Kabanata 5:Kaibigan

3 0 0
                                    


Hindi parin mawala sa isipan ko ang mga boses na naririnig ko.Lalo na ang mga salitang di pilit na makalimutan ng isipan ko.

"Pawiin ang lumbay,pangarapin ay ikaw."

Siguro nga ay napagod lang ako sa kababantay kay Lawrence,kaya madami na akong naririnig.

Hindi ko alam kung pwede ko ba itong sabihin kay guro,ngunit wala naman akong basehan sa mga naririnig ko.Siguro ay guni-guni ko lang ito.

Kamusta na ang binabantayan mo?wika ni Leo sa akin.

Kasama ko si leo ngayon ,dahil gusto ko munang bigyan ng panatag na oras si Lawrence para sa kanya lang.Nasa may garden lang naman siya,at nandito kami sa di kalayuan na nagmamasid kay Lawrence kahit na malayo.

Maayos naman.

Alam mo noong, kagaya mo din ako na naninibago din sa mundong ito.wika ni leo.

Hindi naman siguro maiaalis yan diba,na manibago dahil hindi naman ito ang nakasanayan natin.

Nang unang pagbaba ko sa mundong ito ,tila parang gusto ko nang matapos agad ang aking misyon ,upang makabalik na sa ating mundo.wika ni Leo

Bigla naman akong seryusong napatingin sa kanya,at naghihintay na ngayon ng sagot.

Sa nakikita ko naman ay tila malapit na matapos ang misyon mo.

Oo.wika ni Leo

Bakit parang di ka naman masaya sa mga nangyayari?

Dahil sa oras na tumatagal ako dito nagugustuhan ko na dito,at tila ba'y ayaw ko nang bumalik pa sa mundong yun.wika ni Leo

Ang iyong kagustuhan ay tila magiging isang pangarap nalang,dahil itinakda lang tayo upang maging taga-pagbantay nila ,at sa oras na matapos iyon ay kailangan na nating bumalik sa mundo natin.Ayaw man natin o gusto ay wala tayong magagawa.

Minsan sa pamamalagi ko dito sa lupa,ay hindi ko maiwasan ang mapalapit sa mga tao.Mapalapit sa sitwasyong hindi na tama.,Hindi na tama dahil sa sitwasyon natin na tanging tayo lang ang taga-pagbantay nila.wika ni Leo

Natatandaan ko na ang mga sinabi sakin ni guro bago ako magpunta dito.Na huwag haluan ng damdamin ang iyong misyon,dahil ang misyong ito ay may hangganang hindi maaalala ng sino man.

Kung ako'y mawawala sa mundong ito.Hinahangad ko ang kanyang kaligayahan.Alam kong kahangalan ang hilinging maging tao nalang ako,ngunit isa itong paglabag sa batas ng taga-bantay.Pero masaya ako na kahit papaano ay naging tao ako ,nakikita ko siya ,nararamdaman at sa maikling panahon ay napakita ko ang totoong ako .Na hindi bilang taga-pagbantay nya ngunit sa paraang pagiging tao.wika ni leo na hindi na napigilan ang pagpatak ng luha.









Sa mga sinabi ni Leo ay tila may mga pangarap na siyang binuo .Pangarap na makasama nya ang isang tao,at mabuhay ng malaya,ngunit gaya nga ng unang pananaw ay isa lang itong pangarap.

Bilang isang anghel ay hindi madali,sa oras ,araw at panahon na lumilipas .May awa din kami ngunit kahit alam namin kailangan ng tulong ng mga tao ay hinahayaan namin,hindi kami pwedeng mangialam sa kanyang kamatayan.Dahil ito'y labag sa kautusan ng diyos.

Sana'y hindi ako umabot sa ganoong sitwasyon.,dahil hindi ko masasabing ang isang pagkakataon ay kayang pigilan .

Ang mga ganitong pagkakataon ay nakakadurog ng damdamin para sa aming mga anghel,at mas lalong tumindi ang pagtingin ko dito ,dahil sa nakita ko sa damdamin ni Leo habang binibitawan nya ang mga salitang yun.










Dawn: Empire's Last BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon