malaking aparador. Binuklat ko ang bag at kumuha ng mga damit.
Habang kumukuha ako ng mga t-shirt ay nasagi ko ang sampayan ng mga polo kaya nahulog ito sa likod.
"Hay, ano bayan papahirapan pa'ko."
Nang maabot ko polo ay may nakapa ako matigas.
"Ano 'to?" Inalis ko ang polo at sinuot ang ulo ko sa loob pero dahil madilim rito ay hindi ko 'to maaninag kaya nilabas ko ito. Isang kahon ang tumambad sa'kin.
Pakielamera ako oo, pero sa ibang bagay. Kahit kailan ay hindi ko pinakielamanan ang gamit ng mga magulang ko.
Binuksan ko ang box at hindi ko inaasahan ang tumambad sa'kin...
Tumambad sa'kin ang tumpok ng mga papeles. Dinampot ko ang folder na nasa unahan at binuklat.
* Psychologist, found dead on his house. Shot straight to his heart!*
Ito ang nakalagay sa folder. Tinignan ko ang petsa ng dyaryo, 10 September, 1992.
15 years ago...
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi kaya...
Kinakal ko ang kahon, binuklat ang lahat ng folder na laman nito. May nakita akong mga punit na pahina ng mga dyaryo. Hanggang sa nakita ko ang isang article.
*Psychologist shot dead!*
The psychologist Emmanuel Mariano found dead in his house in La Trinidad, Benguet in September 7, 1992. The said victim was shot straight to his left chest which lead to his immediate death. The police of Baguio stated that they don't see any persons of interest as of the moment but they still working and they conclude it must be a crime of passion.
Hindi ko na tinapos ang article at binasa ang susunod na folder.
*Psychologist ng Presihiyosong Ospital pinatay. Alamin Kung bakit..."
*Sino nga ba ang nasa likod ng pagpatay kay Emmanuel Mariano?*
Papa... Si papa ang laman ng mga article.*Bakit nga ba pinatay si Emmanuel Mariano?* Sumisikip Ang dibdib ko....
*Mga persons of interest inilabas na ng pulisya ng Baguio.*
* Jaime Greyson, itinuturong pumatay?*
Si Mr. Greyson? Bakit? Anong kinalaman ng lolo ni Hero sa pagpatay kay papa?
*Idineklara na ng pulisya ng Baguio ang persons of interest at kabilang dito si Dr. Jaime Greyson. Ngunit mariing itinanggi doctor ang akusasyon laban sa kanya.*
*Pagpatay sa doctor na si Emmanuel Mariano, maari lamang self defense?*
Pakiramdam ko umiikot ang ulo ko sa mga nababasa ko.
*The kidnapper Doctor.*
Written by: Michelle Cruz , January 5, 1993.
Natagpuan ng walang buhay ang katawan ng 34 anyos na doktor na si Emmanuel Mariano. Nakaraang taon ay sinabi na maaring crime of passion ang dahilan ng pagpatay. Ngunit kailan lang ay isiniwalat ng pulisya na self defense lamang ang nangyari. Ayon kay Seargeant Manilo Tuanan, Ang pagpatay kay Mariano ay bunga ng self defense dahil sa pagiging bayolente umano nito matapos siyang mahuli sa kaniyang tirahan. Si Emmanuel Mariano ay nasabing dumakip ng 8 taong batang lalaki. Nang ito ay kanilang sinugod ay nagbanta ito ng pagpatay sa bata at hinostage ito. May inilabas 'din ang ospital na pinagtatrabahuan ni Mariano na may inilalabas itong gamot. Namataan na ang gamot ay sertraline hydrochloride,citalopram hydrobromide,fluoxetine hydrochloride na puro anti-depressants.
Naninikip ang dibdib ko sa nababasa ko. Bakit ganito? Why does this news to my father seems spineless?
Hinalughog ko ang box at binuklat ang isang folder. Bumungad sa'kin ang personal information ni papa. Sa gilid nito ay mga naka-pin na picture. At may mga pangalan,
"Jaime Greyson, Fortunato Velasquez."
Ang litrato ni Mr. Greyson dito ay nuong mas bata pa siya, itim pa ang buhok niya at wala pang wrinkles. Itong Fortunato Velasquez, hindi ko alam pero namumukaan ko siya. Mukhang nasa late 20's pa lang siya rito sa kaniyang litrato.
Itinabi ko ito at humalughog pa sa box at may nakita akong isang case file. Case file ito ni papa...
Naguguluhan ako. Hindi ko mapagtagpi-tagpi ang mga nababasa ko. Sumisikip ang dibdib ko sa mga nakikita ko.
Sa ilalim ay mayroong folder na may nakapatong na leather brown journal. Dinampot ko ito at unang binuklat Ang folder. Baka sa folder na'to maliwanagan na'ko.
Pagkabuklat ko ay tumambad sa'kin ang isang personal informations naman ng isang batang lalaki.
Sebastian Millard
Binuklat ko ito at binasa. Puro mga medical records ito tsaka test results. Parang pinipilipit ang utak ko, habang patuloy ako sa pagbabasa ay sumisikip ang dibdib ko sa sakit.
Tinabi ko ito at sunod na binuklat ang journal. Ang luhang kanina ko pang pinipigil ay tuluyan ng kumawala. Tuluyan na ngang ginimbal ng nasa harapan ko ang buong sistema ko.
Ang journal ni papa.
BINABASA MO ANG
Citylight (Editing) #Mus-alonlymAwards20
RomanceSela, is a student in Baguio Central University, taking up nursing degree undergo on internship program at a hospital. Afterwards met a strange guy with eccentric ability in a hidden laboratory at the hospital. Only to find out something deeper and...