Chapter 10

298 13 1
                                    

Chapter 10
Autumn Sison

Nakangiwing bumangon ako mula sa pagkakahiga. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at hinawakan ang balikat ko. Bakit ang sakit ng kaliwang braso at  balikat ko?

Kumalam ang sikmura ko kasabay ng paglunok dahil sa nanunuyo kong lalamunan. Gutom na ko! Waaahhh

“Atlast, you’re awake”

Napatingin ako sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita ang demonyo na nakatapis lang ng towel sa ibabang bahagi ng katawan habang tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nya papunta sa abs nya. Muli akong lumunok. Six packs abs? Seryoso? Ang ganda naman ng katawan ng kampon ni satanas na to

“What are you staring at? Hindi ka pa nagsawa sa ginawa natin kanina?”

Halos mahulog ang panga ko dahil sa sinabi nya. Anong ginawa namin?

Humalakhak sya na hindi ko alam ang dahilan kaya napapangiwi ko syang tiningnan ng masama. Pinagtitripan nya ba ko?

Ngumisi sya saka dahan-dahang naglakad palapit sakin. Umiwas naman ako ng tingin dahil nakahubad pa rin sya at hindi manlang nag-abalang magtakip ng katawan. Feeling ko rin, isang maling kilos nya lang ay mahuhulog na ang towel sa bewang nya.

“Gutom ka diba? Kainin mo na ko”

Suminghap ako at naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi nya. K-Kakainin ko sya? What the hell?

“Bastos!” itinapon ko sa kanya ang nadampot kong unan. Sinalo naman nya yon saka inihampas sakin dahilan para mapahiga akong muli sa kama

Punyeta!

“Oh fuck!” mabilis nya kong dinaluhan pero itinulak ko sya at sinamaan ng tingin.

“Ano ba!” tiningnan ko sya ng sobrang talim saka muling bumangon.

Kumamot sya ng batok. Nakaluhod sya sa kama sa mismong harapan ko habang nakaupo naman ako.

“Kaninong kwarto to? Bat nandito ako?” magkasunod na tanong ko.

Ngumisi syang muli saka umupo ng maayos sa harapan ko. Pinangunutan ko sya ng noo nang dinampot nya ang towel sa gilid ng kama at sinimulang punasan ang basa nyang buhok.

“Ano ba! Sagutin mo ko!”

“Masyado kang atat, nanligaw ka ba?”

Muli akong suminghap saka sya sinampal. Napabaling ang mukha nya sa kaliwa dahil sa ginawa ko. Ang nakangisi nyang labi ay unti-unting naging normal, lumunok ako nang dahan-dahan syang tumingin sakin habang kunot na ang noo.

What the..

“You!”

Impit akong napatili nang bigla nya akong itulak pahiga. Nauntog pa ako sa headboard ng kama pero hindi yon ang iniisip ko dahil unti-unti nya akong kinokorner sa pagitan ng katawan nya at ng kama. Juskopo!

Mariin akong napapikit nyang makita kong umigtig ang panga nya. Sasakalin nya ba ako ulit? What the fuck! Ayoko pang mamatay. Hindi pwedeng dito ako mamatay!

“You know what i hate the most? Hurting me. I hate it” mapanganib na bulong nya sa tenga ko.

Oh shit! Oh shit! What to do?

“H-Hindi ko na uulitin”

“Hindi na talaga, dahil kapag inulit mo pa, magagalit ako ng sobra”

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon