Chapter 12

286 14 2
                                    

Chapter 12
Autumn Sison

“She’s my recruit and she will stay in my room”

“She’s my recruit and she will stay in my room”

Ay tukneneng!

Tiningnan ko ang disciplinary officer na nakatayo pa rin sa harapan namin. Inalis ni devil ang pagkakaakbay nya sakin saka sya humalukipkip at nagsalita na bakas ang inip sa boses, “Well..?”

Umiling ang disciplinary officer saka tiningnan ang isang lalaking kasama nya, nakasalamin ito. Naglakad paunahan at hinawakan ang gitna ng suot nyang salamin saka humarap sa amin, “Hurricane Sivan, this is a boy’s dormitory, she’s not allowed to live here. Isa pa, maling hindi sya pumunta sa admission office para isubmit ang requirements nya, you know that”

Muli akong napalunok at kinabahan. Oo nga naman! Nilingon ko si Hurricane. Nanatili syang bored na nakatingin sa disciplinary officer at Student Council.

Tumikhim ang disciplinary officer saka tiningnan ang laman ng envelope na binigay ni Hurricane saka ako tiningnan, “So, miss Barbara Tarroz, kailangan mong sumama samin at tanggapin ang munting parusa na ipapataw namin sayo”

Suminghap ako at tiningnan si Hurricane. Naningkit ang mata ko nang makita ang munting ngisi sa labi nya at uminit ang ulo ko nang marinig ang hagikhik mula kay Troy at Ivan.

B-Barbara Tarroz? What the fuck? Anong klaseng pangalan yon? Who the hell is Barbara?

“T-Teka lang, devil—”

“Wag kang mag-alala, Barbs, hindi ka pababayaan ng labidabs mo” si Troy na pangisi-ngisi sakin. Sinulyapan pa nya si Hurricane saka kumindat sakin

Pinandilatan ko sya ng mata. Kingina! Anong Barb? At anong labidabs? Si Hurricane? Punyeta! Wag nalang!

“Halika ka na, Ms. Tarroz” sabi ng disciplinary officer.

Naaasiwa ako sa tawag nya sakin. Punyeta! Kaninong information ba ang ninakaw ni Hurricane?

“Go, babes, wag kang mag-alala, hindi ko hahayaang mahirapan ka” si Hurricane na hinaplos pa ang buhok ko.

Suminghap ako ulit. Nanlulumo kong tiningnan si Ivan para humingi sana ng tulong pero ang gago, nagpipigil ng tawa sa gilid.

Kahit ayoko e wala akong nagawa kundi sumama sa student council at disciplinary officer. Kagat labi akong naglalakad habang nasa magkabilang gilid ko sila at may tatlo pang estudyanteng hindi ko kilala sa likuran.

Nang makalabas kami ng dorm building ay napakagat ako ng labi nang humampas sa mukha ko ang malamig na hangin. Madilim din ang paligid at tanging ilawb lang mula sa mga poste ang nagbibigay liwanag.

Maya-maya ay tumigil kami sa harap ng isang palapag na gusali. Pumasok kami doon at dumiretso sa isang silid. Naabutan namin ang ilang mga estudyante doon.

“Maupo ka muna, Miss Tarroz”

Leche! Naiirita ako sa tawag nya sakin. Bakit ba kasi ganoong pangalan pa ang napili ng Hurricane na 'yon?

“Sya ba?” napatingin ako sa babaeng nagtanong. Maganda sya pero syempre mas maganda ako.

“Kebago-bago mo, may kalandian ka pala at si Hurricane Sivan pa ang napili mo”

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Bwiset na 'to ah! Binabawi ko na 'yong sinabi ko na maganda sya. Duh! Ampanget nya. Ang kapal ng nguso at ang laki ng ilong.

“Tumigil ka Lileth. Gawin mo nalang ang trabaho mo r'yan” saway sa kanya ng presidente ng student council.

Naupo sa kaharap kong upuan ang student council president at ang disciplinary officer.

“Sir Profan, pwede bang ako nalang ang magpataw sa kanya ng parusa?” tanong ng presidente ng student council sa disciplinary officer. Halatang mas matanda sa amin ang disciplinary officer at mukhang istrikto sya.

Umayos ako ng upo. Sana naman hindi nila ako pahirapan.

“Bakit, Aries? Trabaho ko ito diba” nakangising sagot ng tinawag na Sir Profan.

Napangiwi ako. Mukhang pahihirapan ako ng Profan na 'to. Damn! Kasalanan ng Hurricane na 'yon! Kung hindi nya ako ibinalandra habang bitbit na parang sako ay hindi nila malalaman na nakapasok ako dito. Pwede naman kasi akong magpanggap bukas na kapapasok lang. Aish!

Nagkibit balikat ang president ng student council, “Maliit lang ang nilabag nya kumpara sa dalawang estudyanteng hinuli natin kanina”

Biglang tumalim ang tingin ng disciplinary officer at swear, nangilabot ako. Parang mas gusto ko nalang harapin ang panget na mukha ni Hurricane kapag galit kesa ang mukha ng Sir. Profan na 'to.

“Oo nga pala. Sige, ikaw na ang bahala sa isang 'yan. Kailangan kong parusahan ang dalawang 'yon” sabi nito saka lumabas.

Napalunok ako at hinaplos ang mga braso ko. Nagtaasan ang balahibo ko dahil sa kanya. Nakakatakot ang isang 'yon.

“Ms. Tarroz”

Napapangiwi akong tumingin sa presidente ng council. Gusto ko syang sampalin at ipamukha sa kanya na Autumn Sison ang pangalan ko. Isang magandang pangalan na hindi dapat pinapalitan ng isang wirdong pangalan. Damn! Bubugbugin ko ang Hurricane Sivan na 'yon!

“Here is your dorm key. Bukas ng alas sais. Pumunta ka dito at sasabihin ko ang gagawin mo” ipinatong nya sa lamesa ang susi. Agad ko naman 'yong kinuha.

“Nasa west wing ang dorm ng girls. Sige na, magpahinga ka na”

Wala akong nagawa kundi umalis doon. Nakabusangot akong naglakad patungo sa west wing. Ilang lakad lang at natanaw ko na ang sinasabing girl's dorm. Napatapik ako sa braso ko nang may kumagat sakin na kung anong insekto.

“Ano ba 'yan?! Ang ganda ganda ng school may lamok!” inis na reklamo ko.

Nang makarating ako sa girl's dorm ay dumiretso ako sa numero ng kwarto na nakasulat sa keychain ng susing binigay sakin. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Napangiwi ako nang wala akong makita. Sinubukan kong kapakapain ang wall para hanapin ang switch ng ilaw at nang makapa ko ay agad ko 'yong binuksan.

“AAAAHHHHH” malakas na tili ko nang lumantad sa harapan ko ang isang babaeng hubo't-hubad. Nakatingin sya sakin at nakataas ang kilay.

Agad akong napatalikod at kinusot-kusot ang mata ko. Damn! It felt so weird seeing a woman's body. Ano bang trip ng babaeng 'to at di manlang tumili nang bumukas ang pinto ng kwarto. Nang makita nya ako ay wala rin syang reaksyon sa halip ay tinaasan lang ako ng kilay.

“Ang arte mo naman! Ikaw na nga ang nakakita e saka maganda ang katawan ko kaya wag kang OA” dire-diretsong sabi nya kaya nahulog ang panga ko.

Mabilis akong humarap sa kanya pero agad din akong tumalikod at nanlulumong umupo sa sahig. Nagpapanty palang sya at nakatuwad sya sa direksyon ko.

Tanginang babae 'to! Anong klaseng mga tao ba ang nag-aaral sa school na 'to? Matino ba talaga 'to? Parang gusto ko nang bumalik sa bahay. Fuck!!!!

“Wala ka bang pakialam kung may makakita sa katawan mo?” naiinis na tanong ko habang nakatalikod pa rin at nakaupo sa sahig.

“Hahahaha. Nakita mo na nga e. Sexy ko diba?”

Ngumiwi ako at pinikit ang mga mata ko. Mga abnormal ang mga nag-aaral sa school na 'to. Shit! Sana makagraduate ako na nasa tama pa ang pag-iisip!





UNEDITED
Short update! Mental blocked attacked

~

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon