Pagsapit ng umaga muli akong bumaba para kumain ng almusal. Hanggang ngayon ay nasa kalagitnaan pa rin kami ng dagat. Muli ko paring pinili ang table sa teresa ng barko para malaya kong matanaw ang dagat. Based on the schedule itenerary na ibinigay saamin, bukas ay mararating na namin ang First Destination namin.
I am busy enjoying my food when I felt someone's looking at me. Unconciously, nag-angat ako ng tingin at inilibot ito sa paligid. Napako naman ito sa isang lalaki. The guy who I bumped into tsaka yung kagabi sa roof deck. Mukhang naramdaman nito ang titig ko jaya nilingon nya ang aking direksyon.
Kung mag-iiwas ako ng tingin mas lalong nakakahiya dahil nahuli na nya akong nakatingin sakanya. I bowed my head as a greeting with a smile plastered on my face. Matapos iyon ay ipinagpatuloy ko na ang pagkain. I wouldn't dare to glance at his direction. Mas lalo ng nakakahiya iyon.
After I finished eating my meal, I immediately left the buffet. Napagpasyahan kong bumalik na sa aking kwarto. Good thing na they have a wifi here, na hindi ko naman malaman kung paano nagkaroon ng signal sa gitna ng dagat.
I logged in into one of my social media accounts when a notification popped. Sabrina wants to have a video chat with you. Napailing na lamang ako doon at sinagot ang tawag.
" Nova! " gulat nyang sambit.
" Hi there, Sabrina. "
" Hindi ko akalain na sasagutin mo yung tawag ko. I just tried my luck. "
" Nagulat rin ako nong malamang may connection dito sa cruise. "
" So how's your first day there? " excited nyang tanong.
" As usual, boring. " natawa naman sya sa aking sinabi. Totoo naman, malaki nga ang barko kaya ang hirap libutin. Sa tingin ko'y kaunti pa lamang na parte nito ang aking napupuntahan.
Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin ni Sabrina dahil kailangan na nyang putulin ang tawag para pumasok ng trabaho. Nagtimpla naman ako ng kape galing sa mini-kitchen ng kwartong ito at dinala iyon sa living area. I sat on one of the chairs.
Bahagya ko ring binuksan ang kurtina. Just enough for me to have a look in this majestic sea.
" Kailan ka ba titingin sa dinadaanan mo ha? " baritoned voice said. I looked up and caught his eyes looking at me. For the second time, nagkabanggaan na naman kami.
" Eh ikaw naman pala itong nakatingin, bakit hindi ikaw ang umiwas? " galit kong segunda. Hindi ko alam kung bakit ang mabilis ko magalit ngayon, dala na rin siguro ng espiritu ng alak.
I raised an eyebrow at him. Nang mapagtanto ko na wala na syang balak sumagot umirap na lamang ako at naglakad palayo.
I walked towards the dance floor while holding my drink in my right hand. Hindi ko na namamalayan kung sinong nakakapareha ko sa pagsasayaw. Noong makita ko sa pamphlet na mayroong naka-schedule na party ngayon dito sa pool area ay hindi na ako nag-dalawang isip pa.
Ilang minuto rin akong nakatambay sa bar counter ng napagpasyahan kong tumayo na, doon ko na nga nakabangga ang aroganteng lalaking iyon. Nagsisimula ng umalon ang aking panigin kaya't hindi ko na sya napansin.
We are in a club for pete's sake. Hindi talaga maiiwasan ang pagbabanggaan. Hindi ko alam kung bakit ang big deal noon sakanya.
Matapos ang ilang minuto, bumalik din ako sa bar counter dahil nabago na ang tugtog. Napagod na rin akong sumayaw. Akala rin siguro ng mga lalaki sa dance floor lasing na ako at hindi ko napapansin ang panaka-naka nilang hawak sa akin. Inilibot ko ang paningin at inobserbahan ang mga tao. Karamihan ng narito ay puros mga mag-asawa. Siguro yung iba ay nagha-honeymoon pa.