Pagkauwing pagkauwi ko nakasalubong agad sa akin si kuya, nakabusangot. Kumaway naman sa akin si Kid pagkatapos ay tumango kay kuya at tumawid na sa bahay nila. Naglalakad lang kami ni Kid pauwi since malapit lang naman ang school, minsan pag may mga event sumasabay siya sa amin ng driver ko or sumasabay naman ako sa kanya at sa driver nila.
"Anong oras na Lathiana?" Tinignan ko ang relo ko.
"6:00 pm kuya."
Napailing siya, mukhang mali na sinagot ko pa yung tanong niya.
"Hanggang alas dose ng tanghali lang ang pasok mo ah."
Strict talaga tong si kuya, daig pa niya sila mommy at daddy.
"May meeting kami para sa Student Council kuya, kasama ko naman si Kid 'tsaka nagpaalam ako kay mommy kanina sa text ah." napasimangot na din ako dahil sa tono ng boses niya.
Nakita kong napabuntong hininga siya noong nakitang nakasimangot ako.
"Ayoko lang na ginagabi ka, buti kasabay mo si Kid. Pasok na at magdidinner na tayo."
Tumakbo ako papunta kay kuya at kumawit sa braso niya. Alam ko namang love lang niya ako kaya strict siya sa akin. Sa totoo lang, i love him more than Dad. Hindi ko alam pero mas napupunan pa ni kuya yung pagiging 'parang' tatay sa akin kesa sa totoo kong tatay, well para sa akin lang naman yun.
Hinawakan niya lang ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
Pagkapasok namin sa bahay ay naghahain na si mommy ng dinner namin.
"Oh Lathiana, magbihis ka na ng pambahay." Si mommy.
"Mommy pinagalitan ako ni kuya."
Sumbong ko kunwari, tinitigan lang ako ng masama ni kuya dahil sa pagsusumbong ko.
"Hayaan mo na yang kuya mo anak, alam mo namang noon pa man ay ingat na ingat na yan sayo." Napangiti ako sa sinabi ni mommy.
Pagkabihis ko ng pambahay ay agad akong bumaba para magdinner. Nakaupo na si daddy sa kabisera habang si mommy ay nakaupo sa tabi ko at si kuya naman sa tapat ni mommy.
Kapag ganitong nasa dinner, si daddy lang ang may kapangyarihang magsalita, pwede ka lang magsalita kapag tinanong ka. Well, di namin alam kung bakit pero nakasanayan na din namin. Si Dad kasi ang authority sa bahay, kahit si mommy ay walang say pag si daddy na ang nagdesisyon. Maluwag naman siya sa amin ni kuya at nabibigay niya naman ang mga gusto namin pero minsan hindi namin siya nararamdaman bilang daddy namin.
"How's school Lathiana?"
Muntik ko pang maibuga ang iniinom ko nang magsalita si Dad, agad kong inayos ang sarili ko.
"Okay lang po Dad, ahm.. Nagkaroon po kami ng meeting kanina sa Student Council para sa acquaintance party ng mga senior high."
Naramdaman kong saglit na sumulyap si kuya kay Dad.
Tumango si Dad sa akin at bumaling kay kuya.
"How about you Austin? Graduating ka na next school year. What's your plan?" Nakita kong nataranta si mommy sa tanong ni Dad. Hindi ko alam kung bakit?
"Ahm.. Hon---" Bumaling si Dad sa kanya na nakataas ang kilay.
"Kinakausap ko ang anak mo. Kumain ka na dyan." Napatikhim si mommy at wala nang nagawa kung hindi sumunod kay dad.
Nagtataka akong tumingin kay mommy pero sinenyasan niya lang ako na ipagpatuloy ang pagkain ko.
"After the graduation, pupunta po ako sa Canada, I will start my own business therr."
Napakunot ang noo ko dahil sa sagot ni kuya. He has these plans without telling me?
Nagulat ako nang ibagsak ni Dad ang kamay niya sa mesa. Hinawakan ni mommy ang kamay ko para pigilan akong magsalita, alam niyang ipagtatanggol ko si kuya kung sakaling pagsalitaan nanaman siya ni Dad.
"Sa tingin mo papayagan kita Austin? May plano ka palang ganyan at wala kang balak sabihin sa akin. Sino ang nakakaalam, ang mommy mo?" Kita ko ang pagpipigil ni kuya na sagutin nang pabalang si Dad.
"Walang alam si mommy, hindi ko pa sinasabi sa kanya."
Hindi ko na kayang ituloy ang pagkain ko dahil sa sagutan nanaman nila ni Dad. It's the usual, kapag kasama namin magdinner si daddy.
Kapag ganitong nakikisabay si Dad sa amin sa dinner hindi talaga ako nagiging kumportable. Alam ko kasing may ganitong mangyayari, I grow up with this kind of setup.
"How about the resort? What are your plans? Ikaw ang inaasahan kong magmanage ng La Fuego." Bakas sa boses ni Dad ang panggigigil.
"Ayokong imanage ang resort dad."
Matapang ang sagot ni kuya, sa ganoong tono alam naming lahat na buo na ang desisyon niya at wala nang makakapigil sa kanya, kahit si dad.
Akmang itataas na ni Dad ang kamay niya nang napatayo ako.
"Dad no!" Pagpipigil ko sa kanya.
Ayoko na ulit makasaksi ng ganito. Palaging ganito 'pag andito si Dad sa bahay. Laging papagalitan si kuya o hindi naman kaya ay si mommy. Hindi niya lang ako napapagalitan dahil wala pa naman akong nagiging silbi sa kanya pero alam kong one day makakaranas din ako ng kung anong nararanasan ni kuya at mom.
"Dad please, huwag po sa harapan ng pagkain." Gusto kong maiyak nang sinamaan ako ng tingin ni Dad.
Maya maya ay mukhang nawala na ang init ng ulo ni Dad at tahimik nang kumain. Pinaligpit ko na ang plato ko dahil nawalan na ako ng ganang kumain.
Pagkatapos ng dinner ay sinundan ko agad si kuya sa kwarto niya. Nakatungo siya sa sa may study table niya, mukhang malalim ang iniisip.
"Kuya, iiwan mo kami ni mommy?"
Malungkot ang boses na bungad ko sa kanya.Nagbago ang expression ng mukha niya, naging malambot, pero bumalik lang din ulit sa dati, matapang at desidido.
"Mabuting malayo ako dito pagkatapos ko gumraduate. Next year pa naman yun Lathiana. Kailangan ko din yun para sa self development ko."
Hindi ko alam kung maiiyak ako o magiging proud sa kanya pero nalulungkot na ako na aalis siya ngayon pa lang. Buong buhay ko, magkakampi kaming dalawa pagkatapos ay iiwan niya ako dito.
"Paano ang La Fuego kuya?" Ang La Fuego ay ang pangalan ng resort namin.
"Gusto mong mamahala ng hotel di'ba?" Nagtaka ako sa tanong niya.
"Anong connect nun kuya?" Humarap siya sa akin at ngumiti.
"Ikaw ang dapat mamahala sa La Fuego."
Hindi agad pumasok sa utak ko ang sinabi niya pero parang may light bulb na lumitaw sa ulo ko.
"P-pero kuya. Hindi ko kaya yun."
"Kaya mo Lath. Alam ko."