I. Makabuluhang Kaarawan

44 2 0
                                    




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




╔═════☩══♛══☩═════╗


"Naging ugat ng kalbaryo ng marami ang kawalan ng public transportation. Ang mga taxi driver, sumugal at pumasada pa rin sa kabila ng utos dahil wala umano silang pagkukuhanan ng pagkain sa araw-araw."

"Magugutom talaga kami pag hindi kami bumiyahe dahil wala kaming pera, wala kaming pambiling bigas. Mahirap pag mahirap. Walang pagkukunan ng kailangan," naluluhang kuwento ng isang taxi driver...

Hindi rin sapat na kasiguraduhan ang sinabi ng pamahalaan na inatasan ang barangay na pakainin sila habang epektibo ang quarantine."

"Sabi ng gobyerno na tutustusan. Maniniwala kami pag andiyan na. Habang wala ano gagawin namin?" ani ng isa pang tsuper...


Pinatay ko na lang ang kulay itim na maliit naming telebisyon na nakapwesto sa may sala ng bahay. Hindi ko na ata kayang makinig pansamantala muna ng mga bagong balita. Masyadong nakaka-alarma ang ilan. At ayaw ko namang kainin ng takot ang aking loob dahil sa aking mga nakikita't naririnig. Lalo na ang mga balita na may namatay na naman daw, o 'di kaya ay 'yung balitang nadagdagan na naman ang kaso ng COVID-19. Sabi pa nga kanina sa balita ay idineklara na nga rin daw ng presidente ng bansa na state of calamity na ang Pilipinas dahil sa patuloy na pagdami ng kaso.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Kailan kaya ito matatapos?

Dumulog na ako sa hapag-kainan at nagsimula nang magdasal ang aking kapatid. Kumpleto kaming pamilya sa hapag ngayon at isa 'yon sa mga bagay na dapat kong ipasalamat. Idagdag mo pa na may lamang putahe ang nakalagay sa mesa, na sapat iyon para magkalaman ang aming tiyan.

Matapos siyang magsalita ay nanguna na ako na sumandok ng kanin. Hindi kasi ako nakakain ng agahan kanina dahil tanghali na ako nagising kung kaya ipagsasabay ko na ang pagkain ng agahan at tanghalian.

"Kuya, pa-abot naman po ng ulam." Nakikisuyong sambit ko sa aking nakakatandang kapatid.

 Inabot naman niya sa akin ang menudo na aming ulam ngayon na nakalagay pa sa kulay puti na mangkok. Mas marami pa ang kinuha kong sarsa kaysa sa laman, dinagdagan ko na rin ng kuha ng karots at patatas.

Agad akong sumubo dahil na rin sa gutom. Tinawanan pa ako ng aking kuya na mukha raw akong hindi pinapakain.

"Ngumuya ka naman, Kathryn!" inirapan ko lang siya habang nginunguya ko ang pagkain sa aking bibig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hope Amidst CrisisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon