Chapter One

17 0 0
                                    




Abala na sa pag oorder ang mga kasama ko. Habang tinitignan ko ang menu nila, feeling ko mapupunta nga sa tubig ang drinks ko.

Bakit ba kase sa Coffee Library kami? Pwede namang sa restaurants malapit sa dagat na lang.

Nagtipa ako sa phone ko para itext si Zain.

Ako:

Tubig lang talaga ang maiinom ko dito. Sana naman 'no naisip mong may kaibigan kang kasama na hindi mahilig sa kape!

Narinig kong nag beep ang phone ni Zain. Kinuha nito at binasa na ang aking mensahe.

Tumawa ang aking walanghiyang kaibigan.

"Bakit itetext mo pa ang mga ganitong bagay when I'm just beside you!" Maarte nitong sabi.

Napatingin tuloy sina Carl at Rico samin.

"Bakit? Anong initext, Zain?" ani Rico

Chismoso! Wala sa itsura to be nosy!

"Reign, sawa na ang mga iyan sa Restaurants. Ilang araw na rin kase sila dito. Hindi pa raw nila na ta-try itong Coffee Libraby."

Sabay tingin kina Rico.

"Alam n'yo kase Rico, itong kaibigan ko ayaw ng kape. Ewan ko nga ba riyan. Nakapakarte."

Tinignan ko ng matalim ang aking kaibigan na konti na lang ay mamamatay na sa talim ng aking titig.

"May mga tea naman dito ah?" Tanong ni Carl.

"Oh you bet! She will never drink tea. Ayaw niya rin eh."

"You dislike many things." Maingat at naniningbang na sabi ni Rico.

Iyan lang ang tamang sinabi mo ngayong araw! Marami talaga akong ayaw. Including you. Sana alam mo rin iyan.

"Including me." Dagdag niya. Did he just read my mind? Damn!

Should I lie? For what? Ano naman kung alam niyang ayaw ko siya? May mali ba doon?

Of course that's wrong, Reign! Wala namang ginagawang masama ang tao sayo. That's rude!

Masyado ata akong napatitig dahil nagsalita na naman ito.

"Kung makatitig ka, parang gusto mo rin ako ah..."

What? Am I staring too much? At anong rin? Does that mean, he likes me? That fast? Mga lalaki nga naman!

Si Zain na ang sumagot para saakin.

"She doesn't hate you, Rico. Ganyan lang iyan kapag hindi niya kilala ang isang tao."

"Then, we should hang out more. Kilalanin natin ang isat isa." Nakangisi na nitong sabi.

"That's great! Mapapadalas ang pagbalik niyo dito kung ganoon!" Masayang sabi ng aking kaibigan.

Hindi na ako nagsalita. I am just observing them. Mukha namang disente silang tignan. Hindi dugyutin.

Malamang Reign! Nagwagwapuhan ka nga eh! Malamang hindi dugyutin!

They looked rich. Saan nag aaral itong mga 'to? Ateneo? La Salle? It could be UP too. I'm curious pero kakain muna ako ng lupa bago mag tanong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Risk it with YouWhere stories live. Discover now