PART I

50 9 2
                                    

It is indeed stupid. Really really stupid.

"I won't do it!" sigaw ko sa mga kaibigan kong walang ibang ginawa kundi ngisihan ako.

"Dare lang naman iyon, Zel. Isa pa, ikaw ang nakabunot ng dare," katwiran ni Leila at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-irap niya.

I know that I picked dare, unfortunately, but I never thought they will actually make me do it. It is ridiculous! Wala akong balak pahiyain ang sarili ko. Paano naman yung reputasyon ko?!

"Zel, laro lang naman to. Huwag mo nang seryosohin," natatawang komento ni Kim. Isa pa 'to!

Alam kong laro ito. Super aware ako. Ang problema lang naman kasi is hindi p'wedeng malaman ng iba na dare lang nga ang gagawin ko.

"Madali lang naman ang gagawin mo. Sasabihin mo lang sa kanya iyon, tapos the end!" wika ni Mika na sinamahan pa nang pagkumpas ng kamay niya.

Wow. Madali lang pala edi sana sila na lang ang gumawa. Simpleng salita lang iyon, oo, pero makahulugan ang sasabihin ko! Bwisit!

"KJ mo naman, Zella! Dali na kasi! For sure, hindi rin naman nila iyon seseryosohin. Baka nga maisip pa nilang dare lang ang ginagawa mo," sambit ni Joan na kasalukuyan pang nagtatali ng buhok.

"Ang gaan lang ng pinapagawa ko kapag kayo ang nagdi-dare ah. Bakit sakin pakiramdam ko kailangan ko pang itaya buong pagkatao ko? Hoy! I need to take care of my reputation!" paliwanag ko at hindi ko itinago ang inis ko nang malaman nilang hindi na ako natutuwa.

Pinagkakaisahan ako ng mga nilalang na ito ah. Pasalamat sila't kaibigan ko sila dahil kung hindi, without a second thought, kakalbuhin ko talaga sila.

"Reputation, reputation ka pa d'yan. Sus. Ako nga ginawa yung dare ni Joan before eh na halikan sa pisngi yung lalaki sa mall!" si Mika na humagalpak pa ng tawa.

Napairap ako sa sinabi niya. "Baliw ka ba? Eh mall iyon eh! There's a little possibility na magkita kayo ulit. Eh nandito tayo ngayon sa school! Goodness gracious, Mika! School!" kulang na lang tumayo ako dito sa damuhan na inuupuan namin para malaman nilang seryoso ako.

"Ibahin niyo na lang yung dare!" request ko na agad naman nilang di sinang-ayunan. Leche! Magli-leave ako sa GC at isang linggo ko silang di kakausapin! Bahala sila sa mga assignments dahil di ko sila tutulungan!

Padabog akong tumayo at agad naman silang naghiyawan. Nagpalakpakan pa. Anak ng-! Tuwang tuwa pa talaga sila!

"Go, Zel! Remember, on character ah!" bilin pa sakin nitong si Leila. Nakakabadtrip talaga!

Sa di kalayuan ng school field, tanaw ko na ang pagsasabihan ko ng mga salitang gusto nilang sabihin ko. Kung tutuusin naman talaga, mababaw lang ang dare na ito. Ang problema lang, magmumukha akong tanga at kulang sa pansin oras na sabihin ko iyon. Isa pang problema, kilala siya. Isa sa dahilan kung bakit ayaw kong pumayag ay dahil sasabit ako dito, panigurado. Okay lang sana kung sa ibang tao ko sasabihin eh.

Huminto ako nang ilang metro na lang ang layo ko sa kanya. Gusto kong umatras, putek! Babalik na lang ako, bahala na. Ayoko itong gawin!

Nagsimula na akong magmartsa pabalik at kitang kita ko ang mga lukot na mukha ng mga kaibigan ko. Well, I'm ready to face the consequence of not doing the dare.

"Oh come on, Zella Lamer!" si Kim na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Magkano? I rather pay kesa sa stupid dare na iyan," bungad ko sa kanila.

"Hay nako, Zel talaga! Kahit kailan, ang KJ. Multa 5K!" si Joan na naglahad pa sa akin ng kamay na tila ba hinihingi na ang multa.

"Anong 5k?! Ang mahal naman!" reklamo ko. Seryoso? Kumikitang pangkabuhayan sila sa akin ah.

"5K talaga multa, Zel. Diba nadadagdagan ng 500 yung multa everytime na nagagawa yung dare," si Mika na nilabas na ang listahan at computation kung paano naging limang libo na ang multa.

"Mapupunta naman iyan sa funds nating magtotropa kaya no worries, Zel," si Leila na nilalabas na ang alakansya namin. Napataas ang kilay ko sa kanya, lagi talaga niya iyan dala.

Putek! Ang mahal ng multa! Eh halos p'wede ko na iyang pambili ng cellphone!

"Hoy, masyado naman kayong kurakot!"

"Hoy ka rin, eto katibayan oh!" wika ni Mika at iniabot pa sa akin ang papel na may computation.

"Eto ata magiging kasiraan ng pagkakaibigan natin ah," si Leila na humagalpak pa ng tawa. Pinalo pa ako, leche!

Aish! Nakakabadtrip, putek! So, does it mean na mas okay pa pala na gawin ko ang dare kesa sa magbayad ng multa? Wow naman pala!

Napairap na lang ako at naglakad na palayo sa kanila, at ang mga bruha, nagsipalakpakan pa na parang nagtatawag ng kalapati.

Bahala na. Sayang 5K!

Tanaw ko na siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Nakaupo ang tatlo sa kanila sa bench, habang siya at ang isa pa ay nakatalikod sa akin. Nakapuwesto sila 'di kalayuan sa mini park ng school, kung saan maraming tumatambay na estudyante. Sana lang isawalang bahala nalang nila ang gagawin ko. Hindi talaga maganda 'to. This is stupidity!

Tila napansin ako ng isa sa mga kaibigan niya na nakaupo sa bench. Kung di ako nagkakamali, si Dominic Ferrel iyon. Sinenyasan niya ang iba dahilan para tumingin din sa akin. Maging siya ay humarap na rin para tignan ako.

Tumigil ako sa paglalakad nang makalapit at lihim na napabuntong hininga. Ramdam ko ang titig ng ilan sa mga estudyante na nasa mini park.

"Kiergiz Manuel!" tawag ko sa kanya para malaman nila kung sino talaga ang sadya ko rito. Pakiramdam ko, tumahimik ang buong paligid nang banggitin ko ang pangalan niya.

Seryoso lamang ang tingin niya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang bahid ng pagtataka pero mas nangibabaw ang malamig nitong titig.

"Mahal kita," sambit ko. This time, nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam, baka dahil sa hiyang sasapitin ko?

Nagkaroon ng katahimikan, pero mas nakakabinging katahimikan pa ata ang namayani nang sambitin ko ang sumusunod na mga salita.

"...at hinahamon kitang mahalin ako."

Bwisit! Dare's accomplished!

That Stupid Dare | Completed | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon